Page header image

Hika na Nahihikayat-ng-Ehersisyo

(Exercise-Induced Asthma)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Ang hikang naimpluwensyahan ng ehersisyo ay isang anyo ng hika na nagiging sanhi ng paghingang may tunog, pag-uubo, kakapusan ng hininga, at paninikip ng dipbdib sa panahon o pagkatapos ng pisikal na aktibidad.
  • Ang hikang naimpluwensyahan ng ehersisyo ay maaaring matagumpay na magamot sa pamamagitan ng pangmatagalang pagkontrol sa mga gamot at mga gamot na pangmabilisang lunas (pansagip).
  • Para makatulong maiwasan ang hikang naimpluwensyahan ng ehersisyo, alamin kung ano ang nagpapasimula ng iyong hika. Ang pagsusuot ng pantakip sa mukha o scarf kapag mag-e-ehersisyo ka ay maaaring tulungan kang maprotektahan ka sa sipon, tuyong hangin, polusyon sa hangin, alikabok, o pollen. Ang pag-eehersisyo na pangpainit bago ang isang ehersisyo ay maaaring makatulong maiwasan ang isang atake ng hika.

________________________________________________________________________

Ano ang hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo?

Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Nagsasanhi ito ng paghinga nang may tunog, pag-uubo, kakapusan sa paghinga, at paninikip ng dibdib. Ang hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo ay isang anyo ng hika na nagsasanhi ng mga problema habang o pagkatapos ng pisikal na aktibidad.

Ano ang sanhi?

Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.

  • Ang isang problema ay ang mga kalamnan sa mga daluyan ng hangin ay sumisikip, na nagsasanhi ng pakiramdam ng paninikip ng dibdib at paghinga nang may tunog.
  • Ang iba pang problema ay pamamaga, iritasyon at sobrang plema sa mga daluyan ng hangin.

Kung ikaw ay may hika, ang mga sintomas ay kadalasang nagsisimula pagkatapos na malantad ka sa isang magpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:

  • Ehersisyo (na tinatawag na hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo)
  • Mga allergy, tulad ng alikabok, polen, amag, o balahibo ng hayop
  • Isang bagay na nakapag-iirita ng iyong mga baga, tulad ng malamig na hangin, usok, o matatapang na amoy tulad ng pintura o pabango
  • Mga gamot tulad ng aspirin o mga NSAID
  • Isang impeksyon tulad ng sipon, ang trangkaso, o isang impeksyon sa sinus
  • Matitinding emosyon o stress
  • Impatso, tinatawag din na gastroesophageal reflux disease, o GERD. Kung madalas kang nagkakaproblema sa impatso sa asido maaari kang magkaroon ng mas maraming sintomas ng hika, lalo na sa gabi.

Sa hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo, maaaring mangyari ito:

  • Habang o pagkatapos ng pisikal na aktibidad at kapag mahirap, mabigat, o mabilis ang paghinga
  • Kapag malamig ang hangin
  • Kapag napakababa o napakataas ng kahalumigmigan
  • Kapag mayroong maraming polusyon sa hangin
  • Kapag maraming allergen sa hangin

Sa karamihan ng tao, ang mga sport na pangtaglamig tulad ng cross-country skiing o pagbibisikleta sa malamig na hangin ay maaaring magsanhi sa mga sintomas.

Ano ang mga sintomas?

Kasama sa mga sintomas ng hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo ang:

  • Paghinga nang may tunog
  • Pag-ubo
  • Kakapusan ng hininga
  • Paninikip ng dibdib
  • Kapaguran

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa mga problema sa paghinga habang o pagkatapos ng ehersisyo. Maaaring sabihan ka niya na tumakbo sa isang treadmill para malaman kung humihinga ka nang may tunog pagkatapos ng ehersisyo.

Maaari kang magsagawa ng espesyal na mga pagsusuri sa paghinga bago at pagkatapos ng ehersisyo. Sinusukat ng mga pagsusuring ito kung gaaano kabilis kang magpalabas ng hangin sa isang paghinga.

Paano itong ginagamot?

Ang hika na naimpluwensyan ng ehersisyo ay maaaring matagumpay na magamot sa pamamagitan ng gamot. Dalawang uri ng gamot sa hika ang maaaaring gamitin.

  • Ang mga gamot na pangmatagalan na pangkontrol, ay tinatawag din na mga gamot na controller. Sa pag-inom sa gamot na ito nang regular sa araw-araw, nakakatulong ito na kontrolin ang iyong mga sintomas. Iinumin mo ang mga gamot na ito araw-araw, kahit na hindi ka nagkakaroon ng mga sintomas. Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng mabilis na kaginhawahan sa paghinga nang may tunog sa malalalang atake ng hika.
  • Mga gamot na mabilis-na-panglunas, tinatawag din na reliever, o mga gamot na pangligtas. Ginagamit ang mga gamot na ito kung kinakailangan para gamutin ang mga atake ng hikang naimpluwensyahan ng ehersisyo. Hindi ginagamit ang mga ito sa batayang regular, pang-araw-araw para mapigilan ang mga sintomas ng hika. Mabilis na gumagana ang isang mabilis na pangpaginhawang inhaler para mapahinga ang mga kalamnan ng mga daluyan ng hangin. Ang ganitong klase ng gamot ay kadalasang ibinibigay nang 15 hanggang 30 minuto bago mag-ehersisyo. Maaari nitong mapigilan ang mga sintomas sa mga tao na may hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Alamin kung ano ang mga nagpapasimula sa iyong hika. Ang ilang tao ay nagkakaroon ng karamihan sa sintomas kapag aktibo sila sa malamig, tuyong hangin. Sa panahon ng winter, maaaring kailanganin mong mag-ehersisyo sa loob ng bahay, o magsuot ng takip sa mukha kapag mag-eehersisyo sa labas. Ang pagsusuot ng takip sa mukha o bandana ay nagpapainit sa hangin bago mo ito malanghap. Maaaring kailanganin mo rin maging may kamalayan sa mga nakapagpapasimula tulad ng polusyon sa hangin, alikabok, o pollen.

Ang pag-eehersisyo na pangpainit bago ang isang ehersisyo ay maaaring makatulong maiwasan ang isang atake ng hika.

Marami sa tao, kabilang ang matatagumpay na atleta, ay may hika na naimpluwensyahan ng ehersisyo. Maaari kang manatiling malusog at malakas ang katawan sa wastong edukasyon at paggamit ng gamot.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-06-14
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image