Page header image

Amniocentesis

(Amniocentesis)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang amniocentesis ay isang pagsusuri na maaaring gawin sa panahon ng pagbubuntis para tingnan ang kalusugan ng iyong sanggol.
  • Maglalagay ang iyong provider ng manipis na karayom sa iyong tiyan para kumuha ng kaunting likido mula sa supot na pumapaligid sa sanggol.
  • Nagbibigay ang pagsusuri ng impormasyon tungkol sa iyong sanggol at maaari rin makatulong humanap ng mga problema na maaaring kailangn ng paggagamot.

________________________________________________________________________

Ano ang amniocentesis?

Ang amniocentesis ay isang pagsusuri na maaaring gawin sa panahon ng pagbubuntis para tingnan ang kalusugan ng iyong sanggol. Ginagamit ang isang napakanipis na karayom para kumuha ng kaunting likido mula sa amniotic sac. Ang amniotic sac ay parang supot na pumapalibot sa sanggol. Habang lumalaki ang sanggol, ang likido sa paligid ng sanggol ay maaaring suriin sa laboratoryo para malaman ang tungkol sa kalusugan ng sanggol.

Kung magpapakita ang mga resulta ng pagsusuri na may problema ang iyong sanggol, kakausapin ka ng iyong healthcare provider tungkol sa mga pagpipilian mong paggagamot. Matutulungan ka ng impormasyon na magpasya kung papaanong pangasiwaan ang isang pagbubuntis sa isang bata na apektado ng problema.

Kailan ito ginagamit?

Ang pagsusuring ito ay maaaring:

  • Ma-detect ang depekto sa kapanganakan na sanhi ng ilang mga problema sa henetiko, tulad ng Down syndrome o sickle cell anemia. Ang genes ay nasa loob ng bawat cell ng iyong katawan at naipapasa mula sa mga magulang papunta sa mga anak. Naglalaman ang mga ito ng mga impormasyon na nagsasabi sa iyong katawan kung paano bumuo at magtrabaho.
  • Makita ang ilang problema sa utak o spinal cord, tulad ng spina bifida (hindi normal na nagsara ang gulugod) at anencephaly (lahat o bahagi ng utak ay nawawala)
  • Tingnan ang tipo ng dugo ng sanggol. Mahalaga ito kung ang ina ay may Rh-negative na tipo ng dugo at ang ama ay may Rh-positive na tipo ng dugo.
  • Tingnan ang paglaki ng baga ng sanggol upang malaman kung magiging OK ang paghinga ng sanggol kung siya ay ipanganak bago ang nakatakdang petsa
  • Makita ang impeksiyon sa loob ng matris.

Maaaring gawin ang pagsusuring ito upang makita ang mga problema sa genes ng sanggol kapag ikaw ay 15 hanggang 18 linggo nang buntis. Kung kinakailangan ipinanganak ang sanggol ng maaga, maaaring gawin ang pagsusuring ito sa ibang pagkakataon ng iyong pagbubuntis upang makita kung malakas na ang baga ng sanggol.

Papaano akong maghahanda para sa pagsusuring ito?

Kadalasang ay hindi mo kailangang gumawa ng anumang bagay para maghanda sa pagsusuri na ito. Gayunman, kung isinasagawa ang pagsusuri na malapit sa iyong due date, maaaring hilingan ka ng iyong healthcare provider na iwasan ang pagkain o pag-inom ng anumang bagay sa araw ng pagsusuri.

Sundin ang anumang ibang tagubilin na ibinibigay sa iyo ng iyong healthcare provider.

Anong mangyayari sa panahon ng pagsusuri?

Gagamitin sa iyo ang ultrasound sa panahon ng pagsusuri, na gumagamit ng sound waves upang ipakita ang mga larawan (imaging) ng matris at ng sanggol. Nililinis ang iyong tiyan ng antiseptic na solusyon. Gagamitin ngayon ng iyong healthcare provider ang ultrasound imaging upang ligtas na makatulong sa paggabay ng manipis na karayom papasok sa iyong tiyan, sa matris, at sa mga lugar kung saan maraming amniotic fluid. Tulad kapag kinukunan ka ng dugo, maaari kang makaramdam ng ilang sandali, banayad na kahirapan mula sa karayom. Gagamitin ng iyong provider ang karayom para kumuha ng kaunting likido para sa mga pagsusuri sa laboratoryo.

Kung ikaw buntis sa higit 1 sanggol, maaaring kunin ang sampol ng likido gamit ang magkakaibang karayon mula sa bawat amniotic sac ng sanggol.

Anong mangyayari pagkatapos ng pagsusuri?

Ang iyong pulso, ang presyon ng iyong dugo, at ang mga paggalaw ng sanggol ay babantayan sa sandaling panahon pagkatapos ng pagsusuri. Pagkatapos ay kadalasang makakauwi ka na. Dapat kang magpahinga nang 24 na oras pagkatapos ng pagsusuri.

Ang mga resulta ng karamihan sa mga pagsusuring henetiko ay makukuha sa loob ng 1 hanggang 2 linggo. Ang maturity ng baga ay maaaring malaman karaniwan sa loob ng 6 na oras hanggang 1 araw. Ang mga resulta ng pagsusuri para sa impeksyon ay maaaring tumagal nang ilang araw.

Tanungin ang iyong healthcare provider:

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga gawain na dapat mong iwasan at kapag maaari ka nang bumalik sa iyong normal na gawain, kabilang kung kailan dapat ipagpatuloy ang ehersisyo at sekswal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema na dapat mong bantayan at ano ang gagawin kung mayroon ka ng mga ito, kabilang ang pagdurugo, pagtulo, at pulikat

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Ano ang mga peligro ng mga pagsusuring ito?

Ang bawat procedure o paggagamot ay may mga peligro. Ang peligro ng mga kumplikasyon mula sa pagsusuring ito ay napakababa. Kabilang sa ilang posibleng peligro ang:

  • Maaari kang magkaroon ng impeksiyon o pagdurugo.
  • Maaaring masaktan ng karayom ang sanggol, inunan, o pusod.
  • Maaari kang magkaroon nang maagang pagputok ng panubigan.
  • Maaari kang magkaroon nang maagang paghilab o magdamdam sa panganganak.
  • Maaaring kang magkaroon ng mas mataas na panganib ng pagkalaglag.

Ang normal na mga resulta ng pagsusuri ay hindi palaging nangangahulugan na magiging normal ang sanggol. At saka, sa napakabihirang mga kaso, ang abnormal na resulta ay maaaring hindi tama.

Tanungin ang iyong healthcare provider kung papaanong lalapat sa iyo ang mga peligrong ito. Siguruhin na talakayin ang anumang ibang katanungan o mga alalahanin na maaaring mayroon ka.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-12-28
Huling narepaso: 2015-07-17
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image