Page header image

Menopausal Hormone Therapy

(Menopausal Hormone Therapy)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang menopausal hormone therapy ay isang gamot na nakakatulong mapababa ang mga sintomas ng menopause.
  • Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
  • Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.

________________________________________________________________________

Para saan ang menopausal hormone therapy?

Ang menopausal hormone therapy (MHT) ay gamot na pang-hormone na ginagamit para gamutin ang mga sintomas ng menopause kung nakababahala ang mga sintomas at hindi nakatutulong ang ibang paggagamot.

Ang menopause ay karaniwang bahagi ng proseso ng pagtanda. Habang tumatanda ka, ang iyong katawan ay hindi gaanong gumagawa ng estrogen at progesterone ng mga hormone ng babae. Nagiging irregular ang pagreregla at sa bandang huli ay hindi ka na rereglahin.

Ang pagbaba ng mga hormone ng babae, partikular ang estrogen, ay maaaring magsanhi ng banayad hanggang sa malalang mga sintomas. Ang mga sintomas ay maaaring magpabalik-balik. Maaaring magkaroon ka ng mga ito nang ilang linggo, ilang buwan, o mangilan-ngilang taon.

Ang MHT ay makatutulong sa pagpawi ng mga sintomas tulad ng:

  • Pag-iinit ng pakiramdam
  • Pagpapawis sa gabi
  • Panunuyo ng ari ng babae, na makapagdudulot ng hindi kaginhawahan sa katawan o pananakit sa panahon ng pagtatalik.
  • Problema sa pagtulog
  • Kawalan ng sigla sa sex
  • Mga pagsumpong
  • Depresyon (Depression)
  • Pagkawala ng memorya
  • Mga pananakit ng ulo

Bilang karagdagan sa paggamot ng mga sintomas ng menopausal, makatutulong ang MHT na maiwasan ang osteoporosis. Ang osteoporosis ay isang paghina ng mga buto na nagsisimula sa edad na humigit-kumulang 35. Maaring mabali ang mahihinang mga buto. Gayunman, nagbabago ang istilo ng pamumuhay at ang iba pang gamot na inireseta ay makakatulong din na maiwasan ang osteoporosis.

Makakainom ka ng mga gamot na pang-hormone bilang mga tableta; patse sa balat; lotion, mga tabletang pang-ari ng babae, cream, o singsing; mga bulitas na inilalagay sa ilalim ng balat; o mga iniksyon.

Papaano ito gumagana?

Pinapalitan ng mga uri ng estrogen at progesterone na ginagawa ng tao ang mga likas na hormone na hindi na ginagawa ng iyong katawan pagkatapos mag-menopause.

Ano pa ang kailangan kong malaman tungkol sa gamot na ito?

  • Maaaring mapataas ng hormone therapy ang iyong peligro sa sakit sa puso. Maaari rin nitong mapataas ang iyong peligro sa stroke, kanser sa suso, pamumuo ng dugo, ilang problema sa apdo, at maaaring demensya. At saka, ang estrogen na iniinom nang walang progesterone ay pinatataas ang peligro ng kanser sa ihi kung hindi pa natatanggal ang iyong matris. Ikaw at ang iyong healthcare provider ay dapat pag-usapan ang mga peligro at benepisyo ng MHT para sa iyo.
  • Ang peligro ng mga side effect na malala tulad ng atake sa puso, stroke, at pamumuo ng dugo habang iniinom ang gamot na ito ay mas mataas kung naninigarilyo ka.
  • Sundin ang mga direksyon na kasama ng iyong gamot, kabilang ang impormasyon tungkol sa pagkain o alkohol. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
  • Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.
  • Subukang mapunan sa parehong lugar ang lahat ng inireseta sa iyo. Makatutulong ang iyong parmasyotiko na masiguro na ang lahat ng iyong gamot ay ligtas na inumin nang magkasama.
  • Dalhin mo ang isang listahan ng iyong mga gamot. Ilista ang lahat ng iniresetang gamot, hindi iniresetang gamot, mga suplemento, likas na remedyo, at mga bitamina na iniinom mo. Sabihin lahat ng healthcare provider na gumagamot sa iyo tungkol sa lahat ng produkto na iniinom mo.

Kung mayroon kang anumang katanungan, tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko para sa higit na impormasyon. Siguruhing mapupuntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2016-01-25
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image