________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang pinsalang anterior cruciate ligament (ACL) ay isang pinsala sa isa sa mga litid sa iyong tuhod. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Kinokonekta ng ACL ang iyong buto ng hita sa iyong lulod. Ang ACL, kasama ang iba pang litid, ay pinapanatiling nasa puwesto ang iyong tuhod at mga buto sa paa kapag naglalakad o tumatakbo ka. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit. Ang ganap na pagkapunit ay ginagawang napakaluwag at hindi panatag ang dugtong ng tuhod.
Ang pinsala sa litid ay tinatawag din na pilay.
Ang isang pinsala na ACL ay maaaring sanhi ng isang dagliang aktibidad na nakakapagpapapalipit o nakakapunit ng litid, tulad ng:
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Kung napunit mo ang iyong ACL noong nakalipas na mga buwan o taon at hindi mo pa ito naipakumpuni sa pamamagitan ng operasyon, maaaring magkaroon ka ng pakiramdam na mahina ang iyong tuhod at bumibigay kapag bumalukto o pumihit ka.
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan. Bilang halimbawa maaaring mag-MRI ka, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para ipakita ang mga detalyadong larawan ng dugtong ng iyong tuhod.
Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.
Kung mayroon kang pamamaga sa iyong kasu-kasuan, maaaring kailanganing alisin ng iyong healthcare provider ang likido mula sa iyong tuhod gamit ang isang karayom at hiringgilya.
Maaaring balutan ng iyong provider ng nababanat na benda ang iyong tuhod para mapigilan sa paglala ang pamamaga. Maaaring kailanganin mong panatilihin ang iyong tuhod sa isang immobilizer ng tuhod at gumamit ng mga saklay para maprotektahan ang iyong tuhod habang naghihilom ka.
Para sa mga ganap na pagkapunit, ikaw at ang iyong healthcare provider ay magpapasya kung dapat kang magkaroon ng matinding rehabilitasyon na therap o kung dapat kang magpaopera kasunod ng rehab. Ang isang napunit na ACL ay hindi maaaring magkasamang tahiin muli. Ang litid ay kailangang muling mabuo sa pamamagitan ng operasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litid mula sa iba pang bahagi ng iyong paa at pagkabitin ang mga ito sa buto sa hita at lulod.
Kung mayroong kang ganap na napunit na anterior cruciate ligament at hindi nakumpuni sa pamamagitan ng operasyon, ang mga epekto ay maaaring panghabangbuhay. Maaaring makaramdam ang iyong tuhod ng pagkaluwa at pakiramdam nito'y kakalas ito kapag tumatakbo ka at gumagawa ng mga mabilis na pagpihit. Anag mga ehersisyong pangrehabilitasyon at isang espesyal na brace ay makatutulong na mapabuti ang mga sintomas na ito. Kung magagawa mo ang iyong mga normal na aktibidad nang walang kirot at handang isuko ang mga aktibidad na naglalagay ng dagdag na stress sa iyong tuhod, maaaring hindi mo kailanganin ng operasyon.
Maaaring isaalang-alang mo ang operasyon na reconstructive ACL kung:
Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Bilang halimbawa, mag-ehersisyo na nakapagpapalakas ng mga kalamnan ng hita at hamstring at unatin ang mga kalamnan ng iyong binti.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, kung mag-i-ski ka, siguruhing nai-set nang tama ang iyong mga ski binding ng isang sanay na dalubhasa para kakawala ang iyong mga ski kung babagsak ka.