Page header image

Herniated Disk

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang herniated disk ay kapag ang unan ng tissue sa pagitan ng mga buto ng iyong gulugod ay umuumbok sa lugar.
  • Ang herniated disk ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng physical therapy, isang brace, o paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.
  • Pagpapanatiling malakas ang iyong mga kalamnan at paggamit ng magandang postura ay maaaring makatulong maiwasan ang mga problema sa disk.

________________________________________________________________________

Ano ang isang herniated disk?

Ang herniated disk ay isang disk na umumbok sa wastong puwesto nito sa iyong leeg o likuran. Ang mga disk ay malagomang mga unan sa pagitan ng mga buto ng gulugod (vertabrae). Ang mga disk ay nagsisilbi bilang mga shock absorber sa pagitan ng bawat isa ng mga buto ng gulugod. Kapag umuumbok ang isang disk, maaaring dumiin ito sa mga kalapit na nerve at magdudulot ng pananakit at iba pang sintomas.

Paminsan-minsan ang isang herniated disk ay tinatawag na ruptured disk.

Ano ang sanhi?

Ang herniated disk ay kadalasang nagreresulta sa pagkasira sa paggamit sa gulugod habang mas tumatanda ka. Minsan ito'y nagiging sanhi ito ng pinsala. Mas malamang na maaari kang magkaroon ng herniated disk kung patuloy mong pupuwersahin ang iyong leeg o likod. Maaaring mangyari ito, bilang halimbawa, sa hindi paggamit ng wastong pamamaraan kapag magbubuhat, hahatak ka ng isang bagay na mabigat. Ang pagiging sobra sa timbang ay maaari rin maglagay ng dagdag na stress sa iyong likuran. Maaari ka rin maging nasa mas mataas na peligro para sa isang herniated disk kung:

  • Naninigarilyo ka.
  • Umuupo ka nang matagal nang walang suporta sa ibabang likuran.
  • Madalas kang gumagawa sa computer na laptop.
  • Madalas kang magmanaho--bilang halimbawa, ikaw ay isang nagmamaneho ng truck.

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ng herniated disk ay maaaring magsimula nang mabagal o nang biglaan. Kung saan ka mayroong mga sintomas ay dumidepende sa kung saan naroroon sa iyong gulugod ang herniated disk. Ang kadalsang kariniwang mga sintomas ay pamamanhid, pangingilabot, pananakit, o panghihina, sa iyong puwit, mga balikat, paa, o mga kamay.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history. Titingnan ng iyong provider ang iyong gulugod. Maaaring kabilang sa mga pagsusuri ang:

  • Mga pagsusuri sa paggalaw at mga pagkilos ng iyong mga kamay at paa
  • Mga X-ray o iba pang klase ng scan sa iyong gulugod
  • Electromyogram, na isang pagsusuri ng elektrikal na aktibidad sa iyong mga kalamnan

Papaano itong ginagamot?

Maaari irekumenda ng iyong healthcare provider ang:

  • Pahinga. Pinakamainam na piliting manatiling aktibo, kaya piliting huwag magpahinga sa kama nang mas mahaba sa 1 hanggang 2 araw o sa oras na inirerekumenda ng iyong provider.
  • Gamot. Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay maaaring makatulong mabawasan ang pananakit ng likod. Maaaring gamot ito na iinumin mo, o maaari kang bigyan ng iyong provider ng iniksyon ng steroid sa gulugod mo. Inumin ang lahat ng gamot gaya ng inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
  • Pisikal na therapy. Maaaring kasama nito ang masahe, traction (puwersang inaaplay sa iyong gulugod pata makatulong pawiin ang presyon sa iyong mga nerve), o iba pang paggagamot. Maaaring bigyan ka ng mga ehersisyo para makatulong palakasin ang iyong likod para hindi mo gaaanong mapinsala ito. Maaari mong matutunan kung papaanong protektahan ang iyong likod kapag ikaw ay nagtatrabaho o naglalaro ng sports.
  • Isang kwelyo sa leeg o brace sa likod. Ang pagsuot ng brace sa maikling panahon ay maaaring makatulong mapanatili ang iyong leeg sa tamang posisyon habang naghihilom ito.

Sa paggagamo, ang sakit ay dapat na mas bumubuti sa loob ng ilang linggo, ngunit maaaring patuloy kang magkakaroon ng ilang pananakit sa ilang buwan. Kung patuloy kang magkakaroon ng pananakit, maaaring bigyan ka ng iniksyon ng isang gamot na steroid. Kung magpapatuloy ang iyong mga sintomas, maaaring irekumenda ng iyong provider ang operasyon, ngunit kadalasa'y hindi kailangan ang operasyon.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para tulungang mapawi ang pananakit:

  • Uminom ng gamot sa pananakit ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
  • Maglagay ng bulsa de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay, na binalot sa isang basahan sa bahaging masakit tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan. Pagkatapos ng ilang araw, isang heating pad na nai-set sa mababa, o isang may takip na mainit na botelya ng tubig, ay maaari rin makatulong.

Palaging gumamit ng magandang postura para maiwasan ang presyon sa iyong gulugod.

  • Tumayo nang diretso na nasa likod ang iyong mga balikat at nakapasok ang iyong tiyan. Kung kailangan mong tumayo nang matagal, madalas na gumalaw-galaw at ilipat ang iyong timbang mula sa isang paa papunta sa isa pa. Kung maaari, itaas ang isang paa sa isang patungan ng paa na halos 6 hanggang 8 pulgada ang taas. Pananatilihin nitong diretso ang iyong likod at naglalagay ng kaunting presyon sa iyong gulugod.
  • Umupo sa mga silya na nagbibigay ng magandang suporta sa iyong ibabang likuran. Panatilihing pantay ang iyong mga paa sa sahig o nakataas sa isang patungan ng paa. Tumayo tuwing 20 minuto o higit pa at mag-unat.

Kapag kailangan mong magbuhat ng isang mabigat na bagay, huwag yumuko mula sa iyong baywang. Ibaluktot ang iyong mga tuhod at tumingkayad pababa sa tabi ng bagay na iyong bubuhatin. Panatilihing diretso ang iyong likod hanggat maaari. Gamitin ang iyong mga kalamnan sa hita imbes na ang iyong likod na gumawa ng pagbubuhat. Huwag bumaluktot. Palaging panatilihing malapit sa iyong katawan ang mga bagay kapag bubuhatin, ibababa, dadalhin mo ang mga ito.

Kapag matutulog ka, hanapin ang posisyon na pinakakumportable sa iyo at nasusuportahan ang iyong likuran. Bilang halimbawa:

  • Humiga nang pantay sa iyong likod sa isang nakapirming kutson o sa isang kutson na may mataas na tabla sa ilalim nito. Maglagay ng unan sa ilalim ng iyong mga tuhod kapag mahihiga ka.
  • Humiga sa iyong tiyan na may unan sa ilalim ng iyong dibdib
  • Humiga sa iyong gilid na may unan sa pagitan ng iyong mga paa.
  • Kung hindi ka makumportable, subukang humiga nang pantay sa iyong likod na nakataas ang iyong mga paa para nakabaluktot ang iyong mga tuhod sa anggulong 90-degree. Ito ang parehong anggulo kung papano sila magiging kung nakaupo ka nang diretso sa isang silya. Isang paraan para makapagpahinga sa ganitong posisyon ay humiga sa sahig, baluktutin ang iyong mga tuhod, at pagpahingahin ang iyong mga paa sa upuan ng isang silya.

Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong iwasan ang isang herniated disk?

  • Panatilihing malakas ang iyong mga kalamnan para matulungan nilang suportahan nang mas mainam ang iyong gulugod. Ang paglalakad at paglangoy ay mga halimbawa ng magandang ehersisyo sa pagpapalakas at pagprotekta sa iyong gulugod.
  • Magbawas ng timbang kung sobra ka sa timbang.
  • Sanayin ang magandang tindig.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-07-15
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image