Page header image

Alkohol: Mga epekto sa Kalusugan

(Alcohol: Effects on Health)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang alkohol ay maaaring maging sanhi o magpalala ng pisikal na mga problemang pangkalusugan at mapinsala ang iyong puso, bituka, atay, mga bato, at utak.
  • Ang alkohol ay maaaring maging sanhi o magpalala sa mga problema sa kalusugan hinggil sa pag-iisip, kabilang ang hindi makontrol na galit, ligalig, depresyon, at schizophrenia.
  • Para sa karamihan ng tao, ang banayad na pag-inom ay hindi hihigit sa 1 pag-inom kada araw para sa isang babae at hindi hihigit sa 2 pag-inom kada araw para sa lalake. Maaari kang payuhan ng iyong healthcare provider kung gaanong kaligtas para uminom ka.

________________________________________________________________________

Gaanong karaming alkohol ang sobra-sobra?

Ang banayad na pag-inom ay hindi hihigit sa 1 inom kada araw para sa isang babae at hindi hihigit sa 2 inom kada araw para sa lalake.

Kung ikaw ay isang lalake na mababa sa edad na 65, maaaring nasa peligro ka sa pag-abuso sa alkohol kung umiinom ka ng 2 kada araw (14 na inom sa 1 linggo), o higit sa 4 na inom na sunud-sunod.

Kung ikaw ay mas matanda sa 65, o ikaw ay isang babae, maaaring nasa peligro ka sa pag-abuso sa alkohol kung umiinom ka ng 1 kada araw (7 inom sa 1 linggo), o higit sa 3 inom na sunud-sunod Ang mga halimbawa ng 1 inom ay:

  • 12 onsa ng beer
  • 5 onsa ng wine
  • 1.5 onsa ng 80-proof na distiled spirits tulad ng whiskey o vodka

May mangilan-ngilang pagbabago sa paraang nakakaapekto ang alkohol sa iyo habang tumatanda ka:

  • Ang alkohol ay may mas matapang na epekto dahil pinoproseso ito ng iyong katawan nang mas mabagal.
  • Ang oras ng reaksyon ay bumabagal sa edad, at mas pinababagal ito ng alkohol.
  • Malamang na malilito ka kung iinom ka nang marami.

Ang ilang tao ay hindi dapat uminom talaga. Hindi ka dapat uminom ng alkohol kung ikaw ay:

  • Hindi makontrol kung gaano karami ang iyong iinumin
  • Kailangang magmaneho, magpatakbo ng makinarya, o gumagawa ng anumang bagay na kinakailangan kang maging alerto at nasa ayos
  • May mga kundisyong medikal tulad ng mga ulcer o sakit sa atay
  • Umiinom ng mga gamot na hindi hinahalo sa alkohol

    Kung iinom ka ng maraming acetaminophen (Tylenol), malamang na mapinsala ng pag-inom ng alkohol ang iyong atay. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Kung regular kang iinom ng alkohol, tanungin ang iyong health care provider kung anong dosis ang ligtas.

    Kung iinom ka ng mga gamot na anti-imflammatory tulad ng ibuproprefen o naproxen, huwag iinom ng alkohol maliban lang kung inaaprobahan ng iyong healthcare provider. Maaari nitong pataasin ang peligro ng mga problema sa sikmura tulad ng gastritis o mga ulcer.

Bago mo piliing uminom ng alkohol, kahit na kakaunti, makipag-usap sa iyong healthcare provider. Mabibigyan ka ng iyong provider ng pinakamainam na payo para sa iyong kalusugan.

Papaanong nakakaapekto ang alkohol sa pisikal na kalusugan?

Ang alkohol ay makakaapekto sa iyong katawan sa maraming paraan. Ang higit sa katamtaman na paggamit ng alkohol ay maaaring:

  • Maging sanhi ng mga problema. Maaaring matulungan ka ng alkohol na makatulog, ngunit kapag lumipas na ang alak, maaari kang magising nang mas maaga. Maaari ka rin madalas gumising para umihi.
  • Mapinsala ang iyong bituka, atay, lapay, o maliit na bituka. Ang pinsala sa iyong maliit na bituka ay gagawin nitong mahirap para sa iyong katawan na sumipsip ng mga bitamina at sustansya mula sa pagkain.
  • Maging sanhi ng mas paglaki ng iyong puso at mapahina ang kalamnan ng iyong puso. Maaari itong humantong sa pagpalya ng puso, na nangangahulugan na hindi makapagbobomba ang kalamnan ng iyong puso nang sapat na dugo para matugunan ang mga pangangangailangan ng iyong katawan. Ang matinding pag-inom ng alkohol ay isa ring karaniwang sanhi ng mga iregular at mabilis na pagtibok ng puso, tinatawag na atrial fibrillation.
  • Pinatataas ang iyong peligro sa kanser ng lapay, bibig, dila, at lalamunan. Mas mataas pa ang peligro nito kung gagamit ka ng tabako.
  • Humantong sa mga problema sa kalusugan tulad ng gout (isang uri ng arthritis), mataas na presyon ng dugo o stroke.
  • Humantong sa mahinang nutrisyon kung papalitan ng alkohol ang mga pagkain, na may pagkawala ng protina, mga mineral, at bitamina. Ang kakulangan ng ilang bitamina ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa memorya, pag-iisip, o paglalakad. Maaari kang magkaroon ng mga sintomas tulad ng pamumulikat ng kalamnan, pamamanhid, pangingilabot, at panghihina sa iyong mga paa at kamay.

Maaari rin gawin ng alkohol na:

  • Baguhin ang mga lebel ng insulin at asukal sa dugo ng iyong katawan, na maaaring humantong sa mga problema kung ikay ay may diabetes
  • Maging sanhi ng mga problema sa kung papaanong gumana ang iyong mga gamot
  • Mapalala ang iba pang problemang medikal, tulad ng sakit atay
  • Maging sanhi ng mga pinsala mula sa mga pagbagsak at iba pang aksidente

Marami sa mga healthcare provider ay nagpapayo sa mga kababaihan na huwag uminom ng alkohol habang sinusubukang mabuntis, sa pagbubuntis, o habang nagpapasuso. Kung iinom ka ng alkohol habang buntis ka, ikaw ay nasa peligro ng:

  • Pagkakalaglag
  • Maagang panganganak
  • Pagkakaroon ng sanggol na mababa ang timbang-pagkaanak
  • Stillbirth
  • Pagsilang sa isang sanggol na may mga depekto sa panganganak

Papaanong nakakaapekto ang alkohol sa kalusugan ng pag-iisip?

Ang matinding pag-inom ay maaaring makapagbago sa kung papaano ka mag-isip, makaramdam, at kumilos. Maaari kang magalit, mairita, o magselos. Habang lumalala ang mga problema sa pag-inom, maaari kang makipagtalo o makipag-away sa bahay, sa trabaho, at sa mga kaibigan. Maaaring humantong ito sa karahasan, pang-aabuso sa bata, at pagkawala ng iyong pamilya, trabaho, at mga kaibigan. Ang alkohol ay maaaring maging sanhi o magpalal sa mga problema sa kalusugan sa pag-iisip tulad ng ligalig, depresyon, sakit na bipolar, o schizophrenia.

Karamihan sa mga bayolenteng krimen, tulad ng pang-aabusong seksuwal, pagsalakay, at mga pagpatay sa to ay nauugnay sa pag-abuso sa alkohol. Ang mga nagmamanehong lasing ay nagiging sanhi ng halos kalahati ng mga kamatayan mula sa mga aksidente sa sasakyan sa US.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2014-03-14
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image