Page header image

Kanser sa Colon at Rektal

(Colon and Rectal Cancer)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang kanser sa colon o rektal ay ang paglaki ng mga abnormal na cell sa iyong malaking bituka.
  • Maaaring kasama sa paggagamot ang operasyon para tanggalin ang tumor at bahagi ng iyong bituka, chemotherapy, o radiation. Kadalasan, higit sa 1 paggagamot ang ginagamit.
  • Pagkatapos ng matagumpay na paggagamot, kakailanganin mo ng regular na mga follow-up na pagpapatingin sa iyong healthcare provider.

________________________________________________________________________

Ano ang kanser sa colon o rektal?

Ang kanser sa colon o rektal ay ang pagtubo ng mga abnormal na cell sa iyong malaking bituka, na tinatawag din na large bowel. Ang colon ay ang huling 5 piye ng bituka. Ang puwit ay ang huling ilang pulgada ng large bowel sa loob ng anus, kung saan lumalabas ang iyong mga dumi. Ang kanser sa colon ay isa sa pinakakaraniwang klase ng kanser. Ang isa pang pangalan para sa klase ng kanser na ito ay colorectal cancer.

Mas maagang matuklasan at magamot ang kanser, mas mainam ang iyong pagkakataon na gumaling. Gayunman, kahit na ang advanced na kanser ay kadalasa’y nagagamot. Ang paggagamot ay maaaring pabagalin o pansamantalang pahintuin ang pagtubo ng kanser at mabawasan ang mga sintomas. Tanungin ang iyong healthcare provider kung ano ang maaasahan mo sa klase ng kanser na mayroon ka.

Ano ang sanhi?

Karamihan sa colorectal cancer ay nagsisimula mula sa isang pagtubo ng ekstrang tissue, tinatawag na isang polyp, sa panloob na pader ng bowel. Ang mga polyp ay napakakaraniwan. Humigit-kumulang kalahati ng lahat ng tao ay magkakaroon ng polyp sa kanilang large bowel sa bandang huli. Kulang sa 1 sa 10 polyp ay nagiging kanser. Ang colorectal cancer ay napakabagal lumaki, sa 10 hanggang 15 taon. Ang kanser sa colon o rektal ay kadalasang nangyayari pagkatapos ng edad na 50, ngunit maaari itong mangyari sa anumang edad.

Maaari kang magkaroon ng mas mataas na peligro ng pagkakaroon ng kanser sa colon kung ikaw ay:

  • Nagkaroon na dati ng colorectal cancer
  • Mayroong mga polyp, o isang sakit sa bowel tulad ng ulcerative colitis o Crohn’s disease
  • Mayroong magulang, kapatid na lalake, kapatid na babae o anak na nagkaroon ng kanser sa colon o mga polyp sa colon
  • Nagkaroon ng kanser na uterine, ovarian, o sa suso
  • Kumakain ng high-fat at low-fiber na diyeta
  • Naninigarilyo

Ano ang mga sintomas?

Sa una walang mga sintomas. Kapag talagang lalabas ang mga sintomas, maaaring kabilang sa mga ito ang:

  • Dugo sa iyong mga pagdumi
  • Pagbabago sa iyong mga pagdumi, tulad ng pagtatae, pagtitibi, o mga dumi na mas makitid kaysa dati
  • Pakiramdam na parang hindi ganap na natanggal ang mga dumi, mga kabag o pamumulikat,o pakiramdam na puno ang iyong tiyan
  • Pakiramdam na napapagod sa lahat ng oras
  • Pagbaba ng timbang

Ano ang metastasis?

Ang pagkalat ng mga cancer cell mula sa isang bahagi ng katawan papunta sa iba pang bahagi ay tinatawag na metastasis. Ano ang nagiging sanhi ng kanser para kumalat ay hindi nalalaman. Ang mga cancer cell ay maaaring:

  • Lumaki sa bahaging paligid ng tumor
  • Lumibot sa iba pang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng daloy ng dugo o sa lymph system. Ang lymph system ay bahagi ng sistema ng iyong katawan para labanan ang impeksiyon. Ang sistema ng lymph ay binubuo ng kulani na nag-iimbak ng blood cells (lymphocytes) upang labanan ang impeksiyon at ng mga sisidlan na nagdadala ng likido, nutrients, at mga basura ng iyong katawan at ng iyong dugo.

Mga bagong tumor pagkatapos ay lumalaki sa iba pang bahagi na ito.

Kapag kumakalat ang colorectal cancer, pinakamadalas na naaapektuhan nito ang mga baga at atay. Paminsan-minsan ang iyong unang mga sintomas ng kanser ay nasa bahagi ng katawan kung saan kumalat ang kanser. Ang mga sintomas ng kanser sa colon na kumalat sa iba pang bahagi ng iyong katawan ay dumidepende kung nasaan ang mga tumor. Bilang halimbawa:

  • Kung kumalat ang kanser sa mga baga, maaari kang magkaroon ng ubo o problema sa paghinga.
  • Kung kumalat ang kanser sa atay, maaari kang magkaroon ng madilaw na balat, pananakit, o pamamaga sa iyong tiyan.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at eeksaminin ka. Ang kaunting sampol ng iyong mga dumi ay susuriin para sa dugo. Makikita ng pagsusuri ang dugo na hindi mo nakikita sa iyong mga dumi. Kung mayroong dugo sa iyong mga pagdumi, maaaring kailanganin mo ng iba pang pagsusuri tulad ng:

  • Colonoscopy, na gumagamit ng naibabaluktot, may ilaw na tubo, na inilalagay sa loob ng iyong puwit para tingnan ang panloob ng iyong colon. Ang katulad na pagsusuri na tinatawag na sigmoidoscopy ay tiningnan lang ang mababang ikatlong-bahagi ng iyong colon.
  • Ang biopsy ng polyp o pagtubo, na maaaring isagawa sa panahon ng colonoscopy para kumuha ng kaunting sampol ng tissue para sa pagsusuri
  • Barium enema, na ang ibig sabihin na ang may chalk na likido na lumalabas sa mga X-ray ay inilalagay papasok sa iyong colon mula sa puno hanggang sa dulo ng iyong puwit para makita kung mayroon kang mga polyp o kanser

Maaaring kailanganin mo ng maraming pagsusuri sa laboratoryo para siyasatin kung kumalat ang kanser sa iba pang bahagi ng iyong katawan.

Paano itong ginagamot?

Ikaw at ang iyong healthcare provider ay pag-uusapan ang mga posibleng paggagamot. Maaari ka rin makipag-usap sa isang nag-oopera o isang espesyalista sa kanser. Ilang bagay-bagay na pag-iisipan kapag nagdedesisyon sa paggagamot ay:

  • Iyong edad
  • Ang iyong panlahatang kalusugan
  • Yugto ng kanser (kung gaanong ka-advance ang kanser)
  • Kung kumalat ang kanser sa iba pang bahagi ng iyong katawan

Ang kadalasang paggagamot ay operasyon para tanggalin ang lahat o bahagi ng colon o puwit na may kanser.

Kung tatanggalin ang malaking bahagi ng iyong colon o puwit, maaaring kailanganin mo ng colostomy. Ang colostomy ay isang pasukan sa balat sa iyong tiyan na kumukonekta sa malusog na dulo ng iyong colon. Pagkatapos ng procedure na ito, lalabas ang mga dumi sa butas at kokolektahin sa isang naitatapon na supot labas ng iyong katawan. Kailangan mong tanggalan ng laman o palitan ang supot ng ilang beses sa isang araw. Karamihan sa tao na may colostomy ay kailangan lamang nito habang naghihilom sila pagkatapos ng operasyon. Humigit-kumulang 1 sa 8 tao na may kanser sa rektal ay kakailanganin ng permanenteng colostomy.

Ang iba pang posibleng mga paggagamot ay:

  • Chemotherapy (mga gamot na anticancer), na gumagamit ng gamot para patayin ang mga cancer cell
  • Radiation therapy, na gumagamit ng malakas-na-enerhiyang mga X-ray para patayin ang mga cancer cell at paliitin ang mga tumor sa rektal

Kadalasan, higit sa 1 klase ng paggagamot ang ginagamit. Pagkatapos ng paggagamot, kakailanganin mo ng regular na mga follow-up na pagpapatingin sa iyong healthcare provider.

Maaaring kasama sa iyong paggagamot ang:

  • Pagpigil sa mga impeksyon
  • Pagkontrol ng kirot o iba pang sintomas na maaaring mayroon ka
  • Pagpigil at pagkontrol sa mga side effect mula sa mga paggagamot
  • Pagtulong sa iyo na pangasiwaan ang iyong buhay kasama ang kanser

Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa mga clinical trial na maaaring nakalaan sa iyo. Ang mga clinical trial ay mga pananaliksik na pag-aaral para humanap ng mabibisang paggagamot sa kanser. Ito’y palaging kagustuhan mo kung makikilahok ka sa isa o hindi.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Kung ikaw ay nasuri nang may colorectal cancer:

  • Pag-usapan ang tungkol sa iyong kanser at mga opsyon sa paggagamot kasama ng iyong healthcare provider. Siguruhing nauunawaan mo ang iyong mga pagpipilian.
  • Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng iyong healthcare provider.
  • Tanungin ang iyong healthcare provider:
    • Paano at kailan mo makukuha ang mga resulta ng iyong pagsusuri
    • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
    • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
    • Paanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
    • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
  • Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Kasama ang iba pang bagay na maaaring makatulong:

  • Kumain ng malusog na diyeta at mag-ehersisyo nang regular tulad ng inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
  • Magpahinga nang husto.
  • Subukang bawasan ang stress at maglaan ng panahon para sa mga aktibidad na nasisiyahan ka. Maaaring makatulong na makipag-usap sa isang tagapayo tungkol sa iyong sakit.
  • Makipag-usap sa iyong pamilya at sa iyong mga healthcare provider tungkol sa iyong mga alalahanin. Magtanong sa iyong healthcare provider ng kahit ano may kinalaman sa sakit, paggamot, mga side effect ng paggamot, sekswal na aktibidad, mga grupong sumusuporta, at anumang bagay na aalalahanin mo.
  • Kung maninigarilyo ka, subukang tumigil.
  • Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol. Maaaring makagambala ito sa mga gamot na iyong iniinom. Ang alkohol ay mas nakapagpapahirap din para sa mga white blood cell na labanan ang mga impeksyon.
  • Sabihin sa iyong provider kung ang iyong paggagamot ay nagdudulot ng hindi kaginhawahan. Kadalasan may mga paraan para tulungan kang makaramdam nang mas komportable.

Kung may colostomy ka:

  • Alamin kung paanong pangalagaan ang iyong colostomy.
  • Alamin kung aling mga pagkain ang dapat mong iwasan dahil nagdudulot ang mga ito ng sobrang hangin o ginagawang mahirap para sa iyo na kontrolin ang iyong mga dumi.
  • Bigyan ng panahon ang iyong sarili na masanay sa mga pagbabago sa iyong katawan. Maaaring kailanganin mong baguhin kung paano kang magdamit para magbigay puwang para sa colostomy at supot.
  • Humingi ng payo hinggil sa sex para sa iyong sarili at iyong kapareha kung pakiramdam mong kailangan mo ito.
  • Maaaring makaramdam ka ng galit, pagkabigo, kalungkutan, kahihiyan tungkol sa kanser at colostomy. Pag-usapan ang tungkol sa iyong mga nararamdaman. Hayaan ang mga miyembro ng iyong koponan sa pangangalaga na malaman kung ano ang iniisip mo.

Paano akong makakatulong pigilan ang kanser sa pagkalat o magbalik?

  • Kumpletuhin ang buong takdang panahon ng operasyon, radiation, o mga paggagamot na chemotherapy na inuutos ng iyong healthcare provider.
  • Agad na magpatingin sa iyong healthcare provider kung mapansin mo ang pabalik ng anumang dating sintomas, o nagkaroon ka ng mga bagong sintomas.
  • Palaging magpa-colonoscopy para matingnan kung may mga polyp ayon sa mga rekumendasyon ng iyong provider.

Ano ang mga pinakamagandang paraan para makita nang maaga ang colorectal caner?

Kung hindi mataas ang iyong peligro sa colorectal cancer ngunit nasa 50 hanggang 75 taong gulang, may mangilan-ngilang paraan para masuri para sa kanser.

  • Ipasuri ang iyong mga dumi para sa dugo minsan sa isang taon.
  • Magpa-sigmoidoscopy na pagsusuri tuwing 5 taon.
  • Magpa-colonoscopy tuwing 10 taon.

Ang barium enema ay maaaring isagawa tuwing 5 taon imbes na colonoscopy o sigmoidoscopy. Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang pagsusuring ito imbes sa isang colonoscopy kung ikaw ay may ilang kundisyon, tulad ng isang colon na sobrang nakapilipit. (Ginagawang mahirap ng mga pagkakapilipit na dumaan ang scope hanggang sa dulo ng colon.)

Kung ikaw ay may mas mataas na peligro kaysa sa normal para sa colorectal cancer, tanungin ang iyong healthcare provider kung kailan at kung gaano kadalas na dapat kang masuri para sa colorectal cancer. Maaaring kailanganin mong simulang magpasuri bago ka mag-50.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-10-18
Huling narepaso: 2016-02-10
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image