________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang pagpalya ng puso ay nangangahulugan na ang iyong puso ay hindi nagbobomba ng dugo na dapat nitong gawin. Ang pagpalya ng puso ay isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng sakit na kaugnay-sa-puso at pagkamatay sa US.
- Maaaring gamutin ang pagpalya ng puso ng maraming ibat-ibang uri ng mga gamot.
- Napakahalaga sa iyo na ihinto ang paninigarilyo, mag-ehersisyo tulad ng inirerekomenda ng iyong provider, kumain ng masustansyang pagkain, at bantayan ang iyong timbang at presyon ng dugo. Kakailanganin mo din na bawasan ang iyong stress sa buhay, at protektahan ang sarili laban sa mga impeksiyon.
________________________________________________________________________
Ano ang pagpalya ng puso?
Ang ibig sabihin ng pagpalya ng puso (Heart failure (HF)) ay hindi mabuting nagbobomba ang puso ng dugo na dapat na ginagawa nito. Maaari itong magbomba sa magkakaibang bilis, mahinang nagbobomba ng dugo, o nagbobomba na kaunting dugo sa bawat pintig ng puso. Kapag kakaunti ang dumadaloy na dugo palabas sa puso papunta sa katawan, ang mga kalamnan at iba pang tissue ay maaaring hindi makakuha ng sapat na oxygen. Ang mga bato ay maaaring hindi gumana nang mabuti para alisin ang sobrang likido sa anyo ng ihi. Bilang resulta, bumabalik ang dugo sa mga blood vessel. Ang sobrang likido ay tumatagos sa mga baga o iba pang bahagi ng katawan. Ginagawang mahirap ng likido sa mga baga na huminga. Ang likidong tumatagos sa iba pang bahagi ng katawan ay nagiging sanhi ng pamamaga. Kapag may sobra-sobrang likido sa katawan, nagdadagdag ito ng mas maraming puwersa sa puso.
Ang pagpalya ng puso ay isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng sakit na kaugnay-sa-puso at pagkamatay sa US.
Ano ang sanhi?
Maraming bagay ang maaaring maging sanhi ng pagpalya ng puso, tulad ng:
- Pagkipot o pagbara sa mga artery na naghahatid ng dugo sa kalamnan ng puso
- Impeksyon ng puso
- Atake sa puso
- Mataas na presyon ng dugo
- Mga problema sa balbula ng puso
- Mga problemang henetiko sa kalamnan ng puso
- Alkoholismo
- Diabetes
- Sakit sa baga
Mga problema na maaaring magpalala o makapagsisimula sa pagpalya ng puso, lalo na kung mahina ang kalamnan ng iyong puso, ay kabilang ang:
- Malalang anemya (isang mababang antas ng mga red blood cell)
- Isang sobrang aktibo o hindi aktibong thyroid gland
- Impeksyon
- Tibok ng puso na napakabilis o napakabagal
- Sobrang asin o likido sa diyeta
- Sobrang pagtatrabaho ng katawan sa ehersisyo o pang-araw-araw na mga aktibidad
- Emosyonal na stress
Ano ang mga sintomas?
Maaaring kabilang sa mga sintomas ng pagpalya ng puso ang:
- Kakapusan ng hininga o kahirapan sa paghinga, sa una sa panahon lang ng ehersisyo, pagkatapos sa anumang aktibidad, at panghuli kahit na nagpapahinga ka
- Paggising sa gabi na nahihirapang huminga o hindi magawang humiga nang patag sa higaan dahil sa kakapusan ng hininga
- Pag-ubo
- Mga namamagang bukung-bukong, mga paa, at binti
- Pagdagdag ng timbang sanhi ng sobrang likido sa katawan
- Kadalasang napapagod ang pakiramdam at hindi magawang gawin ang mga karaniwang mong aktibidad
- Kawalan ng ganang kumain at pakiramdam na nasusuka
- Pakiramdam na nagkakarera ang iyong puso o tumitibok nang mabilis
- Nalulula o nahihimatay
Papaano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at susuriin ka. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:
- Isang X-ray sa dibdib
- Isang ECG(na tinatawag din na isang EKG), na sinusukat at nirerekord ang pintig ng iyong puso
- Pagsusuri ng dugo o ihi
- Echocardiogram, na gumagamit ng mga sound wave (ultrasound) para makita kung gaaano kainam bumomba ang kalamnan ng iyong puso
Papaano itong ginagamot?
Ang pagpalya ng puso ay maaaring gamutin at pangasiwaan. Ang mga layunin ng paggagamot ay:
- Tulungan ang iyong puso para hindi ito magtrabaho nang mabuti
- Tulungan ang iyong puso na mas mainam na bumomba ng dugo
- Alisin ang sobrang tubig sa iyong katawan
Maaaring magreseta ng gamot ang iyong healthcare provider para mapanatag ang mga blood vessel at pababain ang presyon ng dugo. Sa ganitong paraan hindi kailangang magtrabaho nang mabuti ang puso. Maaaring kailanganin mong uminom ng 2 o higit pang gamot para gamutin ang pagpalya ng iyong puso. Maaaring tumagal nang mangilan-ngilang linggo o buwan para mahanap ang pinakamagandang paggagamot para sa iyo.
Sa ilang kaso, ang pagpalya ng puso ay maaaring bumuti at maari rin malunasan. Bilang halimbawa, kung ito ay sanhi ng isang impeksyon, maaari itong malunasan sa pamamagitan ng paggagamot sa impeksyon. Pagpalya ng puso sanhi ng sakit sa coronary artery ay karaniwang hindi nalulunasan at kadalasan ay lumalala sa katagalan. Gayunman, ang maingat na pagsunod sa iyong plano sa paggagamot ay maaaring:
- Mapabagal ang paglala ng pagpalya ng puso at matulungan kang mabuhay nang mas mahaba
- Matulungang mapigilan ang mga pagpunta sa ospital
- Matulungan kang mapabuti ang pakiramdam at makagawa nang marami pa
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Kung mayroon pagpalya ng puso, may mga bagay na maaari mong gawin na ngayon para pangalagaan ang iyong sarili at maiwasan ang mga problema sa hinaharap.
Sundin ang iyong plano sa paggagamot at alamin kung papaanong inumin ang iyong mga gamot.
- Makipagtulungan bilang isang kapareha sa iyong provider. Ang ibig sabihin nito ay mga regular na pagbisita sa iyong provider at pagsunod sa iyong plano sa paggagamot.
- Sundin ang mga direksyon na kasama ng iyong gamot, kabilang ang impormasyon tungkol sa pagkain o alkohol. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
- Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng iyong gamot at kung ano ang dapat mong gawin kung magkaroon ka ng mga side effect. Tanungin kung dapat mong iwasan ang ilang gamot na hindi inireseta.
Huwag manigarilyo, kumain ng malusog na diyeta, at bantayan ang iyong timbang at presyon ng dugo.
Maging kasing pisikal na aktibo hanggat kaya mo.
- Kung gaano ka kaaktibo ay maaaring dumipende sa kung gaanong kalala ang pagpalya ng puso. Ang isang programa ng malumanay na ehersisyo ay natutulungan ang karamihan sa tao. Masasabi sa iyo ng iyong provider kung anong antas ng ehersisyo ang tama para sa iyo. Tinutulungan ng ehersisyo ang iyong puso at katawan na mas lumakas. Pinabubuti rin nito ang daloy ng iyong dugo at antas ng enerhiya. Huwag mag-ehersisyo sa labas ng bahay kung ito’y napakainit, napakalamig, napakahalumigmig, o mausok na ulap. Balansehin ang ehersisyo ng pahinga. Siguruhin na ang iyong mga aktibidad ay hindi ka sobrang mapapagod o kakapusin ng hininga. Magpahinga sa araw.
- Iwasan ang sobrang mainitan o malamigan dahil mas pinahihirapan nitong magtrabaho ang iyong puso.
Subukang mabawasan ang stress sa iyong buhay.
- Ang pagkaligalig at galit ay maaaring maging sanhi ng mabilis na pintig ng puso at mataas na presyon ng dugo. Kung kailangan mo ng tulong dito, hilingan ang iyong healthcare provider.
Protektahan ang iyong sarili laban sa mga impeksyon.
- Magpabakuna para sa trangkaso taun-taon. Kapag mayroon kang pagpalya ng puso, hindi ka dapat magpa-nasal spray na bakuna (FluMist).
- Kunin ang bakunang pneumococcal.
Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Papaano akong makakatulong iwasan ang pagpalya ng puso?
Mapipigilan mo ang sakit na ito sa pamamagitan ng uri ng pamumuhay na malusog-ang-puso:
- Kumain ng malusog na diyeta at magpanatili ng malusog na timbang.
- Manatiling malusog sa pamamagitan ng tamang klase ng ehersisyo para sa iyo.
- Bawasan ang stress.
- Huwag manigarilyo.
- Limitahan ang paggamit ng alcoho.
Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa iyong personal at pamilyang medikal na history at ang iyong mga nakagawiang uri ng pamumuhay. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang magagawa mo para mapababa ang iyong peligro sa pagpalya ng puso.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.