________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang lagnet ay kapag ang temperatura ng iyong katawan ay mas mataas sa normal para sa iyo.
- Maaaring kabilang sa paggagamot ang hindi nakaresetang gamot para mapababa ang iyong temperatura, makapagpahinga, uminom nang maraming likido, at huwag magbalot sa mga kumot.
- Maaaring kailanganin mong magpatingin sa iyong provider kung mayroon kang ibang sintomas, o kung hindi ka bumubuti pagkatapos ng ilang araw.
________________________________________________________________________
Ano ang lagnat?
Ang lagnat ay isang temperatura ng katawan na 1 o higit pang degrees na mas mataas kaysa sa normal na temperatura.
Ang normal na temperatura ng katawan ay nag-iiba-iba sa bawat tao. Ang isang oral na temperature na 97 hanggang 99 degrees F, o 36.1 hanggang 37.2 degrees C, ay kadalasang itinuturing na normal. Ang normal na temperatura ay nag-iiba-iba rin sa:
- Edad
- Oras ng araw
- Ang bahagi ng katawan kung saan ito sinukat
Ang ehersisyo, gamot, at kahit na ang kasabikan ay ibang bagay na makakaapekto sa iyong temperatura.
Ang iba’t ibang klase ng mga thermometer ay magagamit para masukat ang iyong temperatura sa iba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Bilang halimbawa, may mga thermometer na sinusukat ang temperatura sa bibig, tainga, kili-kili, o puwit o sa noo. Ang mga temperatura na sinukat sa iba’t ibang bahagi ay maaaring iba nang isa’t kalahati hanggang sa 1 degree.
Ano ang nagiging sanhi ng lagnat?
Ang lagnat ay isang sintomas, hindi isang sakit. Maaaring isang babala ito na nilalabanan ng iyong katawan ang isang impeksyon, tulad ng impeksyon sa tainga o ang trangkaso. Ang lagnat ay maaaring isa rin sintomas ng iba pang problemang medikal, at kadalasan ay magkakaroon ka rin ng iba pang sintomas. Minsan ang sanhi ng isang lagnat ay maaaring hindi malalaman.
Papaano itong ginagamot?
- Hindi lahat ng lagnat ay nangangahulugan na kailangan mong magpatingin sa iyong healthcare provider para sa paggagamot.
- Maaari kang uminom ng gamot na hindi inireseta, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, naproxen, o aspirin, para pababain ang iyong temperatura. Uminom ng gamot ayon sa mga direksyon na nasa pakete o sundin ang mga tagubilin ng iyong provider. Maaaring kailanganin mong uminom nang higit sa 1 dosis bago ka maginhawahan. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
- Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
- Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.
Kung may hika ka, tanungin ang iyong healthcare provider kung OK na uminom ng NSAID.
Ang mga gamot ay kadalasang nagsisimulang pababain ang iyong lagnat sa loob ng 1 hanggang 2 oras. Tingnan ang iyong temperatura para makita kung gumagana ang gamot. Maaaring kailanganin mong patuloy na inumin ang gamot ayon sa mga direksyon hanggang sa matapos ang takdang panahon ng sakit.
Subaybayan ang mga dosis ng iyong gamot. Isulat ang pangalan ng gamot at kung kailan mo ininom ang bawat dosis. Ito ay lalong mahalaga kung umiinom ka ng higit sa 1 gamot.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Narito ang ilang bagay na magagawa mo para matulungan ang iyong sarili na mas gumanda ang pakiramdam kapag mayroon kang lagnat:
- Magpahinga nang husto.
- Uminom ng maraming likido, lalo na ang tubig, maliban kung nasabihan kang limitahan ang mga likido.
- Magdamit nang magaan, komportableng kasuutan. Huwag magbalabal ng mga kumot.
- Panatilihing malamig ang kuwarto ngunit malamig na hindi nakagiginhawa.
- Maligo o isponghangan ang iyong sarili ng maligamgam na tubig.
Tawagin ang iyong healthcare provider kung:
- Lumalala ang iyong mga sintomas kahit na umiinom ka ng gamot para pababain ang iyong lagnat.
- Mayroon kang malalalang sintomas bilang karagdagan sa lagnay, tulad ng matinding pananakit (sakit ng ulo, panankit ng dibdib, o pananakit ng tiyan) o isang pantal.
- Mayroon kang mga sintomas na ginagawa nitong mahirap gamutin ang lagnat, tulad ng pagsusuka na ginagawa nitong mahirap na pababain ang gamot o mga likido.
- Parati kang nagkakaroon ng mga sintomas nang higit sa 1 o 2 araw, o hindi ka bumubuti pagkatapos ng ilang araw.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.