________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang biopsy ng suso ay isang procedure upang tanggalin ang isang maliit na piraso ng tissue mula sa iyong suso para sa karagdagang pagsusuri sa laboratoryo.
- Tanungin ang iyong provider kung gaano katagal upang makabawi sa lakas at kung paano alagaan ang sarili sa bahay.
- Siguraduhin na alam mo kung ano ang mga sintomas o problema na dapat mong bantayan at kung ano ang gagawin kung mayroon ka nito.
________________________________________________________________________
Ano ang isang biopsy ng suso?
Ang isang biopsy ng suso ay isang procedure para magtanggal ng maliit na piraso ng tissue mula sa iyong suso. Ipinapadala ang tissue sa isang laboratoryo para suriin para sa kanser o iba pang sakit. Kung kanser ito, magagawa ng mga pagsusuri sa lab na malaman kung gaanong kabilis maaaring lumaki ang kanser at kung anong mga paggagamot ang maaaring pinakamainam na gagana.
Tinutulungan ng biopsy ang iyong healthcare provider na gumawa ng mas tumpak na diyagnosis at malaman ang tamang paggagamot para sa iyo.
Kailan ito ginagamit?
Maaaring magsagawa ng biopsy ng suso ang iyong healthcare provider kung:
- May bukol ka sa iyong suso.
- Nagpa-mammogram o ultrasound scan ka na nagpapakita ng abnormal na bahagi.
- Ang isa sa iyong mga utong ay may mga senyales ng problema, tulad ng pagbabalat, pagbubutas ng balat, o pagdurugo.
Tanungin ang iyong healthcare provider para ipaliwanag kung bakit sasailalim ka sa procedure at anumang mga peligro.
Papaano akong maghahanda para sa procedure na ito?
- Magplano para sa iyong pangangalaga. Depende sa kung anong klase ng biopsy na isasagawa sa iyo, maaaring kailangan mong maghanap ng isang taong magsasakay sa iyo pauwi pagkatapos ng procedure.
- Maaaring hilingan ka ng iyong provider na maligo bago ang biopsy. Bigyan ng espesyal na atensyon sa bahagi sa paligid ng iyong mga suso at kili-kili.
- Maaaring mong inumin o hindi ang iyong mga regular na gamot sa araw ng procedure. Sabihin sa iyong healthcare provider ang tungkol sa lahat ng gamot at mga suplemento na iyong iniinom. Maaaring itaas ng ilang produkto ang panganib ng mga side effect. Tanungin ang iyong healthcare provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng anumang gamot o mga suplemento bago ng procedure.
- Sabihin sa iyong healthcare provider kung mayroon kang alergi sa anumang pagkain, gamot o tulad ng latex.
- Sundin ang anumang ibang tagubilin na ibinibigay sa iyo ng iyong healthcare provider.
- Magtanong ng anumang katanungan na mayroon ka bago sa procedure. Dapat mong maunawaan kung ano ang gagawin ng iyong healthcare provider. Mayroon kang karapatan na magdesisyon tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at para magbigay ng pahintulot para sa anumang pagsusuri o mga procedure.
Anong mangyayari sa panahon ng procedure?
May iba’t ibang klase ng biopsy ng suso:
Ang needle biopsy kadalasang isinasagawa sa opisina ng iyong healthcare provider o sa isang mammography center. Ginagamit ang isang X-ray o ultrasound para hanapin ang pinakamainam na puwesto para ilagay ang karayom.
- Fine needle aspiration: Ipinapasok ang isang karayom sa iyong balat papunta sa bukol o bahaging inaalala para magtanggal ng sampol ng mga cell.
- Core biopsy: Ginagamit ang isang mas malaking karayom para magtanggal ng parang-tubong sampol ng tissue, humigit-kumulang kasing laki ng lead ng lapis.
Ang surgical biopsy ay maaaring isagawa sa isang center o ospital ng outpatient na operasyon. Bago ang operasyon, maaaring dalhin ka sa departamento ng X-ray para mamarkahan ang iyong suso sa pamamagitan ng maliit na kable na inilalagay sa bahaging susuriin.
- Ang hinihiwang biopsy ng suso ay operasyon para magtanggal ng bahagi ng bukol sa iyong suso para suriin.
- Ang pag-alis na biopsy ay tinatanggal ang buong bukol.
Ang klase na biopsy na gagawin sa iyo ay dumidepende sa laki, lokasyon at klase ng bukol. Bibigyan ka ng local o general anesthesia para hindi ka masaktan sa panahon ng procedure. Pinamamanhin ng lokal na anesthesia ang bahagi ng iyong suso kung saan isasagawa sa iyo ang biopsy. Bago ang procedure maaaring bigyan ka ng gamot para tulungan kang mag-relax, ngunit gising ka sa panahon ng procedure. Pinapahinga ng general anesthesia ang iyong mga kalamnan at mapapatulog ka.
Anong mangyayari pagkatapos ng procedure?
Depende sa kung aling klase ng biopsyo ang isasagawa sa iyo, maaari kang agad na makauwi sa bahay, o maaaring kailanganin mong manatili sa center o ospital ng operasyon nang mangilan-ngilang oras pagkatapos ng procedure.
Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, kabilang na kung gaano kabigat ang maaari mong buhatin at kailan maaaring bumalik sa iyong normal na mga gawain
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ano ang mga peligro ng procedure na ito?
Ang bawat procedure o paggagamot ay may mga peligro. Ang ilang posibleng peligro ng procedure na ito ay kabilang ang:
- Maaari kang magkaroon ng problema sa anesthesia.
- Maaari kang magkaroon ng impeksyon, pagdurugo, o mga pamumuo ng dugo.
- Kung hindi matatanggal ang buong bukol, maaaring kailanganin ang operasyon kung matatagpuan ang kanser.
- Pagkatapos ng biopsy, maaaring kang magkaroon ng peklat sa bahagi. Maaaring gawing mas mahirap para sa iyo ng isang peklat na makaramdam ng anumang mga bagong bukol sa bahaging iyon ng iyong suso. Maaari ka rin magkaroon ng paninigas na bahagi sa iyong suso na sanhi ng peklat ng tissue at mga tahi. Ito’y lalambot nang dahan-dahan.
Tanungin ang iyong healthcare provider kung papaanong lalapat sa iyo ang mga peligrong ito. Siguruhin na talakayin ang anumang ibang katanungan o mga alalahanin na maaaring mayroon ka.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.