________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang ibig sabihin ng mataas na presyon ng dugo ay ang mas mataas kaysa sa normal ng presyon ng iyong dugo. Tinatawag itong essential na hypertension kapag walang matagpuang naging sanhi nito.
- Pagbabawas ng timbang, mga pagbabago sa iyong diyeta, at ehersisyo ay maaaring tanging paggagamot na kailangan mo. Kung magbabago ang uri ng pamumuhay huwag babaan nang husto ang presyon ng iyong dugo, maaaring magreseta ng gamot ang iyong healthcare provider. Karamihan sa mga tao ay kailangang uminom ng 2 o higit pang gamot para pababain ang presyon ng kanilang dugo sa antas na malusog.
- Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa iyong personal at pamilyang medikal na history at ang iyong mga nakagawiang uri ng pamumuhay. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang magagawa mo para mapababa ang iyong peligro sa mataas na presyon ng dugo.
________________________________________________________________________
Ano ang mataas na presyon ng dugo?
Ang presyon ng dugo ay ang puwersa ng dugo laban sa mga pader ng artery habang nagbobomba ang puso ng dugo sa katawan. Maaaring sabihan ka na mayroon kang mataas na presyon ng dugo (hypertension) kung ang presyon ng iyong dugo ay mas mataas kaysa sa normal. Ang hypertension ay tinatawag na essential kapag walang matatagpuang naging sanhi nito. Kapag ang sanhi ng hypertension ay nalalaman, tulad ng sakit sa bato o isang tumor, tinatawag itong secondary hypertension.
Ang presyon ng dugo ay maaaring tumaas at bumaba sa pamamagitan ng ehersisyo, pahinga, o mga emosyon.
- Ang normal na nakapahingang presyon ng dugo ay umaabot hanggang 120/80 ("120 over 80"). Ang unang bilang (120 sa halimbawang ito) ay ang presyon kapag pumipintig ang puso at itinutulak palabas ang dugo sa natitirang bahagi ng katawan. Ang pangalawang bilang (80 sa halimbawang ito) ay ang presyon kapag nagpapahinga ang puso sa pagitan ng mga pagpintig.
- Ang presyon ng dugo ay mataas sa borderline kung ito ay 120/80 o mas mataas ngunit mababa sa 140/90.
- Ang mataas na presyon ng dugo ay 140/90 o mas mataas sa mas maraming tao. Kung mayroon kang sakit sa bato na hindi gumagaling, 130/80 o mas mataas ay itinuturing na mataas na presyon ng dugo.
Bakit isang problema ang mataas na presyon ng dugo?
Ang mataas na presyon ng dugo ay isang problema sa maraming paraan.
- Kailangang magtrabaho nang mas mabigat ang iyong puso para magbomba ng dugo sa iyong katawan. Ang dagdag na trabaho sa puso ay nagiging sanhi ng pagkapal ng kalamnan ng puso. Sa katagalan, ang pagkapal ay pinipinsala ang kalamnan ng puso para hindi na ito makapagbomba nang normal. Maaaring humantong ito sa isang sakit na tinatawag na pagpalya ng puso.
- Ang mas mataas na presyon sa iyong mga artery ay maaaring maging sanhi sa kanila na humina at magdugo, na nagreresulta sa isang stroke.
- Habang mas tumatanda ka, ang mga blood vessel ay maaaring manigas. Pinabibilis ng mataas na presyon ng dugo ang prosesong ito. Ang pinatigas o pinakipot na mga artery ay maaaring hindi magawang makapag-supply ng sapat na dugo sa lahat ng bahagi ng iyong katawan.
- Ang mataas na presyon ng dugo ay maaaring humantong sa atherosclerosis, kung saan ang mga deposito ng cholesterol, matatabang sustansya, at mga blood cell ay binabarahan ang artery. Ang atherosclerosis ay ang nangungunang sanhi ng mga atake sa puso. Maaari rin itong maging sanhi ng mga stroke.
- Ang iyong mga bato, utak, at mga mata ay maaari rin mapinsala.
Maaaring kailanganin mo ng paggagamot para sa mataas na presyon ng dugo sa nalalabi ng iyong buhay. Gayunman, ang wastong paggagamot ay makokontrol ang presyon ng iyong dugo at makakatulong maiwasan ang sakit sa puso, atake sa puso, o stroke. Maaari rin itong makatulong maiwasan ang mga pangmatagalang problema sa kalusugan, tulad ng pagpalya ng puso, pagpalya ng bato, pagkabulag, at demensya.
Kung mayroon ka nang ilang komplikasyon, tulad ng mga problema sa paghinga o pananakit ng dibdib, ang pagpapababa ng presyon ng dugo ay maaaring gawing hindi gaanong malala ang mga problemang ito.
Ano ang sanhi?
Walang malinaw na mga sanhi ng essential hypertension. Gayunman, maraming bagay ang maaaring magpataas sa presyon ng dugo, tulad ng:
- Pagiging sobra sa timbang
- Paninigarilyo
- Pagkain ng diyeta na mataas sa asin
- Pag-inom ng maraming alkohol
Iba pang mahahalagang dahilan ay kabilang ang:
- Lahi. Ang mga African American ay mas malamang na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo.
- Kasarian. Ang mga lalake ay may mas mataas na tsansa na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo kaysa sa kababaihan hanggang sa edad na 55. Pagkatapos sa edad na 75, ang kababaihan ay mas malamang na magkakaroon ng mataas na presyon ng dugo kaysa sa kalalakihan.
- Pagmamana. Kung mayroon kang mga magulang na may mataas na presyon ng dugo, ikaw ay mas namimiligro.
- Edad. Mas tumatanda ka, mas malamang na magkakaroon ka ng mataas na presyon ng dugo.
At saka, ang ilang gamot ay nagpapataas sa presyon ng dugo.
Ang stress at pag-inom ng caffeine ay maaaring pansamantalang pataasin ang presyon ng dugo ngunit ito’y hindi malinaw na ang mga ito ay mayroong anumang pangmatagalang epekto sa presyon ng dugo.
Ano ang mga sintomas?
Maaari kang magkaroon ng mataas na presyon ng dugo sa mahabang panahon nang walang mga sintomas. Maaaring hindi mo mabatid sa paraan na nararamdaman mo na mataas ang presyon ng iyong dugo. Ang tanging paraan para malaman kung mataas ang presyon ng iyong dugo ay sukatin ito. Kaya mahalaga na maipa-check ang presyon ng iyong dugo nang kahit minsan sa isang taon.
Kapag ang mataas na presyon ng dugo ay nagiging sanhi ng mga sintomas, maaaring kabilang sa mga ito ang:
- Mga pananakit ng ulo
- Pagdurugo ng ilong
- Madaling mapagod
- Malabong paningin
- Pagkahilo
- Naliliyo
- Pakiramdam na nagkakarera ang iyong puso o tumitibok nang mabilis
- Kakapusan ng hininga
- Pananakit ng dibdib
- Mga problema sa memorya
- Inaantok sa araw
Papaano itong sinusuri?
Tinitingnan ang presyon ng dugo sa halos mga pagbisita ng healthcare. Ang mataas na presyon ng dugo ay kadalasang natutuklasan sa panahon ng isa sa mga pagbisitang ito. Kung mataas ang presyon ng iyong dugo, hihilingan ka na bumalik para sa mga follow-up na pagpapatingin. Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong personal at medikal na history ng pamilya at eeksaminin ka. Ang mga pagsusuri para maghanap ng posibleng sanhi ng mataas na presyon ng dugo ay maaaring kabilang ang:
- Mga pagsusuri sa ihi at dugo
- Isang X-ray sa dibdib
- Electrocardiogram (ECG), na sinusukat at nirerekord ang pintig ng iyong puso
Maaaring sabihan ka na gumamit ng portable na aparatong pansukat ng presyon-ng-dugo, na kukunin ang iyong presyon sa magkakaibang oras sa loob ng araw at gabi.
Papaano itong ginagamot?
Kung mataas sa borderline ang presyon ng iyong dugo, maaaring mapababa ito sa isang normal na antas nang walang gamot. Pagbabawas ng timbang, mga pagbabago sa iyong diyeta, at ehersisyo ay maaaring tanging paggagamot na kailangan mo.
Kung magbabago ang uri ng pamumuhay huwag babaan nang husto ang presyon ng iyong dugo, maaaring magreseta ng gamot ang iyong healthcare provider. Karamihan sa mga tao ay kailangang uminom ng 2 o higit pang gamot para pababain ang presyon ng kanilang dugo sa antas na malusog. Maaaring tumagal nang mangilan-ngilang linggo o buwan para mahanap ang pinakamagandang paggagamot para sa iyo.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Kung mayroon kang mataas na presyon ng dugo, may mga bagay na maaari mong gawin na ngayon para pangalagaan ang iyong sarili at para maiwasan ang mga problema sa hinaharap.
- Sundin ang iyong plano sa paggagamot at alamin kung papaanong inumin ang iyong mga gamot.
- Makipagtulungan sa iyong healthcare provider para malaman kung anong uri ng pamumuhay at mga gamot ang tama para sa iyo.
- Sundin ang mga direksyon na kasama ng iyong gamot, kabilang ang impormasyon tungkol sa pagkain o alkohol. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
- Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng iyong gamot at kung ano ang dapat mong gawin kung magkaroon ka ng mga side effect. Tanungin kung dapat mong iwasan ang ilang gamot na hindi inireseta.
- Mag-ingat sa mga gamot na hindi nirereseta o mga herbal na suplemento. Ang ilan ay maaaring magpataas sa presyon ng dugo. Ibinibilang dito ang mga pildoras na pangdiyeta, mga gamot sa sipon at pananakit, at mga pampataas ng enerhiya. Basahin ang mga label o tanungin ang iyong parmasiyotiko kung makakaapekto sa presyon ng dugo ang gamot o suplemento. Ang ilang ilegal na droga, tulad ng cocaine, ay maaari rin makaapekto sa presyon ng dugo.
- Suriin ang presyon ng iyong dugo (o ipasuri ito) na kasing dalas na ipinapayo ng iyong provider. Magtabi ng diary ng mga reading. Ang diary ay isa ring magandang lugar para isulat ang iyong ehersisyo, timbang, ginagamit na asin, mga uri ng pagkain na kinakain mo, at ang iyong mga nararamdaman. Makakatulong ito sa iyo na matutunan kung papaanong makakaapekto sa presyon ng iyong dugo ang mga bagay na ito. Dalhin ang iyong diary kapag magpapatingin ka sa iyong provider.
- Huwag manigarilyo.
- Kumain ng malusog na diyeta na mababa sa asin, saturated at trans fat, at cholesterol. Isama ang maraming prutas, gulay, at fat-free o low-fat na gatas at mga produkto ng gatas.
- Regular na mag-ehersisyo, ayon sa payo ng iyong healthcare provider. Bilang halimbawa, maaari kang maglakad, magbisekleta, o lumangoy nang kahit 30 minuto 3 hanggang 5 beses sa isang linggo.
- Limitahan ang dami ng alkohol na iinumin mo. Ang banayad na pag-inom ay hanggang 1 inom kada araw para sa kababaihan at hanggang 2 inom para sa kalalakihan.
- Magbawas ng timbang kung kailangan mo.
- Subukang mabawasan ang iyong stress sa iyong buhay o alamin kung papaanong mas mabuting mangasiwa sa mga sitwasyon na nagpapabalisa sa iyo.
- Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
- Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Papaano akong makakatulong maiwasan ang mataas na presyon ng dugo?
Makakatulong kang iwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng malusog-sa-pusong uri ng pamumuhay:
- Kumain ng malusog na diyeta at magpanatili ng malusog na timbang.
- Manatiling malusog sa pamamagitan ng tamang klase ng ehersisyo para sa iyo.
- Bawasan ang stress.
- Huwag manigarilyo.
- Limitahan ang paggamit ng alcoho.
Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa iyong personal at pamilyang medikal na history at ang iyong mga nakagawiang uri ng pamumuhay. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang magagawa mo para mapababa ang iyong peligro sa mataas na presyon ng dugo.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.