Page header image

Pagsusuri ng Kanser Hinggil sa Puwit

(Colorectal Cancer Screening)

_______________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Kasama sa pagsusuri ng colorectal na kanser ang mga eksamin na sumusuri sa kanser ng iyong tumbong at colon (large intestine).
  • Maaaring kasama sa pagsusuri ang mga pagsusuri sa laboratoryo upang maghanap ng mga nakatagong dugo sa iyong bituka, mga pagsuring gamit ang manipis, nababaluktot, tubong may ilaw na inilalagay sa iyong tumbong papasok sa iyong bituka, o isang maputing likido na tinatawag na barium na lumulusot sa isang tubo papunta sa iyong tumbong upang suriin ang iyong bituka.
  • Tanungin ang iyong provider kung kailan at kung gaanong kadalas na dapat kang eksaminin para sa kanser hinggil sa puwit.

________________________________________________________________________

Ano ang pagsusuri ng kanser hinggil sa puwit?

Ang pagsusuri ng kanser hinggil sa puwit ay isang klase ng eksaminasyon na nagsisiyasat ng kanser sa iyong puwit at colon (malaking bituka) kahit na maaaring wala kang anumang mga sintomas. Maaaring gamitin ang mangilan-ngilang eksaminasyon para masuri ang kanser hinggil sa puwit.

Bakit ito mahalaga?

Ang kanser hinggil sa puwit ay ang pangalawang nangungunang sanhi ng mga pagkamatay sa kanser sa US, kahit na isa ito sa mga kanser na maaaring mapigilan.

Ang pagsusuri ng kanser hinggil sa puwit ay nagsusuri ng mga polyp pati na rin kanser. Ang mga polyp ay mga butlig sa loob ng iyong bituka na kung minsan ay nagiging kanser. Kapag maagang nakita ang mga polyp, maaaring tanggalin ang mga ito para maiwasan ang kanser.

Ang pagsusuri ng kanser hinggil sa puwit ay maaari rin makita ang kanser sa maaagang yugto nito, bago ito maging sanhi ng mga sintomas. Kung makita nang maaga ang kanser, kadalasang maaari itong gamutin sa pamamagitan ng operasyon. Sa kasawiang-palad, kung walang pagsusuri, ang kanser hinggil sa puwit ay kadalasang masyadong huli nang makita para sa isang gamutan.

Anu-ano ang mga eksaminasyon ng pagsusuri?

Maaaring gamitin ang mangilan-ngilang eksaminasyon para masuri ang kanser hinggil sa puwit at mga polyp.

  • FOBT (fecal occult blood test) o FIT (fecal immunochemical test) ay mga pagsusuri sa laboratoryo na naghahanap sa mga nakatagong dugo sa iyong bituka (dumi), na maaaring sanhi ng kanser. Bibigyan ka ng iyong provider ng mga kit ng eksaminasyon na gagamitin mo sa bahay. Sundin ang mga pagtuturo na kasama ng kit sa pagkuha ng mga sampol ng dumi at sa pagbabalik ng mga card sa isang laboratoryo. Basahin lahat ng pagtuturo na kasama sa kit ng eksaminasyon bago ko magsimula. Sa pamamagitan ng eksaminasyong FOBT, maaaring kailanganin mong iwasan ang ilang gamot o mga pagkain sa mangilan-ngilang araw bago mo kulektahin ang sampol ng iyong dumi. Sundin ang anumang ibang tagubilin na ibinibigay sa iyo ng iyong healthcare provider.

    Kung alinman sa eksaminasyon ng FOBT o FIT ang makakita ng dugo, marami pang eksaminasyon ang kailangang isagawa para hanapin ang sanhi. Ang ilang kundisyon bukod sa kanser, tulad ng ulcer, ay maaaring magsanhi ng positibong eksaminasyon ng dugo sa dumi.

  • Ang flexible sigmoidoscopy ay gumagamit ng isang manipis, nababaluktot, tubong may ilaw na inilalagay sa iyong tumbong at mas mababang bahagi ng iyong colon upang suriin ang kanser at polyps. Maaaring gamitin ng iyong healtcare provider ang scope para tanggalin ang mga polyp o iba pang tissue. Ang tissue ay susuriin sa laboratoryo para sa kanser. Ang iyong puwit at ibabang colon ay kinakailangang linisin bago ang eksaminasyong ito. Sundin ang mga tagubilin ng iyong healthcare provider para sa diyeta, mga likido, pamurga o labatiba bago ang eksaminasyon. Ang eksaminasyong ito ay kadalasang tumatagal nang 20 minuto at bagamang maaari itong maging medyo hindi komportable, kadalasa’y hindi mo kailangan ng gamot para tulungan kang mapahinga sa panahon ng eksaminasyon.
  • Gumagamit ang colonoscopy ng mas mahabang scope at maaaring suriin ang iyong rectum at karamihan sa iyong colon. Maaaring gamitin ng iyong healtcare provider ang scope para tanggalin ang mga polyp o iba pang tissue. Ang tissue ay susuriin sa laboratoryo para sa kanser. Ang iyong colon ay kinakailangang linisin bago ang eksaminasyong ito. Sundin ang mga tagubilin ng iyong healthcare provider para sa diyeta, mga likido, pamurga o labatiba bago ang eksaminasyon. Sa panahon ng eksaminasyon, bibigyan ka ng iyong healthcare provider ng gamot para tulungan kang mapahinga.
  • Ang virtual colonoscopy ay isang paraan para tignan ang colon nang hindi naglalagay ng scope sa loob ng puwit. Kinukunan ng mga larawan ang colon gamit ang mga X-ray at isang computer (computerized tomography, o CT). Ang eksaminasyong ito ay hindi pa malawakang nagagamit, at hindi pa ito nagpakita na kasing tumpak tulad ng aktuwal na colonoscopy. Kung nakikita ang abnormal na tissue sa eksaminasyong ito, kung gayon kakailanganin mo ng regular na colonoscopy para alisin ito. Kakailanganin mong uminom lang ng mg likido at gumamit ng pampurga o labatiba para linisin ang iyong bituka bago ang eksaminasyon. Bibigyang kakayahan nito ang iyong healthcare provider na makita ang lahat ng tissue na nakalinya sa colon.
  • Ang double-contrast barium enema ay gumagamit ng barium, na isang likido na may chalk na lumalabas sa mga X-ray, para suriin ang iyong puwit at colon. Ang isang tubo ay ipinapasok sa iyong puwit. Ang likidong naglalaman ng barium ay dumadaan sa tubo papasok sa iyong puwit at colon. Ang daloy ng barium sa colon ay maaaring makita sa pamamagitan ng fluoroscope, na isang espesyal na makinang X-ray. Ang barium ay kumakapit sa mga dinding at hina-highlight ang mga ito para makita ang anumang abnormal na bahagi. Ang ibang pangalan para sa eksaminasyong ito ay air contrast barium enema, lower gastrointestinal (GI) exam, and lower GI. Kakailanganin mong uminom ng mga likido lamang at gumamit ng pampurga o labatiba para linisin ang iyong bituka bago ang eksaminasyon. Bibigyang kakayahan nito ang iyong healthcare provider na makita ang lahat ng tissue na nakalinya sa colon.

Kailan ako dapat kumuha ng mga eksaminasyon ng pagsusuri para sa kanser hinggil sa puwit?

Kung ikaw ay 50 hanggang 75 taong gulang at may karaniwang peligro ng kanser sa colon, dapat kang masuri sa 1 sa 3 pamamaraang ito:

  • Ipasusri ang iyong dumi para sa dugo sa isang FOBT o FIT minsan sa isang taon.
  • Magpa-eksaminasyong sigmoidoscopy tuwing 5 taon sa FOBT o FIT kahit tuwing 3 taon sa pagitan ng 5-taon ng mga eksaminasyon.
  • Magpa-colonoscopy tuwing 10 taon. Kung hindi ka pa nakapag-colonoscopy kamakailan at ang mga resulta sa ibang eksaminasyon ay nagpapakita ng dugo o abnormal na tissue, kung gayon kakailanganin mo ng colonoscopy para masuri ang kanser.

Ang barium enema ay maaaring isagawa tuwing 5 taon imbes na colonoscopy o sigmoidoscopy. Ang eksaminasyong ito ay maaaring isagawa imbes na isang colonoscopy kung ikaw ay mayroong ilang kundisyon, tulad ng isang colon na sobrang nakapilipit. (Ginagawang mahirap ng mga pagkakapilipit na dumaan ang scope hanggang sa dulo ng colon.)

Kung mayroon kang magulang, kapatid na lalake, o kapatid na babae na nagkaroon ng mga polyp o kanser sa colon, lalo na bago sila nag-50 taong gulang, maaaring mayroon kang mas mataas na peligro sa mga polyp o kanser. Sa ganitong kaso, maaaring gustuhin ng iyong healthcare provider na simulang suriin ka bago mag-50 ka. Maaaring kailanganin ka rin na masuri nang mas madalas kaysa sa regular na mga alituntunin sa pagsusuri na inirerekumenda.

Tanungin ang iyong provider kung kailan at kung gaanong kadalas na dapat kang eksaminin para sa kanser hinggil sa puwit.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2016-02-10
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image