Page header image

Coronary Artery Disease

(Coronary Artery Disease)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang coronary heart disease ay nangyayari kapag nagkaroon ng pamumuo ng plaque sa loob ng ugat na nagdadala ng dugo at oksiheno sa kalamnan ng iyong puso. Ang plaque ang nagpapataas ng panganib na magkaroon ng pamumuo ng dugo at magbara ang isang ugat, at ito ay maaaring maging sanhi ng atake sa puso.
  • Maaaring kasama ang pagbabago ng diyeta sa paggamot, ehersisyo, mga gamot, at operasyon.
  • Sundin ang payo ng iyong healthcare provider tungkol sa pag-eehersisyo, pagkain ng masustansyang pagkain, pagbabantay sa iyong timbang, hindi paninigarilyo, at pag-check ng iyong blood pressure.

________________________________________________________________________

Ano ang coronary artery disease?

Ang coronary artery disease (CAD) ay isang klase ng sakit sa puso na sanhi ng problema sa mga blood vessel na naghahatid ng dugo at oxygen sa kalamnan ng puso. Ang mga artery na ito ay tinatawag na mga coronary artery. Pinatataas ng sakit na ito ang iyong peligro sa atake sa puso at biglaang pagkamatay.

Ano ang sanhi?

Ang matatabang deposito na tinatawag na plaque ay maaaring mamuo sa mga blood vessel at gawing mas makipot ang mga iyon. Pinabababa ng pagkikipot ang dami ng daloy ng dugo papunta sa puso. Pinatataas din ng plaque ang pagkakataon na maaaring mabuo ang mga pamumuo ng dugo at mabarahan ang blood vessel, na maaaring maging sanhi ng atake sa puso o stroke.

Ang iyog peligro sa CAD ay maaaring maging mas mataas kung ikaw ay:

  • May history ng pamilya ng sakit sa coronary artery sa maagang edad
  • Naninigarilyo
  • May mataas na presyon ng dugo
  • May diabetes
  • Sobrang bigat ng timbang
  • Hindi nakakapag-ehersisyo nang sapat
  • May matataas na antas ng taba sa dugo--bilang halimbawa, mataas na cholesterol

Ano ang mga sintomas?

Ang coronary artery disease ay maaaring hindi maging sanhi ng mga sintomas. Kapag may mga sintomas, ang isang pinakakaraniwan ay pananakit ng dibdib, na tinatawag na angina. Maaari kang makaramdam ng:

  • Pakiramdam ng paninikip o kabigatan sa dibdib
  • Pamimisil, presyon, o pagliyab sa dibdib

Ang mga sintomas ng angina ay kadalasang:

  • Tumatagal nang 5 minuto o mas mababa at nawawala sa pamamagitan ng pahinga o gamot tulad ng nitroglycerin.
  • Nangyayari kapag kailangang mas matinding magtrabaho ang puso, tulad ng pagkatapos kumain nang marami o sa panahon ng pisikal na aktibidad o emosyonal na stress.

Maaari rin mangyari ang angina kapag nagpapahinga ka.

Tawagan ang 911 para sa agad na tulong na emergency kung may mga sintomas ka ng pag-atake sa puso. Ang pinakakaraniwang mga sintomas ay kabilang ang:

  • Pananakit ng dibdib o presyon, pamimisil, o kapunuan sa gitna ng iyong dibdib na tumatagal nang higit sa ilang minuto, o nawawala at bumabalik (maaaring pakiramdam ay impatso o heartburn)
  • Pananakit o kahirapan sa isa o parehong kamay o balikat, o sa iyong likod, leeg, panga, o sikmura
  • Kahirapan sa paghinga
  • Pagsisimula sa pagpapawis nang walang alam na dahilan
  • Kung inreseta ng iyong provider ang nitroglycerin para sa angina, hindi mawawala ang sakit pagkatapos gamitin ang iyong nitroglycerin tulad ng itinuturo

Kasama ng mga sintomas na ito, maaari ka rin makaramdam ng sobrang kapaguran, pagkahimatay, o pakiramdam na nasusuka.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at eeksaminin ka. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:

  • Mga pagsusuri ng dugo
  • Isang ECG(na tinatawag din na isang EKG o electrocardiogaram), na sinusukat at nirerekord ang pintig ng iyong puso.
  • Isang pagsusuri na ehersisyo sa treadmill para matingnan kung papaano gumagana ang iyong puso kapag nag-eehersisyo ka
  • Isang echocardiogram, na gumagamit ng mga sound wave (ultrasound) para makita kung gaaano kainam bumomba ang iyong puso
  • Angiogram, na isang serye ng mga X-ray na kinukuha pagkatapos mag-iniksyon ang iyong healthcare provider ng espesyal na dye papasok sa iyong mga blood vessel para makita ang mga dingding ng mga bara
  • CT scan, na gumagamit ng mga X-ray at isang computer para makita ang mga detalyadong larawan ng mga artery

Papaano itong ginagamot?

Ang iyong paggagamot ay dumidepende sa maraming dahilan, tulad ng iyong edad, paggana ng kalamnan ng puso, at iba pang problema sa kalusugan. Sa una, maaaring kabilang sa paggagamot ang mga pagbabago sa diyeta at isang programa sa pag-eehersisyo. Maaaring magreseta ng gamot ang iyong healthcare provider.

  • Karamihan sa tao ay kailangang uminom ng 2 o higit pang gamot para tulungang mapigilan ang atake sa puso o stroke. Maaaring tumagal nang mangilan-ngilang linggo o buwan para mahanap ang pinakamagandang paggagamot para sa iyo.
  • Maaari rin magreseta ang iyong provider ng iba pang klase ng gamot para pababain ang presyon ng dugo, makatulong pigilan ang pananakit ng dibdib, kontrolin ang hindi regular na pintig ng puso, makatulong maiwasan ang mga pamumuo ng dugo, o mapababa ang taba sa dugo (cholesterol).

Maaaring magrekumenda ang iyong provider ng pang-araw-araw na dosis ng aspirin. Ang pag-inom ng aspirin araw-araw ay maaaring pababain ang iyong peligro ng atake sa puso o stroke. Hindi lahat ay dapat uminom ng aspirin. Ang pang-araw-araw na pag-inom ng aspirin ay maaaring maging sanhi ng mga problema, tulad ng iritasyon, pagdurugo, at pagkawala ng pandinig. Tanungin ang iyong healthcare provider kung dapat kang uminom ng aspirin at kung dapat, ilan ang iinumin.

Kung malalang nabarahan ang iyong mga coronary artery, maaari mong kailanganin ng balloon angioplasty o bypass na operasyon.

  • Ang balloon angioplasty binubuksan ang mga nabarahang blocked blood vessel at pinabubuti ang daloy ng dugo. Ang metal mesh na aparato na tinatawag na stent ay kadalasang iniiwan sa mga blood vessel para tulungang panatilihing nakabukas ang mga ito.
  • Ang bypass na operasyon ay gumagamit ng mga blood vessel mula sa iba pang bahagi ng katawan, o materyales na gawa ng tao, para makagawa ng bagong landas paikot sa bahaging nabarahan.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Kung mayroon kang coronary artery disease, may mga bagay na maaari mong gawin na ngayon para pangalagaan ang iyong sarili at maiwasan ang mga problema sa hinaharap.

  • Sundin ang payo ng iyong provider tungkol sa aktibidad, ehersisyo, gamot, at mga follow-up na pagbisita.
  • Babaan ang dami ng asin, mga saturated at trans fat, at cholesterol sa iyong diyeta.
  • Makipagtulungan sa iyong healthcare provider para makontrol ang diabetes, presyon ng dugo, o iba pang problema sa kalusugan na maaaring mayroon ka.
  • Piliting magpanatili ng malusog na timbang. Kung ikaw ay sobra sa timbang , makipag-usap sa iyong provider tungkol sa mga paraan para magbawas ng timbang.
  • Kung maninigarilyo ka, subukang tumigil. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa mga paraan para tumigil sa paninigarilyo.
  • Tanungin ang iyong healthcare provider:
    • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
    • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
    • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
    • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
    • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
  • Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong na maiwasan ang coronary artery disease?

Mapipigilan mo ang sakit na ito sa pamamagitan ng uri ng pamumuhay na malusog-ang-puso:

  • Kumain ng malusog na diyeta at magpanatili ng malusog na timbang.
  • Manatiling malusog sa pamamagitan ng tamang klase ng ehersisyo para sa iyo.
  • Maghanap ng mga paraan para mapangasiwaan ang stress.
  • Huwag manigarilyo.
  • Limitahan ang paggamit ng alcoho.

Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa iyong personal at pamilyang medikal na history at ang iyong mga nakagawiang uri ng pamumuhay. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang magagawa mo para mapababa ang iyong peligro sa coronary artery disease.

Kung mayroon kang matatag na history ng pamilya ng CAD, maaaring mapabagal ng isang malusog na uri ng pamumuhay ang pagsisimula ng sakit at maaari rin mapigilan na magkaroon nito. Gayunman, dapat mayroon kang regular na mga checkup para mabantayan nang mabuti ang kalusugan ng iyong puso.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-12-28
Huling narepaso: 2016-05-31
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image