______________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang dalamhati ay isang emosyonal na reaksyon na kasunod ng pagkawala ng isang tao o isang bagay na mahalaga sa sarili.
- Magkakaroon ka ng sari-saring matitinding pakiramdam habang nilulutas mo ang iyong dalamhati, at ito ay maaaring tumagal ng ilang buwan.
- Makabubuting ipagpaliban ang malalaking desisyon at mga pagbabago sa buhay (gaya ng pagbenta ng iyong tahanan at paglipat).
- Kumuha ng suporta sa pamilya at mga kaibigan. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar.
______________________________________________________________________
Ano ang dalamhati?
Ang dalamhati ay isang emosyonal na reaksyon na kasunod ng pagkawala ng isang tao o isang bagay na mahalaga sa sarili. Ang dalamhati ay isang likas na tugon sa pagkawala.
Ang anumang pagkawala ay maaaring maging sanhi ng dalamhati. Kamatayan ang pinakakaraniwang sanhi, ngunit may marami pang iba. Mga pagkawala tulad ng diborsyo, pagkawala ng trabaho, pagkawala ng alagang hayop, o isang anak na lumipat ay lahat ay maaaring magresulta sa dalamhati. Sunog at mga likas na sakuna ay maaaring maging sanhi rin ng mga teribleng pagkawala. Paminsan-minsan ang mga tao ay natatakot na hindi sila dapat makaramdam katulad ng nararamdaman nila kapag nagdadalamhati sila.
Minsan ang dalamhati ay maaaring maging klinikal na depresyon. Hindi mo dapat subukang daigin ang klinikal na depresyon sa pamamagitan ng iyong sarili. Ang depresyon ay maaaring matagumpay na magamot sa pamamagitan ng therapy, mga gamot na antidepressant, o pareho.
Ano ang mga senyales ng dalamhati?
Ang mga sumusunod na senyales ay karaniwan lahat at normal sa dalamhati:
- Pagkaramdam ng pagkabigla at di-makapaniwala
- Pagkaramdam walang-magawa, natatakot, o galit
- Pakiramdam ay guilty tungkol sa mga bagay na ginawa mo o hindi mo ginawa bago ang pagkawala
- Pakiramdam na parang ikaw na dapat ang namatay
- Iniisip na naririnig o nakikita mo ang taong namatay
- Sobra o kakaunting matulog
- Nahihirapang magpokus sa mga gawain
- Pagkakaroon ng mga sintomas gaya ng sakit ng ulo, pagkahilo, o pagod
- Hindi gustong kumain, mag-ehersisyo, o makihalubilo sa mga tao
Mayroong 4 na gawain ng dalamhati na pinagdaraanan ng karamihan sa tao kapag nagluluksa sa pagkamatay ng minamahal. Ang mga ito ay:
- Tanggapin ang katotohanan ng pagkawala. Nangangahulugan ito na nalalaman na hindi na nabubuhay ang iyong minamahal at hindi na maaaring maging bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay.
- Lutasin ang kalungkutan ng dalamhati. Magkakaroon ka ng sari-saring matitinding pakiramdam habang nilulutas mo ang iyong dalamhati. Ang ilan sa mga ito ay maaaring hindi kaaya-aya, ngunit pahintulutan ang iyong sarili na maramdaman pa rin ang mga ito. Ito'y OK na umiyak, at OK din na tumawa kapag naalala mo ang magagandang panahon kasama ng iyong minamahal.
- Itama sa isang naiibang realidad. Ito ang panahon para humarap sa mga pagbabago na darating bilang resulta ng pagkamatay. Maaaring kailangan mong tumanggap ng mga bagong gawain, gawin ang mga bagay sa ibang paraan, o isuko ang ilang aktibidad. Simula mong nakikita ang epekto ng pagkamatay sa iyo sa iyong pang-araw-araw na buhay.
- Magpatuloy sa buhay. Ito ang panahon para luwagan ang iyong mga kaugnayan sa taong namatay, matiwasay na ilagay ang mga ito sa iyong memorya, at simulan muling mamuhunan ng iyong panahon at lakas sa nabubuhay.
Ang mga gawain na ito ay maaaring hindi mangyari sa ganitong eksaktong ayos. Ito ay normal. Huwag husgahan ang iyong sarili nang masama sa pangangailangan ng panahon bago ka “magpatuloy sa iyong buhay.”
Ang dalamhati ay hindi minamadali. Ang dalamhati ay tumatagal lamang nang ilaw araw, o maaari itong tumagal nang maraming buwan. Ang dalamhati ay maaaring bumalik sa panahon ng mga holiday, o sa anibersaryo ng pakamatay o kaarawan ng iyong minamahal. Subukang magtuon sa magagandang panahon na nagsama kayo kaysa sa iyong pagkawala. Nakakatulong na gumugol ng panahon sa mga kaibigan o pamilya kapag pakiramdam mo'y nag-iisa at nalulungkot. Maawa sa iyong sarili.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
May mga paraan para matulungan ang iyong sarili na pangasiwaan ang dalamhati at pagkawala. Kabilang sa mga ito ang:
- Pag-iyak. Ang ilang tao ay natatakot na kung magsisimula silang umiyak, hindi na nila magagawang tumigil. Hindi ito totoo. Ang pinakamagandang bagay na magagawa mo sa iyong dalamhati ay umiyak at pag-usapan ito.
- Ipagpaliban ang malalaking desisyon o nagbabago ang buhay (tulad ng pagbebenta ng iyong bahay at paglipat) hanggang sa bumalik ang iyong pagpapasiya at perspektibo.
- Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Sabihin sa iyong mga kaibigan na okay lang na pag-usapan ang tungkol sa iyong pagkawala at ipaalam sa iyo na nag-aalala sila. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar. Ang mga grupo ng suporta sa dalamhati ay sobrang nakakatulong.
- Igalang lahat ng iyong damdamin. Huwag sabihin sa iyong sarili o hayaang may ibang magsabi sa iyo kung ano ang dapat mong madama o kung kailan ang oras para "mag-move on" o "kalimutan ito." Ayos lang na magalit, umiyak, at bumitaw kapag pakiramdam mo na handa ka na.
- Ipahayag ang iyong damdamin sa isang malikhaing paraan. Isulat sa journal ang iyong kalungkutan o sa isang liham ang mga bagay na hindi mo nasabi. Baka gusto mong gumawa ng photo album o scrapbook bilang paraan ng paglutas mo sa iyong damdamin.
- Alamin kung papaanong pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Maghanap ng mga paraan para magpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng sine, o maglakadlakad. Subukan ang malalalim na ehersisyo sa paghinga kapag nai-stress ka.
- Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Iwasan ang mga alcohol at droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
- Patiunang maghanda para sa mga bagay na maaaring magpasimula ng pamimighati. Ang mga holiday, anibersaryo, at mahahalagang pangyayari na magbabalik ng alala at kalungkutan. Makipag-usap sa mga kaibigan, kamag-anak, o isang mental health therapist kung maging masyadong mahirap. Tanungin ang iyong healthcare provider o therapist kung anong mga sintomas o problema ang dapat mong bantayan at kung ano ang gagawin kung mayroon ka ng mga ito.
Kumuha ng pang-emergency na pangangalaga kung ikaw ay may malalang iniisip na pagpapakamatay o pananakit sa sarili, kaharasan, o pananakit sa iba.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.