Ang HIV (human immunodeficiency virus) ay ang virus na nagsasanhi ng AIDS (acquired immunodeficiency syndrome). Inaatake ng HIV ang immune system ng katawan. Ang immune system ay ang depensa ng katawan laban sa mga impeksyon. Sa katagalan, pinapahina ng HIV ang kakayanan ng iyong katawan na labanan ang malalalang impeksyon at ilang kanser. Kapag nangyayari ito, ang impeksyon ng HIV ay nagiging AIDS. Ang AIDS ay maaaring maging banta sa buhay, ngunit ito rin ay isang naiiwasang sakit.
Ang ganap na mga epekto ng impeksyon ay maaaring hindi lumabas hanggang 5 sa 10 taon pagkatapos na mahawahan ka ng virus. Binibigyan ng mga bagong paggagamot ang mga tao na mabuhay nang mas mahaba taglay ang sakit.
Ang mga cell na lumalaban-sa-impeksyon ng immune system ay isang uri ng white blood cell na tinatawag na CD4 cells o T-helper cells. Ilang mga buwan hanggang ilang taon pagkatapos mahawa sa HIV, inuumpisahang sirain ng virus ang mga cell na ito. Nagiging AIDS ang impeksyon sa HIV kapag napakaraming CD4 cells ang nasisira na nawawala ang iyong kakayahan na labanan ang malalalang impeksyon o mga tumor. Nabubuo ang sari-saring impeksyon na tinatawag na mga oportunistang impeksyon. Tinatawag ang mga iyon na oportunista dahil sinasamantala ng mga iyon ang iyong huminang immune system. Ang mga impeksyon na ito ay karaniwang hindi nagsasanhi ng malulubha o nakamamatay na problema sa kalusugan. Gayunman, kapag mayroon kang AIDS, mas malala ang mga impeksyon at tumor at mas mahirap gamutin nang matagumpay.
Ang HIV ay kumakalat sa bawat tao kapag pumasok sa katawan ang nahawahang dugo o mga seksuwal na pag-agas, tulad ng isperma. Ang kalalakihan, kababaihan, at mga bata ng lahat ng edad ay maaaring makakuha ng HIV. Maaari kang mahawahan ng HIV sa pamamagitan ng:
Ang mga sanggol ay maaaring mahawahan bago sila ipanganak o mula sa gatas ng isang nahawahang ina.
Ang HIV ay hindi kumakalat sa hangin, sa pagkain, o sa pamamagitan ng kaswal na pagkakadikit sa pakikisalamuha tulad ng pakikipagkamay o pagyakap.
Mahalaga na tandaan na ang HIV ay kadalasang hindi nagsasanhi ng anumang sintomas sa maraming buwan o kahit na sa ilang taon. Kapag nagsisimula kang magkaroon ng mga sintomas, kadalasan ang mga iyon ay mga sintomas ng iba pang sakit na nagawang atakihin ang katawan dahil sa impeksyon ng HIV.
Isinasagawa ang mga pagsusuri sa HIV sa 2 hakbang.
Ang pagkuha ng eksaminasyon ng HIV sa opisina o isang klinika ng iyong healthcare provider ay tumatagal lang nang ilang minuto.
Makakakuha ka ng kit na hahayaan kang eksaminin ang iyong dura para sa HIV sa bahay. Gagamit ka ng pamahid para kumuha ng sampol ng dura mula sa iyong bibig at pagkatapos ay gagamitin mo ang kit para eksaminin ang pamahid. Makukuha mo ang resulta sa ilang minuto lamang at ito ay 92% maaasahan sa pagtuklas sa impeksyon ng HIV. Posibleng makakuha ng hindi tamang resulta. Dapat mong kumpirmahin ang resulta ng eksaminasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng pangalawang eksaminasyon sa opisina o isang klinika ng iyong healthcare provider.
Sa sandaling makumpirma mong positibo ang mga resulta ng eksaminasyon ng HIV, magkakaroon ka ng masusing medikal na eksaminasyon. Ibinibilang sa eksaminasyon ang pagtalakay sa history ng iyong seksuwal na mga karanasan at impeksyon. Tatanungin din ng healthcare provider ang tungkol sa anumang history ng pag-abuso sa droga.
E-eksaminin ka rin sa iba pang impeksyon na maaaring lumala kapag mayroon kang HIV o AIDS.
Mapapabagal ng mga gamot ang sakit, ngunit ang mga ito ay hindi lunas. Maraming bagong gamot sa paggagamot at mga kumbinasyon ang kasalukuyang inirereseta. Maaaring kabilang sa iyong paggagamot ang mga gamot na nagpapabagal sa pagdami ng mga virus. Ang paggagamot sa mga gamot na ito ay dedepende sa kung gaanong kababa ang bilang ng iyong CD4 cell at gaanong karaming virus ang nasa iyong katawan. Maaaring kailanganin mong magpa-eksamin sa laboratoryo sa tuwing ilang linggo o mga buwan para malaman kung papaanong nakakaapekto sa iyong katawan ang virus at kung gaanong kainam gumagana ang iyong paggagamot. Ang iyong paggagamot para sa HIV/AIDS ay maaaring kabilang ang paggagamot o pang-iwas sa iba pang klase ng mga impeksyon at tumor.
Ang pagpapaalaga sa isang opisina o klinika na naghahandog ng pangangasiwa ng kaso ay maaaring isang mahalagang bahagi ng iyong paggagamot. Ang ibig sabihin nito ay aalagaan ka ng isang koponan ng mga provider at iko-coordinate ng isang tagapangasiwa ng kaso. Tutulungan ka ng tagapangasiwa ng kaso na makipag-usap sa lahat na nag-aalaga sa iyo. Kabilang sa iba pang bentahe:
Kung mayroon kang HIV o AIDS, may mga bagay na maaari mong gawin para pangalagaan ang iyong sarili at tulungang maiwasan ang mga problema.
Kung wala kang HIV o AIDS, ang pinakamagandang paraan para maiwasan ang impeksyon sa HIV ay ugaliin ang ligtas na sex at huwag gagamit ng mga ilegal na droga.
Bilang karagdagan:
Kung ikaw nalantad na sa HIV, may mga gamot na maaaring gamitin para maiwasan ang impeksyon. Ang paggagamot ay dapat na maumpisahan sa lalong madaling panahon at hindi lalampas sa 72 oras pagkatapos na malantad. Ang pangontrang paggagamot na ito ay hindi inirerekumenda sa mga tao na madalas na nasa peligro ng pagkakalantad sa HIV, tulad ng mga taong nakikipag-sex sa mga kaparehang positibo-sa-HIV. Mayroong pang-araw-araw na gamot na makatutulong maiwasan ang impeksyon ng HIV kung mayroon kang napakataas na peligro na mahawahan—bilang halimbawa, ikaw ay negatibo sa HIV ngunit may kapareha kang positibo sa HIV. Gayunman, ang gamot ay maaaring magsanhi ng malalalang side effect at maaaring mahal. Dapat gamitin ito sa mga karaniwang inirerekumendang ligtas na sex.
Kung mayroon kang HIV o AIDS, mapipigilan mo ang pagkalat ng HIV sa iba kung ikaw ay:
Ang mga kababaihan na positibo sa HIV ay dapat makipag-usap sa kani-kanilang healthcare provider bago magbuntis.
Makakakuha ka ng mas maraming impormasyon sa: