Page header image

Hika

(Asthma)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang hika ay isang hindi gumagaling na sakit sa baga na sanhi ng pag-ubo, paghinga ng may tunog, at pangangapos ng hininga.
  • Ang hika ay ginagamot ng ilang uri ng gamot.
  • Alamin kung ano ang makapag-uumpisa ng iyong mga sintomas at kung paanong pangasiwaan ang mga ito. Makipagtulungan sa iyong healthcare provider para bumuo ng listahan ng dapat gawin para makatulong sa iyo na makilala at harapin ang problema at malaman kung kailan ka dapat pumunta sa iyong healthcare provider.

________________________________________________________________________

Ano ang hika?

Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Nagiging sanhi ito ng mga pag-ubo, paghinga nang may tunog, at kakapusan ng hininga.

Ang hika ay maaaring banayad, kainaman, o malala. Ang isang atake ng hika ay maaaring tumagal nang ilang minuto o ng ilang araw. Ang mga atake ay maaaring mangyari saanman at sa anumang oras. Ang malalang mga atake ng hika ay maaaring banta sa buhay. Napakahalaga na makakuha ng madaling paggagamot para sa mga atake ng hika at para matutong pangasiwaan ang iyong hika para mabuhay ka nang malusog, aktibong buhay.

Ang hika ay isang tumatagal na kundisyon, kahit na maaaring wala kang anumang mga sintomas bawat araw o kahit bawat taon. Ito ay mas karaniwan sa mga bata kaysa sa mga nakatatanda. Ang mga taong nagkaroon ng hika bilang mga bata ay kadalasang walang mga sintomas sa sandaling sila ay maging nakatatanda. Gayunman, ang mga sintomas ay maaaring bumalik sa bandang huli ng buhay. Ang hika na namumuo sa unang pagkakataon sa gitna o bandang huli ng buhay ay kadalasang nananatiling nagiging problema sa nalalabi ng iyong buhay.

Maaari mong matuklasan na may mga bagay na ginagawa mo na hindi mo na magawa dahil mas mahirap huminga.

Karamihan sa mga Amerikano ay may hika, at ang bilang ng mga tao na mayroong hika ay tumataas sa buong mundo

Ano ang sanhi?

Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.

  • Ang isang problema ay ang mga kalamnan sa mga daluyan ng hangin ay sumisikip, na nagiging sanhi ng paninikip ng dibdib at paghinga nang may tunog.
  • Ang iba pang problema ay pamamaga, iritasyon, at sobrang plema sa mga daluyan ng hangin.

Kung ikaw ay may hika, ang mga sintomas ay kadalasang nagsisimula pagkatapos na malantad ka sa isang magpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:

  • Ehersisyo
  • Mga allergy, tulad ng alikabok, polen, amag, o balahibo ng hayop
  • Isang bagay na nakapag-iirita ng iyong mga baga, tulad ng malamig na hangin, usok, o matatapang na amoy tulad ng pintura o pabango
  • Mga gamot tulad ng aspirin o mga NSAID
  • Isang impeksyon tulad ng sipon, ang trangkaso, o isang impeksyon sa sinus
  • Matitinding emosyon o stress
  • Impatso, tinatawag din na gastroesophageal reflux disease, o GERD. Kung madalas kang may problema sa impatso sa asido malamang na mas madalas kang makaranas ng sintomas ng hika, lalo sa kapag natutulog.

Ang ilan sa mga dahilan na maaaring magpataas sa peligro na magkakaroon ka ng hika ay:

  • Mababang timbang nang ipinanganak
  • Pagkakaroon ng 1 o marami pang kalapit na miyembro ng pamilya na mayroong hika
  • Ang pagkakalantad sa usok na galing sa iba o napakaraming nagpapadumi hinggil sa kapaligiran (bilang halimbawa, ulap-usok sa isang malaking lungsod)
  • Pagkakalantad sa mga kemikal sa trabaho, tulad ng mga kemikal na ginagamit sa industriya ng paggawa, pagsasaka, at hairdressing
  • Labis na katabaan (Obesity)

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ay maaaring paminsan-minsan, araw-araw, o sa oras lang ng pagtulog, at kabilang ang:

  • Paghinga nang may tunog (isang matinis na pagpitong tunog kapag humihinga ka)
  • Pag-ubo
  • Kakapusan ng hininga, o pakiramdam na parang kulang ang iyong hininga
  • Paninikip ng dibdib

Ang isang atake ng paghinga nang may tunog ay hindi nangangahulugan na may hika ka. Ang ilang impeksyon at mga kemikal ay maaaring maging sanhi ng paghinga nang may tunog sa maikling sandali o ng ilang araw at pagkatapos ay hindi na muling mangyayari.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa history ng mga problema ng iyong paghinga. Magkakaroon ka ng pisikal na eksaminasyon. Maaari kang magkaroon ng mga eksaminasyon sa paghinga na tinatawag na pulmonary function tests o spirometry. Maaari kang eksaminin bago at pagkatapos uminom ng gamot para makita kung paanong tinatalaban ang iyong mga sintomas sa gamot.

Paano itong ginagamot?

Ang layunin ng paggagamot ay para pahintulutan kang mamuhay ng normal, aktibong buhay. Sa pamamagitan ng wastong paggagamot, dapat na maging hindi masyadong problema ang iyong hika araw-araw. Ito rin ay magiging hindi gaanong malamang na magkakaroon ka ng malalang atake ng hika o mas maraming problema sa hinaharap. Malamang na kasama sa paggagamot ang mga iniresetang gamot. Maaaring kailanganin mo ring iwasan ang mga sustansyang nagiging sanhi ng allergy o mga pang-irita.

Mga gamot

Maaaring kailanganin mo ang isa o higit pa sa mga gamot na ito para kontrolin ang hika:

  • Mga gamot na mabilis-na-panglunas, tinatawag din na reliever, o mga gamot na pangligtas, ay sandaling-tumalab na mga bronchodilator. Ang mga gamot na ito ay ginagamit kapag kinakailangan para gamutin ang mga atake ng hika. Hindi ginagamit ang mga ito sa batayang regular, pang-araw-araw para mapigilan ang mga sintomas ng hika. Ang mga gamot na pangligtas ay mabilis na tumatalab para pakalmahin ang mga kalamnan ng mga daluyan ng iyong hangin at pinipigilan ang mga kalamnan na maging sobrang mahigpit. Dapat mong matutunang kilalanin ang mga sintomas ng isang atake ng hika at inumin ang mga gamot na ito sa sandaling magsimula ang mga sintomas. Para maiwasan ang mga atake ng hika, maaaring kailanganin mo ng ibang klase ng gamot na tinatawag na controller.
  • Ang mga gamot na pangkontrol ay nakakatulong mapigilan ang mga atake ng hika at kontrolin ang iyong mga sintomas. Iinumin mo ang mga gamot na ito araw-araw, kahit na hindi ka nagkakaroon ng mga sintomas. Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng mabilis na kaginhawahan sa paghinga nang may tunog sa malalalang atake ng hika. May mangilan-ngilang klase ng mga gamot na pangkontrol para sa hika:
    • Ang mga matagal na tumalab na bronchodilator ay pinakakalma ang mga kalamnan ng mga daluyan ng iyong hangin at pinipigilan ang iyong mga kalamnan na maging sobrang mahigpit. Kapag mas napapahinga ang mga kalamnan ng mga daluyan ng iyong hangin at hindi gaanong mahigpit, mayroon kang mas kakaunting sintomas at magagawang huminga nang mas mabuti.
    • Ang mga nilalanghap na steroid ay katulad sa mga hormone na ginagawa ng iyong katawan. Hinahadlangan ng mga ito ang ilan sa mga kemikal na nagiging sanhi ng iritasyon at pamamaga sa iyong katawan. Sa pagbawas sa pamamaga, magagawa mong huminga nang mas mabuti. Ang mga nilalanghap na steroid ay pangunahing naaapektuhan ang iyong mga baga.
    • Ang mga idinadaan sa bibig na steroid ay maaaring inumin bilang mga pildoras, mga tabletang nangunguya, o syrup. Maaaring inumin ang mga ito nang ilang araw para gamutin ang mga sintomas ng hika. Ang mga steroid na idinadaan sa bibig ay binabawasan ang pamamaga hanggang sa buong katawan. Dahil dito, kung iinumin mo ang ito sa matagal na panahon, maaari kang magkaroon ng mga side effect. Siguruhin na alam mo kung paano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
    • Ang mga leukotriene modifier ay isa pang klase ng gamot na pangmatagalan ang control na gingawa sa anyo ng mga pildoras na iniinom mo araw-araw. Kadalasang iniinom ang mga ito kasama ng iba pang gamot na pangmatagalan ang kontrol para sa hika.
    • Biologic na pinupuntiryang therapy, sa pamamagitan ng IV o iniksyon tuwing dalawang linggo o minsan sa isang buwan, ay maaaring matulungan ang mga pasyenteng may hikang refractory allergic.

Kailangan mong makipagtulungan sa iyong healthcare provider para mahanap ang tamang paggagamot para sa iyo. Siguruhin na nauunawaan mo kung paanong gamitin ang bawat-isa sa mga gamot mo. Ang ilang inhaler ay mabilis-tumalab at sinadya para gamitin kapag inaatake ka ng hika. Ang ibang inhaler ay mabagal tumalab at nakakatulong na maiwasan ang mga atake, ngunit ang mga ito ay hindi nakakatulong kapag inaatake ka.

Bilang karagdagan sa mga gamot, maaaring magreseta ang iyong healthcare provider ng peak flow meter para masukat kung gaanong kainam na gumagalaw palabas ang hangin sa iyong mga baga. Ang peak flow meter ay isang maliit, nahahawakang aparato na nagpapakita kung gaanong kabuti ang paglabas ng hangin mula sa iyong baga. Hihipan mo ang aparato at bibigyan ka ng score, o bilang ng peak flow. Ipinapakita ng iyong score kung gaano kainam gumana ang iyong mga baga sa oras ng eksaminasyon. Sasabihin sa iyo ng iyong healthcare provider kung paano at kailan gagamitin ang iyong peak flow meter. Tuturuan ka niya kung paanong inumin ang iyong mga gamot batay sa iyong score.

Kung ikaw ay buntis, makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa mga pagbabago na maaaring kailangan mong gawin.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Alamin ang tungkol sa hika at paggagamot nito.

  • Pag-aralang matutunang kilalanin ang mga senyales at sintomas ng isang atake ng hika. Marami sa mga taong may hika alinma’y hindi nakikilala ang mga sintomas ng kanilang hika o hindi nauunawaan kung gaanong kabilis lumala ang kanilang mga sintomas. Pagtuunan ng pansin ang iyong mga sintomas at, kung inirerekumenda ito ng iyong healthcare provider, suriin ang iyong paghinga sa pamamagitan ng peak flow meter. Tanungin kung anong reading ng peak flow meter ang dapat mong itawag sa iyong provider.
  • Makipagtulungan sa iyong healthcare provider para bumuo ng nakasulat na plano ng aksyon ng hika. Ang pagsunod sa plano ay makatutulong na pangasiwaan mo ang iyong hika araw-araw. Matutulungan ka nito na makilala at mapangasiwaan ang mga problema sa hika at malaman kung kailan mo kailangang makipagkita sa iyong provider.
  • Siguruhing alam mo ang wastong paggamit ng iyong inhaler. Inumin ang iyong mga gamot nang eksakto tulad ng inireseta. Palaging ihanda at magagamit ang iyong gamot na mabilis-na-panglunas. Kung umiinom ka ng gamot na pangmatagalang pagkontrol, siguruhin na iinumin ito araw-araw, gaya ng sinasabi sa iyo ng iyong provider. Pinipigilan nito ang mga atake ng hika. Kung humihinga ka nang may tunog kahit na ginagamit mo ang iyong pangkontrol na gamot, ipaalam sa iyong provider. Huwag lang basta ititigil ang gamot. Kung pareho mong sabay na ginagamit ang mga inhaler na mabilis-na-panglunas at pangmatagalang pangkontrol, gamitin muna ang inhaler na mabilis-na-panglunas. Pagkatapos ay maghintay ng mangilan-ngilang minuto bago gamitin ang inhaler na pangkontrol.
  • Alamin kung aling mga bagay ang makapagsisimula ng iyong mga sintomas at kung paanong pangasiwaan ang mga ito. Bilang halimbawa, maaaring kailangan mong balutan ang iyong kutson, mga box spring, at mga unan ng mga de-zipper na plastic cover. Maaaring makatulong ang pananatili sa loob ng bahay kapag mataas ang kahalumigmigan o bilang ng pollen. Iwasan ang usok ng sigarilyo.

Dapat mo rin:

  • Makipagkita sa iyong healthcare provider para sa mga regular na checkup nang kasing dalas habang inirerekumenda.
  • Tanungin ang iyong provider kung OK para sa iyo na uminom ng aspirin. Ang ilang tao na may hika ay allergic sa aspirin at nagiging sanhi ito sa kanila na huminga nang may tunog. Ang aspirin ay mas malamang na maging sanhi ng mga problema kaysa sa ibang gamot na anti-inflamatory, tulad ng ibuprofen o naproxen, ngunit paminsan-minsan ang mga gamot na ito ay maaari rin maging sanhi ng paghinga nang may tunog. Ang acetaminophen ay hindi nagiging sanhi ng paghinga nang may tunog.
  • Magpabakuna sa trangkaso taun-taon sa Oktubre o Nobyembre sa simula ng panahon ng trangkaso.
  • Tanungin ang iyong healthcare provider kung dapat mong kunin ang pneumococcal na bakuna kung malala ang iyong hika at kailangan mong gumamit ng gamot na pangkontrol.

Ang hika ay maaaring maging isang kundisyon na banta-sa-buhay

  • Kung hindi napapanatili ng iyong mga gamot ang paghinga nang kumportable, kontakin ang iyong healthcare provider.
  • Kung nagkakaroon ka ng mga side effect mula sa mga gamot sa hika, ipaalam sa iyong healthcare provider.
  • Kung nagkakaroon ka ng mga atake ng hika at patuloy kang nagkakaroon ng mga sintomas pagkatapos gamitin ang iyong inhaler na mabilis-na-panglunas, dapat kang kaagad na kumuha ng pangangalagang medikal. Maaaring ito ay mangahulugan na magpunta sa emergency room o tumawag sa 911.

Sa karaniwan, ang hika ay isang nakokontrol na sakit at maaari kang mamuhay nang aktibong buhay. Ngunit kinakailangan nito ng pag-unawa sa iyong mga gamot, paggamit sa mga ito gaya ng inuutos, at pakikipagtulungan sa iyong healthcare provider para maghanap ng pinakamainam na plano sa paggagamot para sa iyo. Ang planong ito ay maaaring magbago kapag mas tumanda ka, lilipat sa ibang lokasyon, o magsisimulang magkaroon ng iba pang problema sa kalusugan.

Makakakuha ka ng mas maraming impormasyon sa:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-10-18
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image