Mga gamot na Antipsychotic
________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Tumutulong ang mga gamot na antipsychotic para makontrol ang mga sintomas tulad ng pagkadinig at pagkakita ng mga bagay na wala doon, malubhang sumpong, maling paniniwala, at iba pang sintomas ng sakit sa isip.
- Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
- Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.
________________________________________________________________________
Para saan ginagamit ang mga gamot na antipsychotic?
Ang mga gamot na antipsychotic ay hindi nakakalunas ng sakit sa pag-iisip, ngunit natutulungan ng mga ito na kontrolin ang mga sintomas tulad ng:
- Nakakarinig at nakakakita ng mga bagay na wala doon
- Maling mga paniniwala
- Mga pagsumpong
- Iniisip na hinahabol ka ng mga tao
- Sobrang nagiging masaya, nababahala, o nagagalit nang walang dahilan
- Matinding depresyon
- Matinding obsessive compulsive disorder
Kung umiinom ka ng gamot para sa psychosis o iba pang problema, maaari kang makaramdam ng mas mabuti kung maghahanap ka rin ng pagpapayo o therapy.
Papaanong gumagana ang mga ito?
Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may psychosis ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito. Ang mga gamot na antipsychotic ay tumutulong gamutin ang hindi pagkakabalanse ng mga kemikal.
Hindi lahat ng gamot na antipsychotic ay nakakaapekto sa chemistry ng iyong utak sa parehong paraan. Ang iyong healthcare provider ay makikipagtulungan sa iyo para maingat na piliin ang tamang gamot para sa iyo.
Ano pa ang kailangan kong malaman tungkol sa gamot na ito?
- Sabihin sa iyong healthcare provider kung mayroon kang diabetes o iba pang problema sa kalusugan.
- Sundin ang mga direksyon na kasama ng iyong gamot, kabilang ang impormasyon tungkol sa pagkain o alkohol. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
- Subukang mapunan sa parehong lugar ang lahat ng inireseta sa iyo. Makatutulong ang iyong parmasyotiko na masiguro na ang lahat ng iyong gamot ay ligtas na inumin nang magkasama.
- Dalhin mo ang isang listahan ng iyong mga gamot. Ilista ang lahat ng iniresetang gamot, hindi iniresetang gamot, mga suplemento, likas na remedyo, at mga bitamina na iniinom mo. Sabihin lahat ng healthcare provider na gumagamot sa iyo tungkol sa lahat ng produkto na iniinom mo.
- Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.
Kung mayroon kang anumang katanungan, tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko para sa higit na impormasyon. Siguruhing mapupuntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng
RelayHealth.Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2015-04-16
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.