________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang pinsala sa litid na Achilles ay pagkabanat o pagkapunit ng matibay na tali ng tissue na ikinakabit ang iyong buto sa sakong papunta sa kalamnan ng binti.
- Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang pinsala.
- Ang pinsala sa litid na Achilles ay maaaring magamot sa pamamagitan ng mga espyesyal na sapataos o mga pamasak sa sapatos, ehersisyo, yelo, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.
________________________________________________________________________
Ano ang pinsala sa isang litid na Achilles?
Ang isang pinsala sa litid na Achilles ay isang problema sa litid na nagkokonekta sa buto ng iyong sakong hanggang sa kalamnan ng binti ng iyong ibabang paa. Ang mga litid ay malalakas na tali ng tisiyu na nagkakabit ng kalamnan sa buto. Ginagamit mo ang litid na Achilles kapag ituturo mo pababa ang iyong paa at kapag maglalakad, tatakbo, o tatalon ka.
Ang mga litid ay maaaring mapinsala o maaaring sila ay dahang-dahang masira sa katagalan. Maaari kang magkaroon ng maliit o parsyal na mga pagkapunit sa iyong litid. Kung magkaroon ka ng ganap na pagpunit sa iyong litid, tinatawag itong pagkalagot Ang iba pang pinsala sa litid ay maaaring matawag na strain, tendinosis, o tendonitis.
Ano ang sanhi?
Ang mga pinsala sa litid na Achilles ay maaring sanhi ng:
- Sobrang paggamit sa litid, tulad ng mula sa maraming paakyat na pagtakbo, matinding ehersisyo, o pagsasanay sa sports o mula sa paggawa ng maraming trabaho na nagsasanhi sa iyo na ibalukto ang mga tuhod at bukung-bukong
- Isang biglaang aktibidad na nagpapabaluktot o nakakapunit ng iyong litid, tulad ng pagtalon, simulang tumakbo nang mabilis, o pagbagsak
Mas malamang na magkakaroon ka ng problema sa litid na Achilles kung ikaw ay:
- Mayroong banat na kalamnan ng binti o isang banat na litid na Achilles
- Palitan ang klase ng sapatos na pangtakbo na sinusuot mo, o kung magsusuot ka ng matataas ang tangkong sa halos buong araw at pagkatapos ay magpapalit sa mas mababang takong na sapatos para sa ehersisyo
- May problema na tinatawag na over-pronation, na nangyayari kapag ang iyong mga paa ay papasok na rumorolyo at mas pumapantay kaysa sa normal kapag naglalakad o tumatakbo ka
Ano ang mga sintomas?
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
- Pananakit, paninigas, panghihina, o pamamaga sa likuran ng iyong ibabang paa
- Pananakit sa likod ng iyong paa o bukung-bukong kapag tatayo ka sa iyong mga hinalalaki sa paa
- Kahirapan sa pagturo pababa ng iyong paa
Kung ganap na napunit ang litid, maaaring nakaramdam ka ng pagputok noong oras ng pinsala. Maaaring hindi mo maiaangat ang iyong sakong o maituturo ang iyong mga hinlalaki sa paa.
Papaano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaaring hilingan ka ng iyong provider na panoorin kang lumakad o tumakbo para makita kung mas pumpantay kaysa sa normal ang iyong mga paa Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:
- Mga X-ray
- Isang MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para ipakita ang mga detalyadong larawan ng iyong paa at binti
Papaano itong ginagamot?
Kakailanganin mong baguhin o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang iyong litid. Bilang halimbawa, maaaring kailanganin mong lumangoy imbes na tumakbo.
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom.
Ang mga espesyal na sapatos o mga pangsingit ay maaaring makatulong. Kung ikaw ay may malalang pinsala, maaaring ilagay ng iyong healthcare provider ang iyong paa sa isang molde o bota nang mangilan-ngilang linggo para mapigilan ito sa paggalaw habang naghihilom ito.
Kung napunit ang iyong litid, maaaring kailanganin mo ng operasyon para kumpunihin ang litid.
Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Para panatilihing maimpis ang pamamaga at tulungang pahupain ang pananakit:
- Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa napinsalang bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
- Magmasahe ng yelo. Para gawin ito, pageluhin ang tubig sa isang cup na Styrofoam, pagkatapos ay talupan ang ibabaw ng cup para malantad ang yelo. Hawakan ang ilalim ng cup at ihagod ang yelo sa sumasakit na bahagi nang 5 hanggang 10 minuto. Gawin ito nang mangilan-ngilang beses kada araw habang may pananakit ka.
- Panatilihing nakapatong ang iyong paa sa mga unan kapag uupo o hihiga ka.
- Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
- Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
- Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.
- Maglagay ng mamasa-masang init sa kumikirot na bahagi nang 10 hanggang 15 minuto bago ka magpainit at mag-ehersisyo ng pag-uunat. Maaaring makatulong ang mamasa-masang init na mapahinga ang iyong mga kalamnan. Kabilang sa mamasa-masang init ang mga heat patch o mamasa-masang heating pad na mabibili mo at karamihan ng botika, isang mainit na basang basahan, o isang mainit na shower. Para maiwasan ang mga paso sa iyong balat, sundin ang mga direksyon na nasa pakete at huwag magsinungaling sa anumang klase ng hot pad. Huwag gagamit ng init kung mayroon kang pamamaga.
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Papaano akong makatutulong maiwasan ang isang problema sa litid na Achilles?
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Kung ikaw ay mayroong banat na mga litid na Achilles o kalamnan ng binti, banatin ang mga ito nang dalawang beses kada araw kung gumagawa ka man o hindi ng anumang aktibidad sa araw na iyon. Kung sumasakit ang iyong paa o bukung-bukong pagkatapos ng ehersisyo, ang paglagay ng yelo dito ay maaaring makatulong mapigilan ito na mapinsala.
Iwasan ang paakyat na pagtakbo kung nahihilig kang magkaroon ng mga pinsala sa litid na Achilles.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gamitin ang kagamitang pangprotekta na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.