Page header image

Pinsala sa Ulo

(Head Injury)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang isang pinsala sa ulo ay anumang pinsala na nasasaktan ang anit, bungo, o utak. Ang ilang pinsala ay maaaring maging sanhi ng banayad kirot ngunit walang nagtatagal na mga problema. Ang ibang mga pinsala ay maaring makapinsal sa utak maging sanhi ng permanenteng kapansanan o kamatayan.
  • Ang mga sintomas ng pinsala sa ulo ay maaaring hindi lumabas sa loob ng 2 hanggang 3 araw. Kung nag-aalala ka na maaari kang nakaranas ng malalang pinsala sa ulo o ng pagkaalog sa utak, kontakin ang iyong healthcare provider o pumunta sa pinakamalapit na departamento ng emergency para masuri.
  • Tanungin ang iyong provider kung mayroong mga aktibidad ang dapat mong iwasan at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na mga aktibidad. Siguraduhin na alam mo kung ano ang mga sintomas o problema na dapat mong bantayan at kung ano ang gagawin kung mayroon ka nito.

________________________________________________________________________

Ano ang pinsala sa ulo?

Ang isang pinsala sa ulo ay anumang pinsala na nasasaktan ang anit, bungo, o utak. Ang ilang pinsala ay maaaring maging sanhi ng banayad kirot ngunit walang nagtatagal na mga problema. Ang iba pang pinsala ay maaaring napakalala. Ang ilang pinsala sa ulo ay maaaring maging sanhi ng pagkaalog ng utak, na isang pinsala sa utak. Ang mga pinsala ay maaaring banayad hanggang sa malala. Ang malalalang pinsala sa ulo ay maaaring maging sanhi ng permanenteng disabilidad o pagkamatay.

Ano ang sanhi?

Ang pinsala sa ulo ay maaaring mangyari sa iba’t ibang paraan:

  • Kapag bumagsak ka at tumama ang ulo
  • Kapag nauntog ang iyong ulo sa isang bagay, tulad ng pinto ng paminggalan o isang windshield sa isang aksidente sa kotse
  • Kapag tinamaan ka sa ulo ng isang bagay, tulad ng bato o ng bola
  • Kapag pumalo-palo ang iyong ulo at matinding naalog ang iyong utak, tulad sa isang aksidente sa kotse

Ang mga karaniwang sanhi ng mga pinsala sa ulo ay mga aksidente sa kotse o motorsiklo, aksidente sa bisikleta, mga aktibidad sa sports, at mga pagbagsak.

Ano ang mga sintomas?

Kahit ang isang maliit na pinsala sa ulo ay maaaring medyo masakit. Ang ulo ay maraming supply ng dugo. Ang maliliit na galos sa mukha o anit ay maaaring magdugo nang sobra. Maaari kang magkaroon ng malaking bahaging namamaga kung saan kinokolekta ang dugo sa ilalim ng balat. Ang bahagi ay maaaring magpasa at magbago ang mga kulay sa isa o dalawang linggo.

Bilang karagdagan sa sakit, maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pagkawala ng malay
  • Kalituhan o kahirapan sa pag-iisip nang malalim
  • Pagkaantok
  • Pagkahilo, panghihina, o kawalan ng balanse
  • Malabong paningin o pagkasensitibo sa ilaw
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Mga atake

Ang mga sintomas ng pinsala sa ulo ay maaaring hindi lumabas sa loob ng 2 hanggang 3 araw. Kung nag-aalala ka na maaari kang nakaranas ng malalang pinsala sa ulo o ng pagkaalog sa utak, kontakin ang iyong healthcare provider o pumunta sa pinakamalapit na departamento ng emergency para masuri.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa kung papaano kang nagkasugat sa ulo at susuriin ka. Ang iyong provider ay magsasagawa ng mangilan-ngilang klase ng pagsusuri. Ang isa sa mga pagsusuring iyon ay susuriin ang iyong kakayanan na mag-isip at magsalita nang malinaw at sumunod sa mga direksyon. Ang isa pang pagsusuri ay susuriin ang iyong balanse, lakas, at mga reflex.

Ang ilang taong nagkaroon na ng pinsala sa ulo ay kakailanganin ng:

  • Isang CT scan, na isang serye ng mga X-ray na kinukunan sa magkakaibang anggulo at inaayos ng isang computer para ipakita ang mga cross section ng utak.
  • Isang MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para kumuha ng mga larawan mula sa magkakaibang anggulo para ipakita ang mga cross section ng utak.

Papaano itong ginagamot?

Walang sinuman na may posibleng malalang pinsala sa ulo o leeg ang dapat galawin. Dapat tumawag agad ng ambulansya. Kung sumasakit ang iyong leeg pagkatapos ng pinsala sa ulo, subukang huwag gumalaw hanggang sa masuri ka ng isang healthcare provider.

Kung may malalim o mahaba kang sugat sa iyong ulo, maaaring kailanganin mong tahiin. Maaaring kailanganin mo rin ng bakuna sa tetano, depende sa kung papaano ka napinsala at kung kailan ka huling nagpabakuna.

Para sa maliit na pinsala sa ulo, maaari kang uminom ng acetaminophen para sa sakit kung wala kang medikal na dahilan para hindi inumin ang gamot na ito. Huwag iinom ng aspirin o iba pang mga NSAID, tulad ng ibuprofen o naproxen, dahil maaaring palalain ng mga gamot na ito ang anumang pagdurugo. Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Basahing mabuti ang etiketa at inumin gaya nang inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. o iinumin ito nang mas matagal sa 10 araw. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.

Huwag umino ng alkohol o iinom ng anumang gamot na maaaring makapagpaantok o makapagpalito sa iyo (tulad ng mga narkotiko o mga sedative) maliban kung iniinom mo ang mga gamot na ito nang regular para sa iba pang medikal na problema. Ang mga epekto ng mga gamot na ito ay maaaring makalito sa mga senyales ng isang pagkaalog ng utak.

Kung ang pinsala ay nangyari habang naglalaro ka ng sports, huwag bumalik sa laro sa parehong araw ng pinsala. Tanungin ang iyong healthcare provider kung kailan ka makakabalik sa paglalaro ng sports.

Tanungin ang iyong healthcare provider:

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan mula sa pinsalang ito
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong iwasan ang isang pinsala sa ulo?

  • Magsuot ng helmet o kasuotang pangprotekta at sundin ang mga patakarang pangkaligtasan kapag maglalaro ka ng sports o gagawa ng matataas-na-peligrong aktibidad, tulad ng pag-akyat sa bato, skiing, pagbibisikleta, at snowboarding.
  • Palaging isuot ang seat belt kapag maglalakbay sa isang kotse.
  • Mag-ingat nang husto kapag maglalakad ka sa mga hindi pantay o madudulas na pang-ibabaw.
  • Sundin ang mga kasanayang pangkaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan at sa bahay, tulad kapag umaakyat ka ng hagdan.
  • Gawing ligtas ang mga sala. Bilang halimbawa, tanggalin ang mga nakatanggal na rug, magkabit ng mga barandilya sa hagdanan, at magkabit ng sapat na ilaw sa buong bahay.
  • Huwag magmamaneho o magpapatakbo ng makina kung umiinom ka ng alkohol o gumagamit ng mga droga.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2015-03-09
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image