________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang pagtitibi ay nangangahulugan na mayroon kang hindi gaanong kadalas na pagdumi kaysa sa normal para sa iyo, o masyadong nahihirapan na palampasin.
- Ang pagtitibi ay madalas na nagagamot sa bahay sa pamamagitan ng pag-inom nang sapat na likido para panatilihing malinaw na dilaw ang iyong ihi, pagkain ng fiber at pag-eehersisyo nang regular. Maaaring irekumenda ng iyong provider ang isang pampalambot ng dumi o pampurga para makatulong.
- Kung tatagal ang pagtitibi, nangyayari nang madalas o mayroon ka ring ibang sintomas, dapat mong kontakin ang iyong health care provider.
________________________________________________________________________
Ano ang pagtitibi?
Ang pagtitibi ay napakakaraniwang kundisyon na nangyayari sa halos sinuman. Nangangahulugan ito na mayroon kang hindi gaanong kadalas na pagdumi kaysa sa normal para sa iyo, gaya nang mas kaunti sa 3 beses isang linggo. Ang pagdudumi ay maaaring napakahirap at kung minsan ay parang maliit na bato.
Ang normal na pagdumi ay nag-iiba-iba sa bawat tao. Sa ilang tao, ang pagdudumi nang 3 beses sa isang araw ay normal. Sa iba, ang 3 beses sa isang linggo ay maaaring normal.
Pagtitibi na nakakaabala sa iyo nang 12 linggo o higit pa sa isang taon, kahit na hindi natutuloy at natutuloy ito, ay tinatawag na chronic constipation (di gumaling-galing na pagtitibi).
Ano ang sanhi?
Maaaring magtibi ka dahil:
- Masyadong matagal kang naghihintay na pumunta sa banyo pagkatapos mong maramdamang kailangan mo.
- Hindi ka kumakain nang sapat na fiber.
- Hindi ka umiinom nang sapat na mga likido.
- Hindi ka nakakapag-ehersisyo nang sapat.
- Sinosobrahan mo ang paggamit sa ilang klase ng pampurga.
- Umiinom ka ng gamot na may side effect na pagtitibi, tulad ng mga pildoras na iron, antidepressant, o gamot sa narkotikong sakit.
Ang iba pang posibleng mga dahilan ay:
- Pagbubuntis
- Depresyon o stress
- Ang ilang kundisyong medikal at mga sakit na maaaring maging sanhi ng parsyal na pagharang sa iyong bituka
Ano ang mga sintomas?
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
- Maliit, matigas, o tuyong mga dumi
- Hindi komportable o masakit na pagdumi na mahirap na hayaan
- Mas matanggal kaysa sa kadalasan sa pagitan ng pagdumi
- Pagkiramdam ay puno at mabigay, parang buno ang iyong tiyan
Papaano itong ginagamot?
Kadalasan hindi mo kailangang magpatingin sa iyong healthcare provider para sa paggagamot. Narito ang ilang bagay na magagawa mo para mapaginhawa ang kundisyon:
- Magdagdag ng marami pang fiber sa iyong diyeta sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay na whole-grain at cereal, beans, bran muffins, brown rice, at sariwang prutas at mga gulay.
- Mag-ehersisyo nang regular. Bilang halimbawa, kung kaya mo, maglakad nang kahit 30 minuto araw-araw. Tandaang simulan nang mabagal (5 hanggang 10 minuto sa una, pagkatapos ay dagdagan ang iyong oras bawat araw o dalawa) at alamin sa iyong healthcare provider bago ka magdagdag ng anumang bagong ehersisyo.
- Uminom ng sapat na likido araw-araw para panatilihing maputlang dilaw ang kulay ng iyong ihi.
- Magbanyo sa tuwing mararamdaman mong kailangan mo. Huwag maghintay.
Kung ang pag-aalaga sa iyong sarili sa bahay ay hindi mapaginhawa ang iyong pagtitibi, maaaring makatulong ang iyong healthcare provider. Maaaring magrekumenda ang iyong provider ng pampalambot ng dumi o pampurga para matulungan kang dumumi nang marami.
- Ang mga pampalambot ng dumi ay mga gamot na ginagawang mas madaling padaanin ang iyong dumi.
- Bulk laxatives, tulad ng mga suplemento ng fiber, punong tubig papasok sa bituka. Ang sobrang tubig sa bituka ay ginagawang mas malaki, mas malambot, at mas madaling padaanin ang dumi.
- Mga lubricant laxative, tulad ng mineral oil, ay pinapanatili ang tubig sa bituka, na ginagawang mas malambot at mas madaling padaanin ang dumi.
- Ang mga stimulant laxative, tulad ng milk of magnesia at ilang iba pang pampurga, ay tinutulungan ang mga kalamnan ng bituka na itulak ang dumi hanggang sa dulo ng bituka.
Ang mga pampurga ay maaaring gamitin sa maikling panahon. Subukang huwag gamitin ito nang higit sa 1 linggo. Napatunayan ng maraming tao na ang mga suplemento ng fiber, tulad ng Metamucil, Citrucel, o iba pang produktong psyllium, ay nakakatulong, ngunit minsan maaaring palalain ng mga produktong ito ang pagtitibi.
Ang mga enema ay isa pang paraan para matulungan kang dumumi. Sasabihin sa iyo ng iyong healthcare provider kung papaaanong mabibigyan ang iyong sarili ng enema kung inirerekumenda niya.
Sabihin sa iyong healthcare provider kung:
- Mayroon kang parehong mga pag-ulit ng pagtitibi at mga pag-ulit ng pagtatae.
- Mayroon kang pananakit sa oras ng pagdudumi o sa ilang oras pagkatapos.
- Ang iyong dumi ay maitim o kulay-alkitran o may dugo sa mga ito.
- Nababawasan ka ng timbang nang hindi sinusubukan.
Sabihin sa iyong healthcare provider ang tungkol sa lahat ng gamot at mga sumplemento na iyong iniinom. Itanong kung ang alinman sa mga produkto na ginagamit mo ay maaaring nagiging sanhi ng iyong pagtitibi.
Kung nagkaroon ka ng pagtitibi kamakailan lang at tumagal ito nang 3 o marami pang linggo, magpatingin sa iyong health care provider para makasigurado na wala kang medikal na problema na nagsasanhi sa pagtitibi.
Papaano kong maiiwasan ang pagtitibi?
Maaaring maiwasan mo ang pagtitibi sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng mga sariwang prutas, gulay at mga whole grain; at regular na mag-ehersisyo.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.