________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang mga polyp ay mga pagtubo na nasa panloob na pader ng colon o puwit.
- Tinatanggal ang mga polyp kapag nakita ang mga ito, kadalasang sa panahon ng colonoscopy. Kung ang polyp ay hindi matanggal ng colonoscopy, maaaring kailangan mo ng operasyon para matanggal ang mga ito.
- Kung hindi matatanggal nang maaga, ang ilang polyp ay maaaring maging kanser. Sundin ang mga rekumendasyon ng iyong provider para sa mga pagsusuri at paggagamot.
________________________________________________________________________
Ano ang mga polyp na nasa colon o puwit?
Ang mga polyp ay mga pagtubo na nasa panloob na pader ng colon o puwit. Ang colon at puwit ay mga seksyon ng malaking bituka, na tinatawag din na large bowel. Ang colon ay ang huling 5 piye ng large bowel. Ang puwit ay ang huling ilang pulgada ng large bowel sa loob ng anus, kung saan lumalabas ang iyong mga dumi.
Ang mga polyp ay hindi nakapipinsala maliban lang kung magiging kanser ito. Kapag maagang nakita ang mga polyp, maaaring tanggalin ang mga ito para maiwasan ang kanser.
Ano ang sanhi?
Ang sanhi ng mga polyp ay hindi nalalaman. Sinuman ay maaaring magkaroon ng mga polyp, ngunit ang ilang tao ay mas malamang na makakakuha kaysa sa iba. Mas malamang na magkakaroon ka ng mga polyp kung:
- Ikaw ay higit sa 50 taong gulang.
- Nagkaroon ka na ng mga polyp dati.
- Nagkaroon na ng mga polyp ang isang tao sa iyong pamilya.
- Nagkaroon na ng colon o rektal kanser ang isang tao sa iyong pamilya.
Ano ang mga sintomas?
Ang mga polyp ay kadalasang hindi nagsasanhi ng anumang mga sintomas. Sa ilang kaso ang mga ito ay maaaring magsanhi ng:
- Pagdurugo sa puwit o dugo sa mga dumi
- Pagtitibi o pagtatae
- Pananakit sa iyong tiyan
Papaano sinusuri ang mga ito?
Dapag kang masuri para sa mga polyp kapag umabot ka sa edad na 50. Maaaring kailangan kang magpasuri nang mas maaga kaysa dito kung may history ang iyong pamilya ng kanser sa colon o mga polyp. Ang isa o higit pa sa mga sumusunod na pagsusuri ay maaaring isagawa para maghanap ng mga polyp.
- FOBT (fecal occult blood test) o FIT (fecal immunochemical test) ay mga pagsusuri sa laboratoryo na naghahanap sa mga nakatagong dugo sa iyong bowel (dumi), na maaaring isang palatandaan ng kanser. Bibigyan ka ng iyong provider ng mga kit ng eksaminasyon na gagamitin mo sa bahay.
- Ang flexible sigmoidoscopy ay gumagamit ng isang manipis, nababaluktot, magaan na tubo na inilalagay sa iyong tumbong at sa ibabang bahagi ng iyong colon upang makita ang kanser at polyps. Maaaring gamitin ng iyong healtcare provider ang scope para tanggalin ang mga polyp o iba pang tissue.
- Gumagamit ang colonoscopy ng mas mahabang scope at maaaring suriin ang iyong rectum at karamihan sa iyong colon. Maaaring gamitin ng iyong healtcare provider ang scope para tanggalin ang mga polyp o iba pang tissue.
- Ang double-contrast barium enema ay gumagamit ng barium, na isang likido na may chalk na lumalabas sa mga X-ray, para suriin ang iyong puwit at colon. Ang isang tubo ay ipinapasok sa iyong puwit. Ang likidong naglalaman ng barium ay dumadaan sa tubo papasok sa iyong puwit at colon. Ang barium ay kumakapit sa mga dinding at hina-highlight ang mga ito para makita ang anumang abnormal na bahagi. Ang iba pang pangalan para pagsusuring ito ay air contrast barium enema, lower gastrointestinal (GI) exam, at lower GI.
Papaanong ginagamot ang mga ito?
Tinatanggal ang mga polyp kapag nakita ang mga ito, kadalasang sa panahon ng colonoscopy. Hindi matatanggal ang polyp sa pamamagitan ng colonoscopy, maaaring kailanganin mo ng laparoscopy o laparotomy.
- Laparoscopy, na gumagamit ng maliit na may ilaw na tubo na inilalagay sa loob ng tiyan sa pamamagitan ng maliit na hiwa para tingnan ang colon o puwit. Ang scope ay maaaring gamitin para gabayan ang iba pang kasangkapan para tanggalin ang polyp.
- Ang laparotomy ay operasyon na gumagamit ng mas malaking hiwa sa iyong tiyan para tanggalin ang parte ng colon na naglalaman ng polyp.
Kung hindi matatanggal nang maaga, ang ilang polyp ay maaaring maging kanser. Maaari kang magkaroon ng maraming polyp. Maaaring irekumenda ng iyong provider na magpa-colonoscopy ka sa 1 hanggang 5 taon pagkatapos tanggalin ang mga polyp.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
- Sundin ang mga rekumendasyon ng iyong provider para sa mga pagsusuri at paggagamot.
- Mag-ehersisyo nang sapat, ayon sa mga inirerekumenda ng iyong provider.
- Kumain ng mga pagkaing low-fat, high-fiber.
- Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider na uminom ka ng mga suplemento na calcium o regular na mga dosis ng mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatory (NSAID). Ang mga NSAID, tulad ng aspirin o ibuprofen, ay maaaring magdulot ng pagdudugo sa bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban kung irerekumenda ng iyong healthcare provider, huwag iinumin nang higit sa 10 araw para sa anumang dahilan.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.