Page header image

Paggamit ng Droga, Alkohol, at Tabako sa Panahon ng Pagbubuntis

(Drug, Alcohol, and Tobacco Use During Pregnancy)

Ang paggamit ba ng droga, alkohol, at tabako sa panahon ng pagbubuntis ay problema?

Ang mga droga, alkohol, at paninigarilyo ay maaaring makapinsala sa iyong katawan at iyong utak. Kung buntis ka, ang mga sustansyang ito ay maaaring mapasa mula sa iyo papunta sa iyong sanggol. Maaaring magdulot ang mga ito ng mga problema para sa iyong sanggol bago, sa panahon, at pagkatapos manganak. Kung aabusuhin mo ang mga droga o alkohol, o kung maninigarilyo ka habang buntis ka, ikaw ay nasa peligro ng:

  • Pagkakalaglag
  • Maagang panganganak
  • Stillbirth
  • Pagsilang sa isang sanggol na may mga depekto

Mga ilegal na droga

Ang mga ilegal na droga ay mapanganib sa iyo at sa iyong sanggol. Kahit gumamit ka ng mga droga paminsan-minsan, inilalagay mo sa peligro ang kalusugan mo at ng iyong anak. Maaari kang magka-atake sa puso, mga seizure, o stroke. Maaari rin magkaroon ng mga problema sa kalusugan ang iyong sanggol tulad ng attention deficit hyperactivity disorder o syndrome na biglaang pagkamatay ng sanggol.

Kung ikaw ay lulong sa heroin o cocaine, ang iyong anak ay maaaring isilang na lulong. Pagkatapos ay magkakaroon ng mga sintomas ng withdrawal ang iyong sanggol pagkatapos ipanganak.

Kung gagamit ka ng mga ilegal na droga, mapatulong para tumigil bago ka mabuntis. Kung ikaw ay buntis na, magpatulong na ngayon. Tanungin ang iyong healthcare provider para sa payo at posibleng referral sa isang programa sa paggagamot.

Mga gamot

Pag-usapan ang tungkol sa mga gamot kasama ng iyong healthcare provider sa iyong unang prenatal na pagpapatingin. Ang ilang gamot ay maaaring makapinsala ng hindi pa ipinanganganak na sanggol. Alamin sa iyong healthcare provider ang tungkol sa anumang impormasyon na makita mo sa online. Ang impormasyon sa Internet ay hindi palaging tumpak. Siguruhin na sasabihin sa sinumang nagrereseta ng gamot sa iyo na buntis ka.

Ang ilang hindi iniresetang gamot ay hindi nakakapinsala. Ang iba ay maaaring makasakit sa iyong sanggol. Alamin sa iyong healthcare provider bago ka gumamit ng anumang natural na remedyo o hindi iniresetang gamot, kabilang ang:

  • Gamot sa lagnat at pananakit
  • Mga antacid
  • Mga sleeping pill
  • Mga gamot sa sipon at ubo
  • Mga gamot para lunasan ang pagtatae

Ang ilang gamot ay naglalaman ng caffeine. Ang caffeine ay nasa kape, tsaa, tsokolate, ilang soft drinks, at ilang sports drinks din. Ang sobrang caffeine ay maaaring gawing mas malamang na magkakaroon ka ng sanggol na mababa ang timbang sa pagsilang. May ilang report na ang pag-inom ng maraming caffeine ay maaaring pataasin ang peligro ng mga pagkalaglag. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol dito.

Alkohol

Habang buntis ka, ang pag-inom ng anumang dami ng alkohol ay hindi ligtas para sa iyong sanggol. Ang lahat ng bagay na kinakain at iniinom mo ay napupunta sa sanggol. Mas maraming alkohol na iinumin mo, mas mataas ang panganib sa iyong sanggol.

Kung iinom ka habang buntis ka, maaaring isilang ang iyong sanggol na may fetal alcohol syndrome (FAS). Ang FAS ay nakakaapekto sa paglaki ng iyong anak at maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan at pag-iisip.

Para maiwasan ang anumang peligro ng mga problema mula sa alkohol, huwang iinom habang buntis ka. Ang pinakamagandang panahon para tumigil sa pag-inom ng alkohol ay bago ka mabuntis. Kung ikaw ay buntis at umiinom pa rin, piliting tumigil na ngayon. Humingi ng suporta sa iyong pamilya, mga kaibigan, o healthcare provider para makatulong itigil ang pag-inom sa panahon ng iyong pagbubuntis.

Nicotine

Kung maninigarilyo ka, o kung ikaw ay nalalantad sa usok ng iba, mas malamang na magkakaroon ka ng napakaliit na sanggol. Kapag nanigarilyo ka, kakaunting oxygen ang mapupunta sa iyo sa iyong sanggol. Maaaring magkaroon ang iyong sanggol ng mga problema sa panahon ng pagla-labor at panganganak. Maaari rin magkaroon ng mga problema sa kalusugan ang iyong sanggol tulad ng attention deficit hyperactivity disorder o syndrome na biglaang pagkamatay ng sanggol.

Kung ikaw ay naninigarilyo, piliting itigil na ngayon. Kung hihinto ka sa paninigarilyo nang maaga sa iyong pagbubuntis, ang iyong mga peligro ay halos pareho sa isang tao na hindi naninigarilyo. Humingi ng suporta sa iyong pamilya, mga kaibigan, o healthcare provider para makatulong itigil ang paninigarilyo sa panahon ng iyong pagbubuntis.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2014-04-15
Huling narepaso: 2014-03-14
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image