________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang colonoscopy ay isang pagsusuri ng iyong malaking bituka, na tinatawag din na colon, sa pamamagitan ng manipis, naibabaluktot, may ilaw na tubo at maliit na kamera. Ang scope na ito ay inilalagay sa loob ng iyong puwit at papunta sa iyong malaking bituka.
- Ang colonoscopy ay ginagamit upang suriin ang paglago ng kanser, o upang mahanap ang sanhi ng mga sintomas tulad ng pagtatae, pagdurugo ng puwit, o iba pang mga problema sa iyong bituka.
- Mabibigyan ka ng mga tagubilin para sa paglilinis ng mga dumi mula sa iyong mga bituka. Siguruhin na makumpleto ang paghahanda sa dumi gaya ng itinatagubilin, kabilang kung anong klase ng pagkain at inumin ang maaari mong kainin sa mga araw na patungo sa procedure.
________________________________________________________________________
Ano ang colonoscopy?
Ang colonoscopy ay isang pagsusuri ng iyong malaking bituka, na tinatawag din na colon, sa pamamagitan ng manipis, naibabaluktot, may ilaw na tubo at maliit na kamera. Ang scope na ito ay inilalagay sa loob ng iyong puwit at papunta sa iyong malaking bituka.
Kailan ito ginagamit?
Ang colonoscopy ang pinakadirekta at kumpletong paraan para masuri ang kabuuang lining ng colon. Kadalasang isinasagawa ito para sa isa sa mga sumusunod na dahilan:
- Pagpigil at maagang pagtuklas ng kanser. Matutulungan ng colonoscopy ang iyong healthcare provider na humanap ng mga pagtubo (mga polyp) na maaaring maging kanser. Pagkatapos ay maaaring tanggalin ang mga pagtubo bago maging kanser ang mga ito. Makakatulong din ito na hanapin ang kanser sa colon nang maaga, pagka mas madaling lunasan ang kanser.
Kung ikaw ay 50 hanggang 75 taong gulang, maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider na magpa-screening colonoscopy ka nang kahit sa tuwing 10 taon. Kung mayroon kang personal o history ng pamilya na nagpapataas sa iyong panganib ng kanser sa colon o rektal, maaaring irekumenda ng iyong provider na simulan mong kunin ang pagsusuri sa mas maagang edad at magpasuri nang mas madalas. Sa ilang kaso, maaaring irekumenda ang pagsusuri sa mga taong mas matanda sa 75. Ang mga taong African-American ay maaaring magkaroon ng screening colonoscopy sa edad na 45.
- Diyagnosis ng sakit. Kung may mga sintomas ka tulad ng pagtatae, pagdurugo sa puwit, pagbabawas ng timbang nang hindi sinusubukan, o mga problema hinggil sa bituka, maaaring mong kunin ang pagsusuri na ito para malaman ang sanhi ng iyong mga sintomas.
Papaano akong maghahanda para sa procedure na ito?
- Maghanap ng isang taong maghahatid sa iyo pauwi pagkatapos ng procedure. Hindi ka papayagan na magmaneho pauwi sa bahay.
- Sasabihin sa iyo ng iyong healthcare provider kung kailan titigil kumain at iinom bago sa procedure. Nakatutulong ito para hindi ka masuka sa panahon ng procedure.
- Maaaring mong inumin o hindi ang iyong mga regular na gamot sa araw ng procedure. Sabihin sa iyong healthcare provider ang tungkol sa lahat ng gamot at mga suplemento na iyong iniinom. Maaaring itaas ng ilang produkto ang panganib ng mga side effect. Tanungin ang iyong healthcare provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng anumang gamot o mga suplemento bago ng procedure.
- Sabihin sa iyong healthcare provider kung mayroon kang alergi sa anumang pagkain, gamot o tulad ng latex.
- Sundin ang anumang ibang tagubilin na ibinibigay sa iyo ng iyong healthcare provider.
- Mabibigyan ka ng mga tagubilin para sa paglilinis ng mga dumi mula sa iyong mga bituka. Siguruhin na makumpleto ang paghahanda sa dumi gaya ng itinatagubilin, kabilang kung anong klase ng pagkain at inumin ang maaari mong kainin sa mga araw na patungo sa procedure. Maaaring hindi maisagawao kailangang ulitin ang pagsusuri kung mayroon pa ring dumi ang iyong bituka. Ang mga gamot na ginagamit para maghanda para sa procedure na ito ay magdudulot sa iyo ng mangilan-ngilang matubig na pagdudumi hanggang sa lumabas ang malinaw na dumi. Manatiling malapit sa banyo pagkatapos mong inumin ang gamot. Makipag-usap sa iyong mga parmasyotiko o healthcare provider tungkol sa iba pang sintomas na maaaring magkaroon ka.
- Magtanong ng anumang katanungan na mayroon ka bago sa procedure. Dapat mong maunawaan kung ano ang gagawin ng iyong healthcare provider. Mayroon kang karapatan na magdesisyon tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at para magbigay ng pahintulot para sa anumang pagsusuri o mga procedure.
Anong mangyayari sa panahon ng procedure na ito?
Maaaring gawin ang procedure sa opisina ng healthcare provider, outpatient clinic, o ospital.
Bago ang procedure bibigyan ka ng gamot upang makatulong sa iyo na mag-relaks, ngunit ikaw ay maaaring gising habang ginagawa ang pamamaraan.
Hihiga ka patagilid sa isang mesa na nakabaluktot ang iyong mga tuhod at nakataas hanggang sa iyong tiyan. Padadaanin ng iyong healthcare provider ang scope sa iyong puwit at papunta sa mas mababa mong bituka at titingnan ang mga imahe ng iyong mga bituka sa isang screen ng computer. Padadaanin ang kaunting hangin papasok sa iyong mga bituka para makita ng iyong provider ang kalakhang bahagi hangga’t maaari.
Kung makakakita ang iyong provider ng anumang bagay na abnormal sa panahon ng pagsusuri, maaari siyang kumuha ng maliliit na sampol ng tissue sa pamamagitan ng scope para sa mga pagsusuri sa laboratoryo. Tinatawag itong biopsy. Maaaring magawang tanggalin ng iyong provider ang mga polyp o maliliit na tumor sa pamamagitan ng scope.
Anong mangyayari pagkatapos ng procedure na ito?
Pagkatapos ng procedure, maaari kang manatili sa recovery area hanggang magising ka at maaari nang ihatid sa bahay. Normal na magkakaroon ng hangin at mga banayad na pamimitig ng ilang oras pagkatapos ng pagsusuri. Magtatagal ito hanggang sa mailabas ng iyong katawan ang sobrang hangin. Kung tinanggal ang mga polyp o iba pang tissue, maaaring makakita ka ng kaunting dugo sa iyong mga dumi sa maikling panahon.
Sundin ang mga tagubilin ng iyong healthcare provider. Tanungin ang iyong provider.
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ano ang mga peligro ng procedure na ito?
Ang bawat procedure o paggagamot ay may mga peligro. Ang ilang posibleng peligro ng procedure na ito ay kabilang ang:
- Maaari kang magkaroon ng problema sa anesthesia.
- Maaari kang magkaroon ng impeksyon o pagdurugo.
- Maaaring mapinsal ang ibang bahagi ng iyong katawan sa oras ng procedure.
Tanungin ang iyong healthcare provider kung papaanong lalapat sa iyo ang mga peligro. Siguruhin na talakayin ang anumang ibang katanungan o mga alalahanin na maaaring mayroon ka.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.