Bakit mahalaga ang paghuhugas ng kamay?
Ang paghuhugas ng mga kamay ay tinatanggal ang bacteria at mga virus na maaaring maging sanhi ng impeksyon. Ang bacteria at mga virus ay maaaring mabuhay sa anumang pang-ibabaw, tulad ng kagamitan, mga laruan, muwebles at mga sahig. Maaari rin mabuhay ang mga ito sa ating balat at sa mga likido ng ating katawan. Ang ilang bacteria ay malusog, normal na bahagi ng ating mga katawan. Ang ibang bacteria at mga virus ay maaaring maging sanhi ng mga impeksyon. Ang ilang impeksyon ay maaaring mahirap gamutin. Nakakatulong ang paghuhugas ng kamay na maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon sa ating sarili at sa ibang tao.
Kung wala kang sabon at tubig, maaari mong linisin ang iyong kamay sa pamamagitan ng pagpunas nang mabuti sa mga ito sa pamamagitan ng alcohol-based, gel na panlinis ng kamay (hand sanitizer).
Kailan ako kailangang maghugas ng mga kamay?
Ang paghuhugas ng kamay ay mahalaga sa bahay, sa paaralan, sa trabaho, at sa iba pang pampublikong lugar. Ito’y lalong mahalaga sa mga pasilidad ng healthcare, tulad ng mga opisina ng healthcare provider, mga ospital at mga nursing home.
Hugasan ang iyong mga kamay bago ka:
- Maghanda ng pagkain, kumain, o uminom
- Magbigay o uminom ng gamot o maglagay ng anumang bagay sa loob ng iyong bibig o bibig ng iba pang tao
- Maglagay ng anumang bagay sa iyong mga mata, tulad ng mga contact lens o mga pampatak sa mata
- Mag-alaga ng iba pang tao, tulad ng pagpapalit ng mga lampin, pagbibigay ng gamot, o paglilinis ng sugat
Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos kang:
- Umubo, bumahing, o suminga
- Magbanyo
- Humawak sa anumang pampublikong pang-ibabaw, tulad ng mga doorknob, barandilya, telepono, pera, pindutan ng elevator, at mga cart ng grocery
- Humawak ng basura, hilaw na pagkain, o mga hayop
- Mag-alaga ng iba pang tao, tulad ng pagpapalit ng mga lampin, pagbibigay ng gamot, o paglilinis ng sugat
Kung tinutulungan mo ang isang taong may sakit o humahawak ng maruruming bagay, maaaring kailanganin mong magsuot ng mga guwantes. Ito'y lalong mahalaga kung ikaw ay malalantad sa:
- Dugo o ibang likido ng katawan, tulad ng dura, mucus, at ihi
- Mga paghapdi o pantal
- Kagamitan na maaaring nakuntamina
Kung gumagamit ka ng mga guwantes, hugasan ang iyong mga kamay at patuyuin ang mga ito nang mabuti bago mo isuot ang mga guwantes. Muling hugasan at patuyuin ang iyong mga kamay pagktapos mong tanggalin ang mga guwantes (sakaling may isang butas o punit sa mga guwantes).
Papaano kong huhugasan aking mga kamay?
- Basain ang iyong mga kamay sa tumutulong tubig at maglagay ng sabon.
- Magkasamang kuskusin ang iyong mga kamay para makagawa ng magandang bula. Kuskusin ang mga likod ng iyong mga kamay, sa pagitan ng iyong mga daliri, at sa ilalim ng kuko ng iyong mga daliri.
- Patuloy na magkasamang kuskusin ang iyong mga kamay nang hanggang 20 segundo. Ang dalawampung segundo ay halos kasing haba para kantahin ang kantang “Happy Birthday” o ang kantang “ABC”.
- Banlawan ang lahat ng sabon sa iyong mga kamay sa tumutulong tubig.
- Patuyuin ang iyong mga kamay gamit ang paper towel o air dryer. Kung posible, gamit ang iyong paper towel para isara ang gripo. Gamitin din ito para buksan ang pinto kung ikaw ay nasa isang pampublikong palikuran.
Papaano kong gagamitin ang isang hand sanitizer?
Ang mga hand sanitizer ay hindi nagtatanggal ng dumi o iba pang bagay na nasa mga kamay, ngunit tumutulong ang mga ito na patayin ang mga mikrobyo. Ang mga hand sanitizer ay dapat hindi bababa sa 60% alkohol upang makagawa ng magandang trabaho sa pagpatay sa mga mikrobyo. Karamihan sa klase ng mga hand sanitizer ay mabibili sa iyong lokal na grocery o mga botika. Mabibili ang mga ito bilang gels, foams, o mga likido. Para gamitin ang mga ito dapat mong:
- Ilagay ang sanitizer sa palad ng isang kamay.
- Magkasamang kuskusin ang iyong mga kamay.
- Ikuskos ang sanitizer sa lahat ng pang-ibabaw ng iyong mga kamay at daliri.
- Hayaang matuyo sa hangin ang sanitizer bago ka humawak ng anupamang bagay.
- Palaging basahin ang label para sa karagdagang mga pagtuturo.
Para sa higit na impormasyon sa paghugas ng kamay, tingnan ang: http://www.cdc.gov/Features/HandHygiene.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.