Page header image

Depresyon

(Depression)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ay nalulungkot ka, walang pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay.
  • Ang depresyon ay maaaring magamot nang matagumpay sa pamamagitan ng therapy, mga gamot, o pareho.
  • Kumuha ng emergency na pangangalaga kung ikaw o isang minamahal ay seryosong nag-iisip ng pagpapakamatay o pananakit sa iba.

________________________________________________________________________

Ano ang depresyon?

Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ay nalulungkot ka, walang pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay maaari kang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad. Ang depresyon ay maaaring banayad hanggang sa malala. Maaari itong magtagal sa maikling panahon o mahabang panahon.

May mangilan-ngilang klase ng depresyon. Ang mga pinakakaraniwang klase ay:

  • Adjustment Disorder with Depressed Mood (ADDM). Nadi-depress ka dahil may isang malaking bagay na nangyari sa iyo. Mga halimbawa ay ang mga kaganapan tulad ng pagkakabuwag ng relasyon, isang malaking kawalan hinggil sa pinansya, paglipat, o pagkakatanggal sa trabaho. Ang ADDM ay kadalasang tumatagal nang ilang linggo hanggang ilang buwan.
  • Malalang Depresyon. Matinding depresyon na tumatagal nang higit sa 2 linggo at hindi sanhi ng isang partikular na kaganapan ay tinatawag na malalang depresyon. Maaari kang magkaroon ng matinding depresyon nang minsan lang, o maaari kang magkaroon nito nang madalas sa iyong buhay.
  • Persistent Depressive Disorder. Kung mayroon kang banayad na depresyon ng halos araw-araw sa loob ng dalawang taon, ito ay tinatawag na persistent depressive disorder. Kung mayroon ka ng sakit na ito, maaari ka ring magkaroon ng matinding depresyon sa ilang bahagi ng iyong buhay.
  • Sakit na Bipolar. Ang sakit na ito ay nagiging sanhi ng malalalang pagbabago sa mood, pag-iisip, at pag-uugali. Kadalasa’y may dalawang "mood phase," isang manic phase at isang depressed phase. Sa manic phase pakiramdam mo’y lubhang pinasigla at napakaaktibo. Sa depressed phase napakalungkot mo, pakiramdam ay walang pag-asa, at wala lang pakialam tungkol sa anumang bagay.
  • Sakit na Cyclothymic. Sa ganitong klase ng depresyon bumabalik-balik ka sa pagitan ng banayad na sumpong at banayad na depresyon. Sa anumang 2-taon na panahon mayroon kang alinman sa banayad na sumpong o depresyon nang halos palagi.
  • Depresyon Sanhi ng isang Pangkalahatang Medikal na Kundisyon. Maraming medikal na mga problema ang maaaring lumikha ng mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging sanhi ng depresyon. Ang ilang halimbawa ay isang stroke, Parkinson’s disease, mga problema sa hormone, at ilang kanser. Hindi ito pareho tulad ng pagiging depress tungkol sa iyong sakit.
  • Sakit na Premenstrual Dysphoric. Maraming babae ang nakakaramdam na moody, iritable, at nadi-depress bago ang kanilang buwanang dalaw. Nawawala ang mga sintomas na ito kapag nagsimula ang regla pero magbabalik buwan-buwan.
  • Postpartum na Depresyon. Karamihan sa kababaihan ay may banayad hanggang sa matinding depresyon pagkatapos isilang ang kanilang anak. Ang ganitong klase ng depresyon ay maaaring tumagal nang ilang linggo hanggang ilang buwan.
  • Sakit na Naaapektuhan ng Panahon. Ang ilang tao ay sensitibo na makakuha nang kaunting sikat ng araw. Sa mas malalamig na klima maaari kang ma-depress habang nagiging mas maikli ang mga araw sa taglamig at gumaganda habang tumatagal. Ang ganitong anyo ng depresyon ay minsa’y maaaring maging malala.
  • Sakit na Mood sa Sapilitang-Sustansya (Substance-Induced Mood Disorder). Ang mga droga tulad ng alkohol, cocaine, mga sedative, at amphetamine ay maaaring maghatid ng depresyon. Ang pagtigil sa paggamit ng droga nang ilang linggo ay kadalasang nagpapabuti sa iyong mood at kakayanan sa paggana. Dumidepende ito sa kung gaanong katagal at kung gaanong karaming droga ang nagamit na.

Ang iba’t ibang klase ng depresyon ay tumatagal sa magkakaibang tagal ng panahon. Kadalasan ang depresyon ay tumatagal na ilang linggo at hindi na muling bumabalik. Maaari rin itong tumagal nang mga buwan o taon. Ang ilang tao ay may mga panahon ng depresyon na paulit-ulit sa buong buhay nila.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng depresyon ay hindi nalalaman.

  • Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
  • Ang sakit na depresyon ay malamang na namamana sa mga pamilya. Hindi ito nalalaman kung ito ay sanhi ng mga gene na napapasa mula sa magulang papunta sa anak. Maaari rin na ang mga magulang ang may negatibong pananaw, at natututunan ng mga bata ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang. Maaaring gumaganap din ng bahagi ang stress.
  • Pang-aabuso, pagpapabaya, kahirapan, o kawalan ng tahanan ay nagpapataas din sa panganib ng depresyon.
  • Ang ilang gamot ay maaaring maging sanhi ng depresyon o makapagpalala nito. Kasama sa mga ito ang ilang gamot sa presyon ng dugo, mga pildoras na pang-patulog, gamot sa atake, at mga steroid tulad ng prednisone.

Ang depresyon ay mas karaniwan sa kababaihan kaysa sa kalalakihan.

Ano ang mga sintomas?

Ang depresyon ay maaaring magsimula sa anumang edad. Kadalasang nagsisimula ito sa mga taon ng kabataang may sapat na gulang maliban kung ito ay sanhi ng mga problemang medikal o pag-abuso sa sustansya. Maaaring dumating ito nang dahan-dahan sa mga linggo o buwan, ngunit maaari rin dumating ito nang biglaan.

Bukod sa nalulungkot at hindi interesado sa mga bagay na kadalasang ine-enjoy mo, maaari ka rin:

  • Maging iritable
  • Mahirapang matulog, magising nang napakaaga, o matulog nang sobra
  • Makapansin ng mga pagbabago sa iyong gana sa pagkain at timbang, pataas man o pababa
  • Makapansin ng mga pagbabago sa antas ng iyong enerhiya, kadalasan ay matamlay ngunit paminsan-minsan ay nakararamdam ng sobrang natutuwa
  • Mawalan ng gana sa sex
  • Makaramdam nang kawalang-kwenta at guilty
  • Hindi mapagtuon ng pansin o makatanda ng mga bagay, at may problema sa paggawa ng desisyon
  • Makaramdam nang kawalang pag-asa o talagang mawalan ng pakialam sa anumang bagay
  • Magkaroon ng mga pisikal na sintomas, tulad ng mga pananakit ng ulo at kirot sa kasukasuan
  • Madalas mag-isip tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ka ng iyong healthcare provider o therapist tungkol sa iyong mga sintomas. Sisiguruhin niya na wala kang medikal na karamdaman o problema sa droga o alcohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Papaano itong ginagamot?

Ang paggamot ay depende sa sanhi. Ang depresyon ay maaaring magamot nang matagumpay sa pamamagitan ng therapy, mga gamot, o pareho. Talakayin ito kasama ng iyong healthcare provider o therapist.

Kumuha ng emergency na pangangalaga kung ikaw o isang minamahal ay seryosong nag-iisip ng pagpapakamatay o pananakit sa iba.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-12-28
Huling narepaso: 2016-08-05
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image