Page header image

Alzheimer's Disease

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Nagreresulta ang Alzheimer's disease sa isang unti-unting pagkawala ng kakayahang mag-isip, makaalala, mangatwiran, at magplano.
  • Walang lunas para sa Alzheimer's disease. Ang layunin ng paggagamot ay para makontrol ang mga sintomas at pabutihin ang kalidad ng buhay hangga’t maaari.
  • Maaaring kabilang sa panggagamot ang paggamot sa iba pang karamdaman, pagkain ng malusog na diyeta, pag-eehersisyo nang regular at mga gamot.

________________________________________________________________________

Ano ang Alzheimer's disease?

Ang Alzheimer's disease (AD) ay isang uri ng demensya na lumalala sa katagalan. Ang AD ay ang pagkawala ng kakayahang mag-isip, makaalala, mangatwiran, at magplano na kadalasang unti-unti. Naaapektuhan ng sakit ang mga cell sa utak at dahan-dahan na nagiging sanhi ng pagkawala ng memorya at kakayahang mag-isip. Sa katagalan, maaari din itong maging sanhi ng pagkawala ng kakayahang magsalita, lumakad, umalala, kumontrol ng mga emosyon, at gumawa ng mga desisyon.

Hindi maaaring gamutin ang AD. Ang paggana ng utak ay lalong lumalala hanggang sa mamatay. Mula sa simula ng problema sa memorya, maaaring maging sanhi ang AD ng kamatayan sa loob ng 5 hanggang 15 taon.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng AD ay hindi gaanong maunawaan. Maaaring ito ay ilang bagay, tulad ng genes, ang kapaligiran, o uri ng pamumuhay. Kapag may AD ka, may mga pagbabago sa iyong utak. Magsisimulang mamuo sa utak ang mga abnormal na piraso at mga kumpol ng protina. Ang ilang nerve cell na nasa utak ay titigil sa pagtatrabaho at mamatay. Nagiging sanhi ito ng simulang pagliit ng mga parte ng utak. Hindi maliwanag na ang mga pagbabago na ito ay nagiging sanhi ng AD o kung ang mga ito ay resulta ng AD.

Edad ang pinakamahalagang nalaman na dahilan ng peligro para sa AD. Ang pinakamaagang mga pagbabago sa utak mula sa AD ay maaaring magsimula sa pagitan ng mga edad 30 at 65. Gayunman, ang karamihan sa tao ay walang mga senyales ng sakit hanggang sa pagkatapos ng edad na 65.

Natagpuan ng mga siyemtipiko ang genes na nagpapataas sa panganib ng AD sa maagang edad sa ilang pamilya. Ang mga miyembro ng mga pamilyang ito ay maaaring magsimulang magpakita ng mga senyales ng sakit nang kasing aga ng kanilang ika-tatlumpu. Ito ay bihirang uri ng AD. Ang ibang genes ay maaaring magpataas sa peligro ng pagkakaroon ng sakit sa mas matandang edad.

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ng AD ay magkakaiba mula sa bawat tao. Nagbabago din ang mga ito habang lumalala ang sakit.

Kadalasan ang unang sintomas ay pagkamalilimutin. Halos sinuman ay nagsisimulang magkaroon ng ilang problema sa memorya habang tumatanda sila, ngunit ang mga problemang ito ay hindi karaniwang nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay. Ang pagiging makakalimutin ay hindi laging nangangahulugan na mayroon kang AD kung hindi naman apektado ang iyong kakayahan sa paggana. Kung ikaw ay nasa maagang mga yugto ng AD, gayunman, ang mga problema sa memorya na ito ay mas halata at mahalaga kaysa sa iba na pareho ang edad. Sinisimulan ng mga ito ang pang-araw-araw na buhay. Nahihirapan kang matandaan ang mga kamakailan lang na pangyayari, aktibidad, o ang mga pangalan ng pamilyar na mga tao o bagay. Ang haba ng iyong atensyon ay mas umiikli. Mas mahirap mag-focus. Ngunit kadalasan, sa maagang mga yugto ng sakit, ang mga problema sa memorya ay maaaring hindi magkaroon ng malaking epekto sa uri ng iyong pamumuhay o trabaho.

Sa katagalan, lumalala ang pagkawala ng memorya. May mas maraming problema sa pagbabasa, pagsusulat, at pag-uunawa. Maaaring mahirapan ka sa kung paano ang magbayad ng pera sa mga bagay-bagay. Maaari mong mawaglit o mawala ang mga bagay nang mas madalas. Maaaring kang maligaw habang nagmamaneho o kahit na nasa bahay.

Habang lumalala ang sakit, maaari mong makalimutan ang marami sa iyong nakaraan pati na rin ang mga kaganapan kamakailan lamang. Gayunman, sa karaniwan, ang kamakailan lang na memorya ay mas naaapektuhan kaysa sa pangmatagalang memorya.

Sa kalaunang yugto ng AD, mas madalas kang malito. Magiging mahirap na maalala ang mahahalagang katotohanan tungkol sa iyong sarili o iba. Ang mga bagay at tao na minsang mga pamilyar ay nagiging hindi pamilyar. Maaaring may mga pagbabago sa mood at personalidad. Ang ilang tao ay maaaring magkaroon ng maling mga paniniwala (mga delusyon). Ang ilang tao ay maaaring makakita o makarinig ng mga bagay na wala doon (mga guniguni). Maaari kang mabalisa. Maaari kang maging hindi mapakali at gumala-gala.

Paano itong sinusuri?

Walang tiyak na eksaminasyon ang nagkukumpirma sa AD habang ang isang tao ay buhay. Isang pag-eksamin sa tisyu ng utak pagkamatay ang tanging paraan upang malaman kung ikaw ay nagkaroon ng AD.

  • Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at eeksaminin ka.
  • E-eksaminin ng iyong provider ang iyong memorya, paglutas ng problema, pagbibilang, mga kasanayan sa wika.

Mangilan-ngilang eksaminasyon ay maaaring isagawa para tingnan kung ang ibang karamdaman ang nagiging sanhi ng mga sintomas. Bilang halimbawa, mga eksaminasyon sa dugo at ihi ay susuri sa mga problema tulad ng thyroid disease, diabetes, o sakit sa bato. Maaaring isagawa ang CT o mga MRI scan para makita kung ang ibang problema sa utak ay nagiging sanhi ng mga sintomas. Tatanungin din ng iyong provider tungkol sa depresyon.

Paano itong ginagamot?

Walang gamot para sa AD. Ang layunin ng paggagamot ay para makontrol ang mga sintomas at pabutihin ang kalidad ng buhay hangga’t maaari. Kabilang sa mga ito ang paggamot sa iba pang karamdaman, pagkain ng malusog na diyeta, at pag-eehersisyo nang regular. Mahalaga ring gawing ligtas ang iyong tahanan.

Maaaring makatulong ang ilang gamot na mapabagal ang pagkawala ng memorya at mabawasan sa paggana, ngunti hindi ginagamot ng mga ito ang AD. Maaaring makatulong ang mga gamot na ito sa iyong memorya upang manatiling kang aktibo sa mas matagal na panahon. Kung mayroon kang malubhang AD ang mga gamot na ito ay hindi makakatulong. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa mga peligro at benepisyo ng mga gamot na ito.

Ang iba pang gamot ay kasalukuyang pinag-aaralan para malaman kung ang mga ito ay maaaring makatulong. Ang Alzheimer’s Association ay nagpapatakbo ng serbisyo para tulungan ang mga tao na sumali sa mga kasalukuyang isinasagawang pananaliksik na pag-aaral.

Marami sa mga tao na may AD ang depres, lalo na sa maaagang yugto. Sa halip na kalungkutan, maaring mawala ang kakayahan sa pagkadama ng kasiyahan at kagalakan. Sa huling mga yugto ng AD, maaaring magdulot sa iyo ang depresyon na makaramdam ng galit at hindi mapakali. Maaaring mawala ang interes sa pagkain o pag-inom. Maaaring palubhain ng depresyon ang paggana ng utak. Maaaring makatulong ang mga gamot na panggamot sa depresyon o pagkabalisa.

Paano akong makatutulong pangalagaan ang isang taong may ganitong sakit?

Kung maaari, ang mga tao na may AD ay dapat sangkot sa mga desisyon tungkol sa pag-aalaga na kailangan nila o kung ano ang nais sa hinaharap. Isang matibay na kapangyarihan ng abugado para sa medikal at pinansiyal na mga bagay ang dapat na mapirmahan bago mawalan ng kakayahan ang tao na gumawa ng legal o mga pag-desisyon sa pangangalaga sa kalusugan. Ang kapangyarihan ng abogado ay dapat na isang tao na maaaring pagkatiwalaan na gumawa ng mga desisyon na gagawin ng taong may AD kung kaya nila. Kung nanaisin, dapat din isagawa ang isang umiiral na habilin.

Ang isang umiiral na habilin ay isang legal na dokumento na nagsasaad ng iyong mga kahilingan para sa iyong medikal na pangangalaga kung mayroon kang isang malubhang o terminal na sakit. Maaari mong kumpletuhin ang dokumentong ito sa anumang oras at pinakamagandang gawin ito kapag malusog ka at magagawang makapagtanong para magawa mo ang mahahalagang desisyon na ito tungkol sa iyong pangangalaga. Ang isang umiiral na habilin ay hindi ginagamit upang sabihin kung sino ang nais mong gumawa ng mga desisyon para sa iyo kapag hindi mo ito magawa ng mag-isa.

Iba-iba ang mga estado sa mga form na kanilang ginagamit at kinikilala. Kailangan mong malaman ang mga batas sa iyong estado at punan ang mga form na kinikilala ng iyong estado. Tanungin ang iyong healthcare provider o abogado para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga dokumentong ito.

Ang pag-asam na mamuhay ng mahabang panahon na may pangangailangan ng maraming pag-aalaga at pangangasiwa ay maaaring maging napakalaki sa taong may AD pati na rin para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang pagbibigay-alaga ay maaaring maging isang 24/7 na trabaho. Bilang isang caregiver, maaari kang emosyonal at pisikal na mapagod kung wala kang tulong o walang oras sa iyong sarili. Mga sumusuportang grupo para sa mga tagapagbigay-alaga, pamilya, mga kaibigan, at mga taong may AD ay maaaring makatulong na magbigay ng emosyonal na suporta at tulungan ka na malaman ang tungkol sa sakit.

Ang mga mapagkukunan sa komunidad ay napakahalaga. Para malaman ang mga serbisyong ito, makipag-usap sa iyong healthcare provider, departamento ng kalusugan ng lalawigan, o pagbisita sa asosasyon ng mga nurse. Ang ilang mga serbisyo ay maaaring sakop ng seguro ng kalusugan, long term na seguro sa pangangalaga, o mga lokal at ahensya ng estado. Maaaring kailangan mong bayaran ang iba pang mga serbisyo. Ang iba pang mga mapagkukunan ng tulong ay kabilang ang:

  • Mga social worker na maaaring maghanap at mag-organisa ng tulong, kabilang ang posibleng tulong pinansiyal
  • Mga ahensya ng Home healthcare na maaaring magbigay ng mga serbisyo tulad ng mga nars, medical social workers, dietitians, at mga therapist. Nagbibigay din sila ng home health aide para sa personal na pag-aalaga tulad ng paliligo.
  • Mga programa sa pagsasanay upang matulungan ang mga pamilya at mga kaibigan na malaman kung paano ang pag-aalaga sa isang taong may AD
  • Out-of-home na mga serbisyo tulad ng mga day care center na pang adulto, serbisyo sa pangkaisipang kalusugan, transportasyon, at mga nursing na pasilidad

Para sa higit na impormasyon sa pagkaya sa sakit na ito, makipag-usap sa iyong healthcare provider. Isa pang magandang pinagkukunan ng impormasyon ay:

Karamihan sa mga Web site ay naghahandog ng impormasyon at mga produkto para sa AD. Ang pakikipag-usap sa mga tao sa mga grupo ng suporta at sa mga caregiver at isang pinagkakatiwalaang healthcare provider ay matutulungan kang uriin ang lahat ng impormasyon.

Paano akong makatutulong na maiwasan ang Alzheimer’s disease?

Hindi maiiwasan ang AD hanggang ang mga sanhi nito ay mahusay na maunawaan. Gayunpaman, kung mayroon kang kasaysayan sa pamilya ng AD, sabihin sa iyong healthcare provider. Ang maagang diyagnosis ay maaaring pahintulutan kang samantalahin ang mga bagong paggagamot kapag nagkaroon na ng mga ito.

Sa palagay ng maraming mananaliksik na maaaring mapababa mo ang iyong panganib na magkaroon ng AD sa pamamagitan ng pagsunod sa isang malusog na pamumuhay. Kasama sa mga hakbang na magagawa mo:

  • Magpanatili ng malusog na timbang.
  • Kumain ng malusog na diyeta na mababa sa sodium at saturated at trans fat.
  • Manatiling malusog sa pamamagitan ng tamang klase ng ehersisyo para sa iyo.
  • Bawasan ang stress.
  • Huwag manigarilyo.
  • Limitahan ang paggamit ng alcoho.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-06-13
Huling narepaso: 2016-03-14
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image