________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang COPD ay isang seryosong sakit sa baga na nagpapahirap dito sa paghinga at nagiging sanhi ng mas pagtatrabaho ng puso. Ang mga sintomas ay karaniwang lumalala sa katagalan at hindi kailanman ganap na nawawala.
- Walang lunas para sa COPD, ngunit may mga paggagamot na makakatulong magpaginhawa ng mga sintomas. Kasama sa mga paggagamot ang oxygen, mga gamot, o ehersisyo na inirekomenda ng iyong healthcare provider.
- Makakatulong kung iiwas ka sa pagsisigarilyo, mauusok na lugar, maruming hangin, alikabok, usok, at amag. Madalas na maghugas ng kamay, at magpabakuna para sa trangkaso bawat taon.
________________________________________________________________________
Ano ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD)?
Ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay isang malalang sakit sa baga na ginagawa nitong mahirap huminga. Mas pinahihirapan din nito ang iyong puso na magtrabaho. Ang mga sintomas ng COPD ay lumalala sa katagalan at hindi kailanman ganap na nawawala. Ang COPD ay pinakakaraniwan sa mga mas nakatatanda, lalo na sa mga naninigarilyo.
Walang lunas para sa COPD, ngunit ang paggagamot ay makakatulong na kontrolin ang iyong mga sintomas, mapipigilan ang paglala ng iyong mga sintomas, tutulungan kang bumuti ang iyong pakiramdam.
Ano ang sanhi?
Nangyayari ang COPD kapag nasira ang daluyan ng iyong hangin. Ang mga daluyan ng hangin ay ang mga tubo at sac na nagdadala ng hangin papasok at papalabas ng iyong mga baga. Ang pinsala ay halos palaging sanhi ng iritasyon ng mga baga sa maraming taon. Ang paninigarilyo ang pinakakaraniwang sanhi ng iritasyon. Ang iba pang sanhi ay pagkakalantad sa usok na galing sa iba, polusyon sa hangin, mga usok ng kemikal, alikabok, at madadalas na impeksyon sa baga.
Mayroong 2 pangunahing uri ang COPD: chronic bronchitis at emphysema.
- Sa chronic bronchitis, ang mga loob ng mga daluyan ng hangin ay kumakapal at lumalaki, na ginagawang mas maliit ang mga daluyan ng hangin at mas madaling maharangan. Napakarami rin ng plema ang iyong mga baga na hinaharangan ang daloy ng hangin, na ginagawa nitong mahirap huminga.
- Sa emphysema, ang mga air sac na nasa baga ay napipinsala o nasisira at nawawala ang kanilang kakayahan na mas lumaki o mas lumiit habang kumikilos papasok at papalabas ang hangin. Ginagawa nitong mas mahirap para sa mga baga na kumuha ng oxygen papunta sa iyong dugo kapag lumanghap ka. Mas mahirap din ito sa iyong mga baga na maalis ang carbon dioxide kapag huminga ka.
Ang karamihan sa mga tao na may COPD ay may parehong chronic bronchitis at emphysema.
Ang COPD ay hindi nakakahawa. Hindi mo ito maibibigay sa isang tao o makukuha sa isa pang tao.
Ano ang mga sintomas?
Sa maagang yugto ng sakit, maaaring hindi ka magkaroon ng mga sintomas kahit na napipinsala ang mga baga. Ang mga unang sintomas ng COPD ay maaaring kabilang ang:
- Kinakapos sa paghinga, nahihirapan sa paghinga
- Malalim na pag-ubo na hindi nawawala at naglalabas ng maraming plema
- Makapal na plema na mahirap iubo
- Paghinga nang may tunog
Habang lumalala ang COPD, ang mga sintomas na maaaring kabilang ay:
- Mabilis na paghinga
- Balat na nagmumukhang asul o kulay-ube, lalo na ang mga daliri, daliri ng paa, at mga labi
- Pagbaba ng timbang
- Madadalas na impeksyon sa baga
- Pamamaga sa mga binti, bukung-bukong, at mga paa
Papaano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, medikal na history, history ng pamilya, history ng trabaho, mga nakagawiang paninigarilyo, at pagkakalantad sa usok ng sigarilyo. Titingnan ka ng iyong provider. Maaari kang magkaroon ng mga sumusunod na pagsusuri:
- Mga pagsusuri ng plema sa laboratoryo para maghanap ng bacterial na impeksyon at iba pang mga problemang medikal na maaaring naging sanhi ng iyong mga sintomas.
- Isang X-ray sa dibdib
- Mga pagsusuri ng dugo
- Spiromety, ay isang pagsusuri sa paghinga. Hihinga ka sa isang tubo para sukatin kung gaanong kainam gumagalaw ang hangin papasok at papalabas sa iyong mga baga. Ipapakita ng pagsusuri kung gaanong kainam na gumagana ang iyong mga baga.
Papaano itong ginagamot?
Walang lunas para sa COPD, ngunit may mga paggagamot na maaaring:
- Mapaginhawa ang mga sintomas para makahinga at makaramdam ka nang mas mabuti
- Matulungan ka na maging mas aktibo
- Gamutin ang mga impeksyon
- Makatulong maiwasan ang mga kumplikasyon
Kung ikaw ay isang naninigarilyo, ang pinakamahalagang bahagi ng iyong paggagamot ay tumigil sa paninigarilyo. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa mga paraan para tumigil. Maaaring matuklasan mong nakatutulong na sumali sa isang programa sa pagtigil-sa-paninigarilyo, gumamit ng mga nicotine patch o gum, o subukan ang isa sa mga iniresetang gamot na makatutulong sa iyo na tumigil. Ang mga paraan ito ay mas mainaman na gumagana kung sabay na ginagamit, at sa ilalim ng pamamahala ng sinanay na counselor o healthcare provider.
Maaaring magreseta ang iyong healthcare provider ng isa o higit pa sa mga sumusunod na gamot:
Maaari rin irekumenda ng iyong healthcare provider ang:
- Regular na ehersisyo, tulad ng paglalakad o pagsakay sa isang bisikleta na nakapirme
- Mga ehersisyo sa paghinga
- Isang humidifier para magdagdag ng moisture sa hangin
- Mga pagbabago sa kapaligiran ng iyong trabaho para hindi ka napapaligiran ng mga bagay na nakapag-iirita sa iyong mga baga.
- Oxygen
Bihira, sa mga kaso ng malalang sakit, operasyon ay maaaring isang opsyon. Maaalis ng iyong healthcare provider ang ilan sa bahaging may sakit ng mga baga, ngunit kung sapat lang ang maiiwang gumaganang baga pagkatapos ng operasyon. O, sa mga bihirang kaso, maaaring isaalang-alang ang transplant ng baga, depende sa iyong panlahatang kalusugan at kung magagawa mo man na maiwasan ang mga bagay na naging sanhi ng iyong COPD.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng iyong healthcare provider. Bilang karagdagan:
- Inumin ang lahat ng iyong gamot ayon sa mga pagtuturo ng iyong provider.
- Tanungin ang iyong provider kung maaaring makatulong ang isang programa sa rehab na pulmonary Ang rehab na pulmonary ay makakatulong sa iyo sa pagsasanay na ehersisyo, suportang emosyonal, at kahit ang pagpaplano ng malulusog na pagkain.
- Gumamit ng oxygen na therapy tulad ng itinuturo ng iyong provider.
- Pangalagaang mabuti ang iyong puso. Panatilihing normal ang presyon ng iyong dugo at mga antas ng cholesterol. Ang sakit na ito ay maaaring mapinsala ang puso sa katagalan, kaya makipagtulungan sa iyong provider para mapanatiling malusog ang iyong puso.
Manatiling kasing ligtas at malusog hanggat kaya mo.
- Huwag manigarilyo.
- Iwasan ang pagkakalantad sa mga usok ng tabako, maruming hangin, alikabok, mga usok, kemikal, at mga amag.
- Magpabakuna sa trangkaso taun-taon at iwasan ang malapit na pagkakadikit sa mga taong may mga ubo o trangkaso.
- Hugasan nang madalas at mabuti ang iyong mga kamay, lalo na kapag ikaw ay nasa mga pampubliko lugar o sa paligid ng mga bata.
- Tanungin ang tungkol sa pagpapabakuna ng pneumococcal para maprotektahan laban sa isang malalang impeksyon.
- Iwasan ang matinding mga pagbabago sa temperatura at halumigmig, lalo na ang maiinit na temperatura at mataas na kahalumigmigan. Maaari nilang gawin na mas mahirap para sa iyo na makakuha ng sapat na oxygen.
- Kung gumagamit ka ng humidifier, panatilihing malinis at walang bakterya at amag ang lalagyan ng tubig ng humidifier.
- Magpahinga at matulog nang husto.
- Kung plano mong maglakbay, talakayin ang iyong mga plano sa iyong healthcare provider para malaman kung may mga partikular na pagtuturo na kailangan mong sundin. Bilang halimbawa, tanungn kung ligtas para sa iyo na nasa matataas (5,000 piye o mas mataas) o sa mga lugar na may matataas na temperatura, mataas na kahalumigmigan, o maraming smog o usok. Kung ikaw ay lilipad at gagamit ng oxygen, tawagan ang mga airline para pag-aralan ang kanilang mga patakaran tungkol sa paggamit ng oxygen sa eroplano.
Kumain ng malusog na diyeta.
- Kumain ng malulusog na pagkain. Ang pagkain ng tamang nutrisyon ay maaaring makatulong sa iyong paghinga.
- Kumain ng matataas-na-calorie na meryenda sa pagitan ng mga pagkain kung ikaw ay kulang sa timbang. Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa pag-inom ng mga suplemento ng nutrisyon. Uminom ng bitamina at mga suplementong mineral kung inirerekomenda ng iyong provider.
- Uminom ng maraming likido (tubig o tsaa) araw-araw para tulungan kang mas madaling iubo ang plema maliban kung sinasabi ng iyong provider na limitahan ang mga likido dahil sa isa pang kundisyong medikal na mayroon ka.
Mag-ehersisyo na inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
- Kung magagawa mong mag-ehersisyo, regular na mag-ehersisyo alinsunod sa mga inirerekomenda ng iyong provider. Matutulungan ng ehersisyo na panatilihing malusog ang iyong puso at iba pang kalamnan. Huwag magsisimula ng programa sa ehersisyo nang walang pagsang-ayon ng iyong provider.
- Gawin ang mga ehersisyo sa paghinga na inirerekumenda ng iyong provider. Makakatulong ang mga ito na palakasin ang mga kalamnan na ginagamit sa paghinga. Maaaring kakailanganin mo ng physical therapist respiratory therapist para tulungan kang matutunang gawin ng wasto ang mga iyon.
Tanungin ang iyong provider.
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Papaano akong makakatulong iwasan ang COPD?
Ang COPD ay kadalasang sanhi ng usok ng tabako. Kabilang dito ang mga tao na naninigarilyo at mga tao na nalalantad sa usok ng iba. Sa karaniwan maiiwasan mo ang COPD sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo at wala sa paligid ng iba na hindi naninigarilyo.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.