________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang bali sa bukung-bukong ay isang basag o lamat sa isa o sa maraming buto sa bukung-bukong.
- Maaaring kasama sa paggagamot ang operasyon, pagsusuot ng palapa (splint), cast, suhay(brace) o espesyal na bota, at mga espesyal na ehersisyo upang matulungang mas lumakas ang iyong bukung-bukong at mas nababaluktot.
- Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng iyong healthcare provider.
________________________________________________________________________
Ano ang bali sa bukung-bukong?
Ang bali sa bukung-bukong ay isang basag o lamat sa isa o sa maraming buto sa bukung-bukong Maaaring ito ay isang baluktot at maliit na basag lamang sa buto, o maaaring mabasag nang maliliit o madurog ang buto. Ang ilang bali ay maaaring lumabas sa balat.
Ang mga buto sa bukung-bukong ay ang tibia, fibula, at talus.
Ano ang sanhi?
Ang isang bali sa bukung-bukong ay kadalasang sanhi ng pagkapilipit ng bukung-bukong. Maaaring ito ay sanhi ng isang pagbagsak, direktang tama sa binti, o isang kundisyong medikal na nagsasanhi sa marupok o malulutong na buto.
Ano ang mga sintomas?
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
- Pagpitik o pagputok na tunog sa oras ng pinsala
- Pananakit, pamamaga, pagpapasa, o pangingirot na nangyayari pagkatapos na pagkatapos ng pinsala
- Masakit kapag hinahawakan ang napinsalang bahagi o pinipigilan kang igawi ang bigat sa iyong paa.
- Ang bahagi ng bukung-bukong o paa na malamig, maputla, o namamanhid
- Pagbabago sa anyo ng bukung-bukong
Paano itong sinusuri?
Tatanungin ng healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at kung paanong nangyari ang pinsala. Titingnan ka ng iyong provider. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:
- Mga X-ray ng bukung-bukong
- CT scan, na gumagamit ng mga X-ray at isang computer para makita ang mga detalyadong larawan ng mga buto
- MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para makita ang mga detalyadong larawan ng mga buto
Paano itong ginagamot?
Dumidepende ang paggagamot sa klase ng bali.
- Kung mayroon kang nakabukang sugat sa bali, maaaring kailanganin mo ng paggagamot para kontrolin ang pagdurugo o maiwasan ang impeksyon.
- Kung hindi tuwid ang nabaling buto, ididiresto ito ng iyong healthcare provider. Bibigyan ka muna ng gamot para hindi masyadong masakit ang pagdidiresto.
- Minsan kinakailangan ang operasyon para maibalik ang mga buto sa tamang posisyon.
- Maaaring ilagay ng iyong provider ang iyong bukung-bukong sa isang cast, suotan ng palapa, suhay, o naaalis n boot upang huwag itong magalaw habang nagpapagaling.
- Kung may semento ka, siguruhing hindi mababasa ang semento. Takpan ng plastik ang semento kapag maliligo ka. Iwasang kamutin ang balat sa paligid ng semento o sundutin ng mga bagay pababa sa pagitan ng semento at ng iyong balat. Maaaring magdulot ito ng impeksyon.
- Sasabihin sa iyo ng iyong provider kung gaanong kabigat ang mailalagay mo sa iyong binti, kung mayroon man. Gumamit ng mga saklay, isang andador, o isang baston habang inuutos ng iyong healthcare provider.
Sa paggagamot, maaaring tumagal nang 4 hanggang 8 na linggo para maghilom. Maaaring kailanganin mong magsagawa ng mga espesyal na ehersisyo para tulungan ang iyong bukung-bukong na mas lumakas at mas nababaluktot. Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol dito.
Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng iyong healthcare provider. At saka:
- Para mapaliit ang pamamaga at tulungang mapawi ang sakit, maaaring sabihan ka ng iyong provider na:
- Maglagay ng bulsa de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na binalot sa isang basahan sa bahagi ng napinsala tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan para sa una o dalawang araw matapos ang pinsala.
- Panatilihing nakapatong sa unan ang bukung-bukong upang ito ay mas mataas sa iyong puso kapag ikaw ay nakaupo o nakahiga.
- Uminom ng gamot sa sakit, tulad ng ibuprofen, habang inuutos ng iyong provider. Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang gamot na ito nang higit sa 10 araw.
Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Paano at kailan mo makukuha ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Paanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Paano akong makakatulong na maiwasan ang bali sa bukung-bukong?
Karamihan sa mga nabaling bukung-bukong ay sanhi ng mga aksidente na hindi madaling maiwasan. Gayunman, ang mga sapatos na ganap na lapat at nagbibigay ng suporta ay maaaring makatulong maiwasan ang pinsala.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.