Page header image

Sakit sa Pag-inom ng Alkohol

(Alcohol Use Disorder)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang sakit sa pag-inom ng alkohol ay isang pattern ng pag-inom ng alkohol na humahantong sa mga malalang problema sa sarili, pamilya at kalusugan.
  • Ang sakit sa pag-inom ng alkohol ay nagagamot. Para sa anumang paggagmot para maging matagumpay, dapat mong gustuhing itigil ang pag-inom. Maaaring magreseta ang iyong provider ng gamot na makatutulong sa iyo na tumigil sa pag-inom. Maaaring kailanganin mo ng paggagamot na kilala bilang detoxification, tinatawag ding "detox" o "drying out." Ang mga grupong tinutulungan-ang-sarili tulad ng Alcoholics Anonymous, mga grupo ng suporta, at therapy ay maaaring nakatutulong.
  • Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang iyong sarili ay magpatingin sa iyong healthcare provider at gumawa ng mga plano para itigil ang pag-inom.

________________________________________________________________________

Ano ang sakit sa pag-inom ng alkohol?

Ang sakit sa pag-inom ng alkohol ay isang pattern ng pag-inom ng alkohol na humahantong sa mga malalang problema sa sarili, pamilya at kalusugan. Mas lumalapat ang mga pahayag na ito sa iyo, mas malala ang iyong sakit sa pag-inom ng sustansya.

  1. Mas marami kang iniinom na alkohol o umiinom nang mas matagal kaysa sa naplano mo.
  2. Gusto mong bawasan o tumigil, ngunit hindi magawa.
  3. Gumugugol ka nang maraming oras at enerhiya sa pagkuha, pag-inom at pagpapalipas sa mga epekto ng alkohol.
  4. Sobra kang nananabik sa alkohol kaya nahihirapan kang isipin ang tungkol sa ano pa mang bagay.
  5. May mga problema ka sa trabaho o paaralan, o itinitigil ang pangangalaga sa mga tao na umaasa sa iyo.
  6. May mga problema ka sa relasyon dahil hindi mo tinutupad ang iyong mga pangako, o nakikipagtalo ka o nagiging marahas sa ibang tao.
  7. Itinitigil mo ang paggawa ng mga bagay na mahalaga sa iyo, tulad ng sports, mga libangan, o magpalipas ng oras kasama ng mga kaibigan o pamilya, dahil sa iyong pag-inom ng alkohol.
  8. Umiinom ka ng alkohol kahit na mapanganib ito, gaya nang habang nagmamaneho o nagpapatakbo ng makinarya.
  9. Patuloy kang umiinom ng alkohol kahit na alam mong napipinsala ang iyong pisikal o mental na kalusugan.
  10. Kailangan mong uminom nang mas maraming alkohol, o inumin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto. Tinatawag itong tolerance (makainom nang walang epekto).
  11. May mga sintomas ka ng withdrawal kapag itinitigil mo ang pag-inom.

Ang sakit sa pag-inom ng alkohol ay maaari ring tawaging pag-abuso sa sustansya, pagkalulong, pagkagumon, o pagkasugapa sa alak.

Ang sakit sa pag-inom ng alkohol, ay maaring mag-anyo nang marami kabilang ang:

  • Palaging pag-inom
  • Itinatago ang iyong pag-inom sa pamamagitan ng pag-inom nang pribado
  • Sandaliang pag-inom, pag-inom na hindi bababa sa 4 hanggang 5 inom sa humigit-kumulang 2 oras

Ang pag-abuso sa alkohol ay sanhi ng maraming problema sa kalusugan. Karamihan sa mga bayolenteng krimen, tulad ng pang-aabusong seksuwal, pagsalakay, at mga pagpatay sa to ay nauugnay sa pag-abuso sa alkohol. Ang mga nagmamanehong lasing ay nagiging sanhi ng karamihan sa pagkamatay sa mga aksidente sa sasakyan sa US.

Ano ang sanhi?

Binabago ng alkohol kung paanong gumana ang iyong katawan at utak. Kapag regular kang umiinom at marami ang iniinom, may mga pagbabago sa mga nerve cell at daloy ng dugo sa iyong utak. Bilang isang resulta, iniisip mo ang tungkol sa alkohol sa lahat ng oras at hindi ka mapapanatag hangga't sa makainom ka nang maraming alkohol. Kapag bigla kang huminto sa pag-inom, may mga pagbabago sa iyong utak, na nagiging sanhi ng mga sintomas ng withdrawal sa alkohol.

Kung ikaw ay isang lalake na mababa sa edad na 65, maaaring nasa panganib ka sa pag-abuso sa alkohol kung iinom ka nang higit sa 14 na tungga kada linggo, o higit sa 4 na tungga kada araw.

Kung ikaw ay mas matanda sa 65, o ikaw ay isang babae, maaaring nasa panganib ka sa pag-abuso sa alkohol kung iinom ka nang higit sa 7 tungga kada linggo, o higit sa 3 tungga kada araw. Ang mga halimbawa ng 1 inom ay:

  • 12 onsa ng beer
  • 5 onsa ng wine
  • 1.5 onsa ng 80-proof na distiled spirits tulad ng whiskey o vodka.

Mayroon kang mas mataas na peligro ng pagiging lulong sa alkohol kung ikaw ay:

  • Nagsimulang uminom sa maagang edad
  • May history sa pamilya ng pag-abuso sa droga o alkohol
  • Umabuso na sa alkohol o mga drago noong nakalipas
  • Madaling mabigo, nahihirapan sa pangangasiwa ng stress, o pakiramdam na parang hindi ka pa magaling
  • Ay regular na nasa paligid ng mga tao na gumagamit ng alkohol, o mga droga
  • May problema sa kalusugan hinggil sa pag-iisip tulad ng depresyon o pagkaligalig
  • May palagiang pananakit

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ng sakit sa pag-inom ng alkohol ay dedepende sa kung gaanong karami at kadalas kang umiinom. Ang mga sintomas ay maaaring maging banayad hanggang sa napakalala, tulad ng:

  • Hirap sa paglalakad o may pagkalampa
  • Doble ang paningin
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Nabubulol o malakas na pananalita
  • Namumulang mga mata at mapulang mukha
  • Kawalan ng gana, pananakit ng tiyan, o pagtatae
  • Pagkalito
  • Nagbabago ang sumpong, tulad ng nagagalit o naiirita
  • Nagba-black out
  • Hirap sa paghinga, coma o kamatayan

Maaari ka rin magkaroon ng mga sintomas ng bago o malalang mga problema sa kalusugan na sanhi ng pangmatagalang paggamit ng alkohol. Mga problema sa kalusugan na sanhi ng alkohol kabilang ang hindi magandang nutrisyon, kanser, mga problema sa bituka, puso, o atay.

Ang mga sintomas ng withdrawal ng alkohol ay maaaring banayad hanggang sa malala. Maaaring magkaroon ka ng ilan sa mga sintomas na ito kapag tumigil ka sa pag-inom:

  • Nanginginig, pinagpapawisan, nagiging balisa, o bumibilis ang tibok ng puso
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Nagkakaproblema sa pagtulog o nahihirapang makinig nang mabuti
  • Nakakakita, nakaririnig,o nakakaramdam ng mga bagay na wala doon
  • Pananabik sa alkohol
  • Nagkakaroon ng mga atake

Ang ilang taong lulong sa alkohol ay may mga sintomas na banta-sa-buhay na tinatawag na delirium tremens (DTs) kapag huminto sila sa pag-inom ng alkohol. Ang mga sintomas ay katulad sa mga sintomas ng withdrawal, ngunit mas malala. Ito ay isang medikal na emergency.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider kung gaano kadami at kung gaano kadalas kang uminom. Maging tapat tungkol sa iyong pag-inom. Kinakailangan ng iyong provider ang impormasyong ito para maibigay sa iyo ang tamang paggagamot. Tatanungin din niya ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at susuriin ka. Maaaring sumailalim ka sa mga pagsusuri sa dugo o ihi.

Paano itong ginagamot?

Ang sakit sa pag-inom ng alkohol ay nagagamot. Para sa anumang paggagmot para maging matagumpay, dapat mong gustuhing itigil ang pag-inom.

Maaaring magreseta ang iyong provider ng gamot na makatutulong sa iyo na tumigil sa pag-inom. Ang isang klase ng gamot ay nagsasanhi ng pagduduwal at pagsusuka kung iinom ka ng alkohol. Hinahadlangan ng ibang gamot ang pakiramdam ng kasiyahan na ibinibigay sa iyo ng pag-inom at tumutulong mabawasan ang mga kapanabikan. Ang mga gamot na ito ay kadalsang mainam na gumagana kapag ginagamit habang ikaw ay nasa therapy at nasa isang grupo ng suporta. Huwag susubukang gumamit ng iba pang iniresetang gamot o mga ilegal na gamot para tulungan kang tumigil sa pag-inom ng alkohol.

Maaaring kailanganin mo ng paggagamot na kilala bilang detoxification, tinatawag ding "detox" o "drying out." Ang detoxification ay maaaring isagawa habang ikaw ay nasa ospital o center ng gamutan sa droga, o maaari kang manatili sa bahay at pumunta sa isang klinika o ospital nang mangilan-ngilang beses kada linggo para sa paggagamot. Ang tamang pagpipilian para sa iyo ay dumidepende sa kung kadami o kung gaano ka na katagal umiinom. Dumidepende rin ito sa iba pang mga problemang medikal na maaaring mayroon ka. Kakailanganin mong ganap na itigil ang paggamit ng alkohol sa panahon ng paggagamot. Ang paggagamot para sa mga sintomas ng withdrawal ay maaaring kabilang ang mga gamot, bitamina, at mga IV fluid. Ang detoxification ay maaaring tumagal nang 3 hanggang 4 na araw.

Kung gusto mong itigil ang pag-inom ng alkohol, humingi ng tulong.

Ang mga grupong tinutulungan-ang-sarili tulad ng Alcoholics Anonymous, mga grupo ng suporta, at therapy ay maaaring makatulong. Maaaring kabilang sa mga uri ng therapy ang:

  • Cognitive-Behavioral Therapy (CBT). Tumutulong ang CBT na tingnan ang iyong mga iniisip, paniniwala, at mga kilos, at inuunawa kung alin ang nagiging dahilan ng mga problema para sa iyo. Pagkatapos ay matututunan mong baguhin ang mga hindi malusog na paraan ng pag-iisip at pagkilos.
  • Therapy na pamilya. Kadalasan ang mga taong may mga sakit sa paggamit ng sustansya ay hindi nababatid na mayroon silang problema o hindi pa handang tumanggap ng paggagamot. Iniiwan nito ang mga mahal sa buhay na bigo at naguguluhan. Ang therapy na pamilya ay ginagamot ang lahat ng miyembro ng pamilya imbes na tingnan ang iisang tao. Tinutulungan nito ang buong pamilya na maunwaan nang mas mabuti ang bawat-isa at gumawa ng mga pagbabago.
  • Mga programa sa sakit sa paggamit ng sustansya. Ang iyong mga healthcare provider at mga tagapayo ay makikipagtulungan sa iyo para bumuo ng programa sa paggagamot. Maaari mong magawang pumunta sa therapy nang ilang beses kada linggo. O maaaring kailanganin mo ng paggagamot sa isang ospital o rehab center. Maaaring kailangan mong manatili doon nang mangilang-ngilang linggo, o maaari mong magawang pumunta sa isang klinika o ospital araw-araw.

Ang pagpapagaling ay isang mahabang proseso. Marami sa mga taong may mga sakit sa paggamit ng sustansya ay higit sa isang beses sinusubukang tumigil bago sila nagtagumpay sa wakas. Huwag sumuko. Maaari kang tumigil at tumigil nang permanente. Humihing ng tulong at subukan muli. Ang follow-up ng pagpapagamot ay napakahalaga para hindi ka bumalik sa pag-inom ng alkohol.

Kung ikaw ay na-overdose,o nagkakaroon ng matitinding sintomas ng withdrawal kakailanganin mong magamot sa isang ospital. Gagamutin ka rin sa anumang problema sa kalusugan tulad ng atake sa puso, stroke, o iba pang problemang banta sa buhay.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang iyong sarili ay magpatingin sa iyong healthcare provider at magumawa ng mga plano para tumigil sa pag-inom. Kung nagpapatingin ka na sa isang healthcare provider, mahalaga na kunin ang buong kurso ng paggagamot na inirereseta sa kanya.

  • Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar.
  • Pag-aralang pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Humanap ng mga paraan para magpahinga. Bilang halimbawa, kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng mga pelikula, o maglakad-lakad. Subukan ang yoga, meditasyon, o mga ehersisyong malalim na paghinga kapag nakararamdam ka ng stress.
  • Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Huwag gumamit ng alkohol o mga droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
  • Iwasan ang mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay malamang na gumamit ng alkohol o mga droga.
  • Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo.
  • Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.

Ang mga tao at mapagkukunan sa iyong komunidad na makatutulong sa iyo na isama ang iyong mga healthcare provider, therapist, mga grupo ng suporta, mga center sa kalusugan sa pag-iisip, at alkohol o mga programa sa paggagamot sa pag-abuso sa sustansya. Maaaring gusto mong kontakin ang:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-06-15
Huling narepaso: 2016-03-28
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image