Page header image

Glaucoma

(Glaucoma)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang glaucoma ay isang sakit sa mata na napipinsala ang nerve na nagdadala ng mensahe mula mata papunta sa utak. Ito ay kadalasang sanhi ng mataas na presyon sa loob ng mata. Ang likido sa harap ng mata ay patuloy na dumadaloy mula sa lugar kung saan ito namuo papunta sa mga drainage channel, at pagkatapos ay muling nasipsip ng katawan.
  • Sa open-angle glaucoma, dahang-dahang tumutulo ang likido, na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyon sa mata. Sa angle-closure glaucoma, ang likido ay hindi tumtulo mula sa mata.
  • Ang layunin ng paggagamot ay para mabawasan ang presyon sa iyong mga mata at mabawasan ang pinsala sa optic nerve. Puwede itong gawin sa pamamagitan ng eye drops, pildoras, laser surgery, o iba pang uri surgery. Ang ilan sa mga panggagamot na ito ay nababawasan ang dami ng likido na ginagawa ng iyong mga mata. Ang ibang paggagamot ay mas mainam na pinatutuloy ang likido mula sa mata.

________________________________________________________________________

Ano ang glaucoma?

Ang glaucoma ay isang sakit sa mata na napipinsala ang nerve na nagdadala ng mga biswal na mensahe sa utak (optic nerve). Ito ay kadalasang sanhi ng mataas na presyon sa loob ng mata. Ang pinsala sa optic nerve ay maaaring magdulot ng permanenteng pagkawala ng paningin. Ang glaucoma ay kinakailangang masuri at magamot nang maaga para maiwasan ang pagkabulag.

Karaniwan, ang likido sa harap ng mata ay palaging dumadaloy mula kung saan ito nabuo (ang ciliary body) papunta sa harap ng mata. Binibigyang sustansiya ng likidong ito ang iyong mata at tumutulong na panatilihin ang hugis nito. Ang bahagi sa pagitan ng iris (may kulay na bahagi ng mata) at ng cornea (ang malinaw na panlabas na sapin na nasa harap ng mata) ay tinatawag na angle. Ang likido ay tumutulo palabas sa angle, papunta sa mga channel ng paagusan, at pagkatapos ay muling sinisipsip ng katawan. Kapag masyadong mabagal dumaloy ang likido, nabubuo ang presyon sa mata.

Ano ang sanhi?

May 2 pangunahing klase ng glaucoma:

Sa open-angle glaucoma, dahang-dahang tumutulo ang likido, na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyon sa mata. Nangyayari ito kahit na ang drainage channel para sa likido ay tila nakabukas. Ang isang uri ng open-angle glaucoma ay sanhi ng pinsala sa mata. Sa karamihan ng kaso ng open-angle galucoma, ang angle sa pagitan ng iris at cornea ay barado at makitid.

Sa angle-closure glaucoma, ang anggulo sa pagitan ng iris at ng cornea ay nahaharangan o kumikipot. Kapag nangyayari ito, hindi nakakatulo ang likido mula sa mata. Ito ay maaaring maging sanhi ng pamumuo ng presyon. Mangyayari ito kung ang pupil ay masyadong malaki, na nagsasanhi sa iris na “magbungkos,” o kung “masiksik” ng lens ang iris at nagiging sanhi ito para kumurbang pasulong at sumara ang angle. Kapang ang ganitong uri ng galucoma ay biglang mangyari, ito ay tinatawag na acute angle-closure galucoma at isa itong medikal na emergency.

Ang glaucoma ay malamang na tumakbo sa mga pamilya at mas karaniwan sa mga taong higit sa edad na 60.

Ano ang mga sintomas?

Ang open-angle at iba pang anyo ng glaucoma ay kadalasang dahan-dahan at walang mga sintomas sa maaagang yugto. Sa mga mas huling yugto, magsisimulang mapansin mo ang pagkawala ng paningin, simula sa iyong paningin sa gilid.

Ang mga sintomas ng acute angle-closure glaucoma ay maaaring may kasamang:

  • Sobrang sakit sa mata
  • Nakakakita ng mga halo sa paligid ng mga ilaw
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng paningin

Papaano itong sinusuri?

Ang iyong care provider sa mata ay maaaring:

  • Sukatin ang presyon sa iyong mga mata at ang kapal ng iyong cornea.
  • Suriin ang mga pagbabago sa iyong paningin sa gilid na sanhi ng pinsala sa optic nerve.
  • Tingnan ang optic nerve sa loob ng iyong mata
  • Siyasatin ang mga channel ng paagusan gamit ang isang espesyal na mga mirrored lens

Papaano itong ginagamot?

Ang layunin ng paggagamot ay para mabawasan ang presyon sa iyong mga mata at mabawasan ang pinsala sa optic nerve. Puwede itong gawin sa pamamagitan ng eye drops, pildoras, laser surgery, o iba pang uri surgery. Ang ilan sa mga panggagamot na ito ay nababawasan ang dami ng likido na ginagawa ng iyong mga mata. Ang ibang paggagamot ay mas mainam na pinatutuloy ang likido mula sa mata.

Kung nireresetahan ka ng iyong healthcare provider ng gamot para kontrolin ang presyon, maaaring kailangan mong inumin ito hanggang sa nalalabi ng iyong buhay.

Ang paghitit ng marijuana ay HINDI isang epektibong paggagamot para sa glaucoma.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

  • Maingat na sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider para sa mga follow-up na eksaminasyon.
  • Gamitin ang iyong gamot tulad ng inuutos. Kung mahirap para sa iyo na gamitin nang wasto ang gamot, ipaalam sa iyong provider. Ang ibang paggagamot ay maaaring mas mainam na gumana para sa iyo.
  • Agad na magpatingin sa iyong provider sa pangangalaga ng mata kung mapansin mo ang anumang pagbabago sa iyong paningin.

Papaano akong makakatulong iwasan ang glaucoma?

Ang glaucoma ay hindi naiiwasan. Gayunman, ang pagkabulag ay maaaring iwasan kung nagagamot ang glaucoma bago sobrang mapinsala ng presyon sa mata ang optic nerve. Alamin ang tungkol sa history ng iyong pamilya. Ang chronic open-angle glaucoma ay kadalasang namamana sa mga pamilya.

Maaaring magawa mong tumulong maiwasan ang glaucoma na lumala kung magpapasuri ka ng mata nang kasing dalas tulad ng inirerekumenda ng iyong care provider sa mata. Dapat kasama sa mga pagsusuri ang pagsukat sa presyon sa iyong mata at pagsuri sa iyong optic nerve at visual field.

Narepaso para sa medikal na katumpakan ayon sa faculty sa Wilmer Eye Institute sa Johns Hopkins. Web site: http://www.hopkinsmedicine.org/wilmer/
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-12-28
Huling narepaso: 2016-10-31
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image