Page header image

Hika na Nahihikayat-ng-Aspirin

(Aspirin-Induced Asthma)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang hika ay isang sakit sa baga na nagsasanhi ng pag-ubo, paghuni, at kakapusan ng hininga. Ang hikang naipluwensyahan-ng-aspirin ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-inom ng aspirin, ibuprofen, naproxen, o iba pang NSAID.
  • Maaaring kabilang sa paggagamot ang mga gamot sa hika na nilalanghap mo o iniinom. Ang ilang tao ay maaaring magamot sa pamamagitan ng klase ng therapy na tinatawag na aspirin desensitization. Ang prosesong ito ay dapat mapangasiwaan ng isang may karanasahang healthcare provider.
  • Para matulungang maiwasan ang hikang naimpluwensyahan-ng-aspirin, iwasan ang mga produkto na naglalaman ng aspirin. Siguruhing basahin ang mga etiketa. Ang mangilan-ngilang gamot ay naglalaman ng aspirin o iba pang NSAID.

________________________________________________________________________

Ano ang hika na nahihikayat-ng-aspirin?

Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Nagiging sanhi ito ng pag-ubo, paghuni, at kakapusan ng hininga.

Ang hikang naimpluwensyahan-ng-aspirin ay hikang nagsisimula sa pamamagitan ng pag-inom ng aspirin o iba pang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAID). Ang aspirin, ibuprofen, at naproxen ay mga NSAID.

Ang ganitong uri ng hika ay hindi karaniwan sa mga bata.

Ano ang sanhi?

Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.

  • Ang isang problema ay ang mga kalamnan na nasa daanan ng hangin ay humihigpit, na nagiging sanhi ng paninikip ng dibdib at paghuni.
  • Ang iba pang problema ay pamamaga, iritasyon, at sobrang plema sa mga daluyan ng hangin.

Kung ikaw ay may hika, ang mga sintomas ay kadalasang nagsisimula pagkatapos na malantad ka sa isang magpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:

  • Ehersisyo
  • Mga allergy, tulad ng alikabok, polen, amag, o balahibo ng hayop
  • Isang bagay na nakapag-iirita ng iyong mga baga, tulad ng malamig na hangin, usok, o matatapang na amoy tulad ng pintura o pabango
  • Mga gamot tulad ng aspirin o mga NSAID
  • Isang impeksyon tulad ng sipon, ang trangkaso, o isang impeksyon sa sinus
  • Matitinding emosyon o stress
  • Impatso, tinatawag din na gastroesophageal reflux disease, o GERD. Kung madalas kang nagkakaproblema sa impatso sa asido maaari kang magkaroon ng mas maraming sintomas ng hika, lalo na sa gabi.

Ano ang mga sintomas?

Ang mga unang sintomas ng hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay maaaring may kasamang pagbahing, tumutulo o baradong ilong, at pamumula at mainit na mukha. Nagsisimula sa 1 hanggang 3 oras ang mga sintomas pagkatapos uminom ng aspirin o ng mga NSAID. Ang atake ng hika na pinasisimulan ng aspirin at mga NSAID ay maaaring banta sa buhay. Sa maraming kaso, ang mga taong may hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay mayroon ding mga polyp sa ilong (tumutubo sa aporo (lining) ng ilong o mga sinus), pangmatagalang sakit na sinus, at pagkawala ng pandamdam ng pang-amoy.

Ang mga matanda na may hika ay maaaring hindi maging kasing sensitibo sa aspirin tulad ng mga bata. Maaaring nakainom sila ng aspirin o mga NSAID noong nakalipas nang walang anumang mga side effect. Ang mga sintomas ay maaaring hindi magsimula hanggang sa karampatang gulang.

Paano itong sinusuri?

Walang mga pagsusuri sa dugo o mga pagsusuri sa balat ang makakapag-diagnose ng allergy sa aspirin o mga NSAID. Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa:

  • Iyong paggamit ng aspirin
  • Gaano kadalas kang magkaroon ng mga sintomas
  • Anumang iba pang allergy o mga nagpapasimula

Maaaring isangguni ka ng provider sa isang espesyalista sa allergy para tingnan kung ikaw ay may iba pang allergy.

Paano itong ginagamot?

Kung nasuri ka na may hikang naimpluwensyahan ng aspirin, huwag iinom ng mga produktong naglalaman ng aspirin.

Sa karaniwan, ang hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay pinangangasiwaan sa parehong paraan gaya ng ibang uri ng hika. Tatlong klase ng gamot ang ginagamit para kontrolin ang hika:

  • Mga gamot na mabilis-na-panglunas, tinatawag din na reliever, o mga gamot na pangligtas. Ang mga gamot na ito ay ginagamit kapag kinakailangan para gamutin ang mga atake ng hika. Hindi ginagamit ang mga ito sa batayang regular, pang-araw-araw para mapigilan ang mga sintomas ng hika. Dapat mong matutunang kilalanin ang mga sintomas ng isang atake ng hika at inumin ang mga gamot na ito sa sandaling magsimula ang mga sintomas. Para maiwasan ang mga atake ng hika, maaaring kailanganin mo ng ibang klase ng gamot na tinatawag na controller.
  • Ang mga gamot na pangmatagalan na pangkontrol, ay tinatawag din na mga gamot na controller. Sa pag-inom sa gamot na ito nang regular araw-araw, makatutulong itong kontrolin ang iyong mga sintomas. Iinumin mo ang mga gamot na ito araw-araw, kahit na hindi ka nagkakaroon ng mga sintomas. Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng mabilis na kaginhawahan sa paghinga nang may tunog sa malalalang atake ng hika.
  • Ang mga gamot na steroid, ay tinatawag din na mga controller na gamot ng hika, dahil sa pag-inom ng mga ito nang regular araw-araw, nakakatulong ang mga ito na kontrolin ang iyong mga sintomas. Iinumin mo ang mga gamot na ito araw-araw, kahit na hindi ka nagkakaroon ng mga sintomas. Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng mabilis na kaginhawahan sa paghinga nang may tunog sa malalalang atake ng hika. Ang mga gamot na steroid ay katulad sa mga hormone na ginagawa ng iyong katawan. Hinahadlangan ng mga ito ang ilan sa mga kemikal na nagiging sanhi ng iritasyon at pamamaga sa iyong daluyan ng hangin. Sa pagbabawas sa pamamaga, magkakaroon ka ng mas kakaunting sintomas at magagawang makahinga nang mas mabuti.

Ang ilang tao ay maaaring magamot sa pamamagitan ng klase ng therapy na tinatawag na aspirin desensitization. Magsisimula ka sa pag-inom ng napakakaunting dosis ng aspirin sa isang medikal na kapaligiran kung saan ay mayroong suportang pang-emergency. Ang dosis ay maingat at dahan-dahang dinadagdagan hanggang sa mainom ang normal na dosis ng aspirin nang hindi nagkakasanhi ng mga sintomas. Habang dinadagdagan ang dosis, may pagkakataon ng isang biglaang pag-atake ng hika. Ang prosesong ito ay dapat mapangasiwaan ng isang may karanasahang healthcare provider. Sa sandaling magagawa mo nang uminom ng normal na dosis ng aspirin nang hindi nagkakaroon ng mga sintomas, patuloy mong iinumin ang dosis na iyon araw-araw. Habang nangyayari ito, mababawasan ang iyong mga sintomas. Mababawasan nito ang pangangailangan sa mga gamot sa hika at mapapabuti ang kontrol sa hika.

Magandang ideya na magsuot ng ganitong klase ng ID (tulad ng Medic Alert bracelet) na nagsasabi na ikaw ay mayroong hika na nahihikayat-ng-aspirin. Kung kailangan mo ng emergency na pangangalaga, operasyon, o mga pagsusuri sa lab, natutulungan nito ang healthcare provider na malaman kung paano ka gamutin.

Maiiwasan ba ito?

Ang hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay maaaring mapigilan. Iwasan ang mga produkto na naglalaman ng aspirin. Siguruhing basahin ang mga etiketa. Ang mangilan-ngilang gamot ay naglalaman ng aspirin o iba pang NSAID.

Huwag magbibigay ng aspirin sa mga batang 18 taon o mas bata maliban lang kung sinabihan ng iyong healthcare provider. Ito ay dahil sa peligro ng Reye's syndrome (isang sakit na nagdudulot ng pamamaga ng utak at atay).

Kung ikaw ay may hika, gumamit ng mga NSAID tulad ng ibuprofen nang may pag-iingat. Kung ikaw ay may hika at mga polyp sa ilong, huwag gagamit ng mga NSAID nang walang pag-aproba ng iyong healthcare provider.

Sa mga pambihirang kaso, ang acetaminophen ay maaari rin magpasimula ng atake ng hika. Ang mga reaksyon ay kadalasang hindi gaanong matindi kaysa sa mga reaksyon sa aspirin o iba pang NSAID. Ang acetaminophen ay ang gamot na madalas na ginagamit para sa lagnat pampaginhawa ng sakit sa mga tao na hindi makainom ng aspirin at mga NSAID.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-06-13
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image