________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang pagkakaroon ng diabetes ay nangangahulugan na may sobra-sobrang asukal (glucose) sa iyong dugo. Sa katagalan, pinipinsala ng glucose ng mataas na dugo ang mga blood vessel.
- Kapag nasira ang mga blood vessel, hindi sapat na dugo ang napupunta sa mga bahagi ng katawan at ang mga ito ay titigil sa paggana nang mabuti. Maaari kang magkaroon nang mahinang paningin o pagkabulag, ng atake sa puso, pagpalaya ng bato, kawalan ng pakiramdam sa iyong paa at mga binti, ng stroke, o iba pang problema.
- Ang mga problemang sanhi ng diabetes ay maaaring maantala o mapigilan sa pamamagitan ng mabuting pag-aalagang sa iyong sarili sa pamamagitan ng mga madalas na pagsuri ng glucose ng iyong dugo, mabuting nutrisyon at pagpaplano ng pagkain, pisikal na aktibidad, at gamot.
________________________________________________________________________
Ano ang diabetes?
Ang pagkakaroon ng diabetes ay nangangahulugan na may sobra-sobrang asukal (glucose) sa iyong dugo.
Dinudurog ng iyong katawan ang ilan sa pagkain na iyong kinakain para maging glucose. Dinadala ng iyong dugo ang glucose papunta sa mga cell ng iyong katawan. Kailangan mo ang ilang glucose sa iyong mga cell para sa enerhiya, ngunit ang sobrang glucose sa iyong dugo ay hindi maganda sa iyong kalusugan.
Ano ang sanhi?
Ang diabetes ay isang problema sa paraang gumagawa o gumagamit ng insulin ang iyong katawan. Ang insulin ay ginagawa ng lapay, na isang bahagi ng katawan sa bandang itaas ng iyong tiyan. Gumagamit ang iyong katawan ng insulin para tulungang ilipat ang glucose mula sa dugo papunta sa mga cell. Kapag walang sapat na insulin ang iyong katawan o nahihirapang gamitin ang insulin na ginagawa ng iyong katawan, hindi makapupunta ang glucose sa iyong mga cell at namumuo sa iyong dugo.
May 3 pangunahing klase ng diabetes:
- Ang type 1 diabetes ay nangyayari kapag tumigil ang iyong lapay sa paggawa ng insulin. Kadalasang nangyayari ito bago sa edad na 35, ngunit maaaring mangyari ito sa bandang huli. Ang eksaktong ay hindi nalalaman.
- Ang type 2 diabetes ay nangyayari kapag hindi nakakagawa nang sapat na insulin ang iyong lapay o hindi nagagawang magamit nang mabuti ito ng iyong katawan. Ang uri ng diabetes na ito ay kadalasang nagsisimula sa karampatang gulang, ngunit nangyayari rin sa mga bata. May mas mataas na peligro ka na magkaroon ng type 2 diabetes may background ang iyong pamilya ng Alaska Native, American Indian, African American, Hispanic/Latino, Asian American, o Pacific Islander. Tumataas din ang iyong peligro kung may history ka sa pamilya ng type 2 diabetes, hindi nakakakuha ng sapat na pisikal na aktibidad, o sobra sa timbang.
- Ang gestational diabetes ay maaaring mangyaring sa panahon ng pagbubuntis sa kababaihan na hindi pa nagkaroon ng diabetes. Ang mga hormone sa pagbubuntis ay maaaring makahadlang sa kakayanan ng katawan na makagawa ng insulin. Ang gestational diabetes ay kadalasang nawawala pagkatapos na maisilang ang sanggol, ngunit ang ina ay maaaring makaroon ng pinataas na panganib ng pagkakaroon ng type 2 diabetes sa bandang huli sa buhay.
Ano ang mga sintomas?
Ang diabetes ay maaaring hindi maging tahimik at hindi magdulot ng mga sintomas nang mga buwan o kahit na mga taon. Kaya napakahalaga nito na mapasuri ang iyong glucose sa dugo nang kasing dalas na inirerekumenda ng iyong healthcare provider. Ang pinakakaraniwang mga sintomas ng diabetes ay kabilang ang:
- Madalas na pag-ihi
- Tumataas ang pagkauhaw
- Tumataas ang pagkagutom
Maaaring kabilang sa iba pang sintomas ang:
- Malabong paningin
- Tuyong bibig
- Kapaguran
- Hindi inaasahang pagdagdag o pagbawas ng timbang
- Mga madalas na impeksyon—bilang halimbawa, sa balat, mga gilagid, pantog, o sa ari ng babae
- Hininga na amoy-prutas
- Mga impeksyon na mabagal gumaling
Sa katagalan, pinipinsala ng glucose ng mataas na dugo ang mga blood vessel. Ang mga bahagi na pinakamadalas na naaapektuhan ay ang mga mata, puso, bato, at mga blood vessel sa mga paa at binti. Maaari rin mapinsala ang mga blood vessel papunta sa utak. Kapag nasira ang mga blood vessel, hindi sapat na dugo ang napupuna sa mga bahagi ng katawan at ang mga ito ay titigil sa paggana nang mabuti. Sa sandaling mangyari ito, maaaring magkaroon ka ng mahinang paningin o pagkabulag, ng atake sa puso, pagpalaya ng bato, kawalan ng pakiramdam sa iyong paa at mga bini, ng stroke, o iba pang problema.
Paano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at susuriin ka. Tatanungin din ng iyong provider ang tungkol sa iyong personal at pamilyang medikal na history. Eeksaminin na iyong provider ang antas ng asukal sa iyong dugo. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:
- Pagsusuri na fasting blood glucose (FBG). Para sa pagsusuring ito, sinusuri ang glucose ng iyong dugo sa umaga bago ka kuamin ng anumang bagay. Maaaring kailanganin ng dalawang pagsusuri na FBG para sa isang diyagnosis.
- Isang 2-oras na oral glucose tolerance test (OGTT). Sinusuri ang glucose ng iyong dugo kapag nakapag-ayuno ka. Pagkatapos ay iinom ka ng espesyal na inuming asukal at muling sinusuri ang iyong dugo nang 2 oras pagkatapos para malaman kung gaanong kainam naproseso ng iyong katawan ang asukal.
- Hemoglobin A1C. Ang A1C ay isang pagsusuri sa dugo na maaaring gamitin para masuri ang iyong karaniwan glucose sa dugo sa nakalipas na 2 hanggang 3 buwan. Kilala rin ang Hemoglobin A1C bilang HbA1C at A1C.
Paano itong ginagamot?
Ang mga problema na sanhi ng diabetes ay maaaring maantala o maiwasan sa pamamagitan ng mabuting pangangalaga ng iyong sarili. Ang layunin ng paggagamot ay para panatilihing nasa normal na hanay ang lebel ng glucose. Ginagawa ito sa pamamagitan ng:
- Madadalas na pagsusuri ng glucose ng iyong dugo
- Mabuting nutrisyon at pagpaplano ng pagkain
- Pisikal na aktibidad
- Pagpapanatili ng malusog na timbang.
- Gamot, kabilang ang mga pildoras o insulin, depende sa klase ng diabetes na mayroon ka at kung gaano kabuti mong napapangalagaan ang iyong sarili.
Paano akong makakatulong na pangangalagaan ang sarili ko?
Kung ikaw ay may diabetes, narito ang ilang bagay na magagawa mo para manatiling malusog:
- Kumain nang malusog na diyeta kabilang ang sari-saring pagkain.
- Gumawa nang ilang uri ng regular na pisikal na aktibidad.
- Magpanatili ng malusog na timbang.
- Panatilihing subaybayan ang glucose ng iyong dugo at panatilihin itong nasa lebel na inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
- Sundin ang mga direksyon ng iyong healthcare provider sa pag-inom ng iyong gamot.
- Panatilihing normal ang presyon ng iyong dugo at cholesterol.
- Suriin ang iyong mga paa araw-araw, at ipasuri ang iyong mga paa sa bawat appointment sa iyong healthcare provider.
- Iwasan ang impeksyon, lalo na sa iyong mga paa.
- Ipatingin ang iyong mga mata taun-taon.
- Pangalagaan ang iyong mga ngipin at gilagid sa pamamagitan ng mga regular na pagpapa-check-up ng ngipin.
- Huwag manigarilyo.
- Alamin ang mga paraan para pangasiwaan ang stress.
Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Paano at kailan mo makukuha ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Paanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.
Makakakuha ka ng marami pang impormasyon tungkol sa diabetes sa:
Paano kong maiiwasan ang diabetes?
Ang Type 1 diabetes ay hindi maiiwasan.
Ang prediabetes ay isang katawagan na ginagamit kung ang glucose ng iyong dugo ay mataas sa normal ngunit hindi pa sapat na mataas para matawag na diabetes. Kung ikaw ay may prediabetes, ikaw ay nasa peligro ng pagkakaroon ng type 2 diabetes. Narito ang ilang bagy na magagawa mo para makatulong hindi makakuha ng sakit na ito:
- Kumain nang malusog na diyeta kabilang ang sari-saring pagkain
- Gumawa nang ilang uri ng regular na pisikal na aktibidad.
- Magbawas ng timbang kung sobra ka sa timbang.
- Ipasuri ang glucose ng iyong dugo nang kasing dalas sa inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.