Page header image

Mga sakit na Pagkaligalig

(Anxiety Disorders)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang sakit na pagkaligalig ay isang kundisyon na nagsasanhi ng takot, pagkataranta, o posibleng kahit sindak na madalas sa loob ng isang linggo. Ang mga takot ay kadalasang pipigilan ka na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad.
  • Maaaring kasama sa lunas ang gamot, therapy, at pag-aaral ng mga paraan para makontrol ang stress. Ang pinakamahusay na paggagamot para sa iyo ay dumidepende sa kung aling klase ng sakit na pagkaligalig na mayroon ka.

________________________________________________________________________

Ano ang mga sakit na pagkaligalig?

Ang sakit na pagkaligalig ay isang kundisyon na nagsasanhi ng takot, pagkataranta, o posibleng kahit sindak na madalas sa loob ng isang linggo. Ang mga takot ay kadalasang pipigilan ka na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad. Ang sakit na pagkaligalig ay talagang mas higit pa sa pakiramdam ng nerbiyos o pag-aalala.

Anu-ano ang iba’t ibang klase?

May mangilan-ngilang klase ng sakit na pagkaligalig. Ang ilang tao ay mayroong higit sa isang klase. Ang ilang sakit na pagkaligalig ay tumatagal sa maikling panahon. Ang ilan ay maaaring paulit-ulit na mangyari hanggang sa katapusan ng buhay. Ang mga pinakakaraniwang klase ay:

  • Sakit na Pagkaligalig Sanhi ng Pangkalahatang Medikal na Kundisyon (General Medical Condition). Ang mga problema sa pagkaligalig at pagkanerbiyos ay maaaring sanhi ng mga pisikal na problema. Mga medikal na kundisyon tulad ng mga hormone imbalance, problema sa paghinga, at mga problema sa puso ay maaaring magsanhi ng ligalig.
  • Generalized Anxiety Disorder (GAD). Kung mayroon kang GAD, marami kang inaalala tungkol sa mga pang-araw-araw na problema. Kadalasang pakiramdam mo ay tensyonado at ninenerbiyos. Madalas mong isipin na may masamang bagay na mangyayari kahit na kapag may kaunting dahilan para mag-alala. Hindi mo magawang pigilan ang pag-aalala, kahit na alam mong mas nag-aalala ka kaysa sa ibang tao. Ang mga pag-aalala ay kadalasang sanhi ng mga pisikal na sintomas, tulad ng mga pananakit ng ulo, sakit sa likod, at intestinal o stomach upset.
  • Sakit na Pagkataranta (Panic Disorder). Kapag nagaganap ang mga atake ng pagkataranta nang walang babala, o mayroon kang paulit-ulit na hindi inaasahang mga atake, tinatawag itong sakit na pagkataranta. Ang mga atakeng ito ay maaaring mangyari nang maraming beses sa isang araw. Maaari kang mag-alala tungkol sa pagkakaroon ng mga atakeng ito hanggang sa katapusan ng araw. Maaaring makagambala ito sa iyong pang-araw-araw na mga aktibidad.
  • Mga phobia. Ang pagkakaroon ng phobia ay nangangahulugan na nakakaramdam ka ng takot o pagkataranta kapag naharap ka sa ilang aktibidad, kaganapan, o bagay. Ang ilang tao ay kinakatakutan ang mga aso, taas, o mga ahas. Ang ilang tao ay maaaring iwasan ang pagpunta sa mga lugar o paggawa ng mga bagay dahil natatakot sila na wala silang paraan para makatakas o matataranta at walang tutulong.
  • Sakit na Pagkabalisa sa Pakikisalamuha. Ang sakit na pagkaligalig sa pakikisalamuha, tinatawag din na phobia sa pakikisalamuha, ay takot na mapahiya o mahusgahan ng ibang tao. Ang takot ay napakalakas na pinipigilan ka na magpunta sa mga lugar o gumawa ng mga bagay kapag nasa paligid ka ng mga tao. Maaaring alalahanin mo nang ilang linggo bago ang tungkol sa mga bagay na ito.
  • Sakit na Pagkaligalig sa Sapilitang-Sustansya (Substance-Induced Anxiety Disorder). Ang mga droga tulad ng alcohol, cocaine, at mga amphetamine ay magagawa kang makaramdam ng pagkanerbiyos, pag-aalala, o pagkamagugulatin. Ang pagtigil sa paggamit ng droga nang ilang linggo ay kadalasang nakatutulong.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng pagkaligalig ay hindi nalalaman.

  • Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may pagkaligalig ay maaaring mayroong napakakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
  • Ang mga problema sa pagkaligalig ay malamang na namamana sa mga pamilya. Ang ma-stress na mga kaganapan sa buhay at mga sitwasyon ay gumaganap din ng mahalagang bahagi. Ang pagkaligalig ay maaaring dahilan ng mga alcohol o ilang droga. Ang mga kundisyong medikal ay maaari rin maging sanhi ng pagkaligalig. Ang mga problema sa puso, problema sa paghinga, kakulangan ng mga bitamina, o mga problema sa thyroid ay maaaring maging sanhi ng mga sintomas ng pagkaligalig.
  • Ang pagkaligalig ay mas karaniwan kung ikaw may iilang mga kaibigan, pamilya, at mga aktibidad. Ang hindi magandang diyeta at kakulangan ng pang-araw-araw na ehersisyo ay maaari rin malamang na makagawa ng mga sakit na pagkaligalig.

Karamihan sa mga sakit na pagkaligalig at nagsisimula sa huli ng pagkabata hanggang sa mga taon ng nakababatang matanda. Ang anumang sakit na pagkaligalig na sanhi ng medikal o mga problema sa pag-abuso ng sustansya ay maaaring magsimula sa anumang edad. Ang ilang problema ay mabagal na dumarating sa ilang linggo o mga buwan. Ang pagkaligalig ay maaari rin biglaang magsimula.

Ano ang mga sintomas?

Ang mga senyales at sintomas ng pagkaligalig ay maaaring parehong sa isip at pisikal. Ang mga sintomas ay maaaring banayad, o ang mga ito ay maaaring napakatindi na nakakaramdam ka ng pagkataranta. Maaaring mag-iba-iba ang mga sintomas depende sa kung anong klase ng sakit na pagkaligalig na mayroon ka. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pakiramdam na nakikipagkarera ang iyong puso
  • Nakararamdam ng kakulangan ng hininga
  • Problema sa pagtulog
  • Pakiramdam ay alinma’y napapagod o nagigipit
  • Mga pananakit ng kalamnan o tensyon
  • Pagduduwal
  • Panginginig o pagkislot
  • Pag-aalala
  • Pag-iwas sa mga sitwasyon na maaaring maging sanhi ng pagkaligalig
  • Takot
  • Pagkataranta

Papaano sinusuri ang mga ito?

Tatanungin ka ng iyong healthcare provider o therapist tungkol sa iyong mga sintomas. Sisiguruhin niya na wala kang medikal na karamdaman o problema sa droga o alcohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Papaanong ginagamot ang mga ito?

Ang pagkaligalig ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng therapy, gamot, o pareho. Ang pinakamahusay na paggagamot para sa iyo ay dumidepende sa kung aling klase ng sakit na pagkaligalig na mayroon ka.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Kumuha ng pang-emergency na pangangalaga kung ikaw o isang mahal sa buhay ay may malalang iniisip na pagpapakamatay o pananakit sa sarili, kaharasan, o pananakit sa iba. Agad din humingi ng tulong kung ikaw ay may pananakit sa dibdib o nahihirapang huminga.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2016-03-29
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image