Page header image

Trangkaso (Influenza)

(Flu, or Influenza)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang trangkaso ay sanhi ng isang virus, at maaaring kumalat sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing, o sa pamamagitan ng paghipo sa isang bagay na may virus.
  • Ang bakuna sa trangkaso ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang trangkaso. Mahalaga rin ang madalas na paghuhugas ng mga kamay. Ang trangkaso ay maaaring magamot sa pahinga, pag-inom nang maraming likido, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot.
  • Kung mayroon kang iba pang medikal na problema at natrangkaso, pinakamainam na magpatingin sa iyong healthcare provider.

________________________________________________________________________

Ano ang trangkaso?

Influenza, tinatawag din na trangkaso, ay isang impeksyon na sanhi ng isang virus. Naaapektuhan ng trangkaso ang iyong buong katawan, lalo na ang daluyan ng iyong hangin, at nagdudulot ng mga sintomas na katulad sa mga sintomas ng sipon. Ang mga sintomas ng trangkaso ay nagagawing lumala kaysa sa mga sintomas ng sipon, ngunit minsan ay maaaring mahirap itong malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng trangkaso at isang sipon maliban lang kung mapapasuri ka.

Ang impeksyon sa virus ng trangkaso ay paminsan-minsang humahantong sa iba pang impeksyon, tulad ng tainga, sinus, at mga impeksyon sa dibdib. Maaari rin mangyaring ang pulmunya bilang resulta ng trangkaso. Maaaring ito ay sanhi mismo ng virus ng trangkaso o ng mikrobyo na nakakaapekto sa mga tissue ng baga na napinsala na ng virus. Ang mga mas nakatatanda; mga taong mahina ang mga immune system; at mga tao na may mga problemang medikal na hindi gumagaling, tulad ng sakit sa puso o baga o diabetes, ay nasa peligro ng mas malalalang sintomas o mga problema. Kaya mahalaga ito na piliting maiwasan ang trangkaso sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa trangkaso taun-taon.

Ano ang sanhi?

Ang trangkaso ay sanhi ng isang virus. Kapag may trangkaso ka, ang virus ay nasa iyong plema at dura at maaaring kumalat sa iba kapag umubo o bumahing ka. Ang mga tao ay maaari rin magkatrangkaso kung hahawakan nila ang ilang bagay na may kasamang virus ng trangkaso (tulad ng mga tasa, doorknob, at mga kamay) at pagkatapos ay hahawakan ang kanilang bibig, ilong, o mga mata.

Ang paglaganap ng trangkaso ay nangyayari taun-taon, kadalasan sa bandang huli ng taglagas at taglamig.

Ano ang mga sintomas?

Ang trangkaso ay malamang na magsimula nang biglaan. Maaaring maganda ang iyong pakiramdam nang isang oras at sasama ang pakiramdam sa susunod. Ang mga sintomas ng trangkaso ay maaaring magkakaiba sa bawat tao. Ang ilan sa mga karaniwang sintomas ay kabilang ang:

  • Pangingiki, pagpapawis, at lagnat
  • Ubo
  • Tumutulo o baradong ilong
  • Pananakit ng ulo
  • Mga pananakit ng kalamnan o katawan
  • Sore throat
  • Kapaguran

Kadalasang tumatagal ang mga sintomas ng trangkaso nang 3 hanggang 7 araw. Maaaring simulang bumuti ang iyong pakiramdam pagkatapos ng unang 2 araw o humigit kumulang.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at maaaring susuriin ka. Ang diyagnosis ay kadalasang ibinabatay sa iyong mga sintomas. May mga pagsusuri sa laboratoryo para sa trangkaso, ngunit sa karaniwan hindi kinakailangang magsagawa ng pagsusuri, lalo na kapag maraming iba pa sa iyong komunidad ay may sakit na trangkaso.

Papaano itong ginagamot?

Kadalasan magagamot ang iyong mga sintomas sa bahay.

  • Magpahinga nang husto.
  • Uminom ng malilinaw na likido. Tubig, sabaw, juice, mga electrolyte solution, at mga inuming hindi caffeinated ay pinakamainam. Kapag mataas ang iyong lagnat, kinakailangan ng iyong katawan nang maraming likido dahil nawawalan ka nang maraming tubig sa iyong hininga at mula sa iyong balat. Ang pag-inom nang sapat na mga likido ay tinutulungan ding manatiling manipis ang plema sa iyong mga sinus at mga baga at madaling maalis sa katawan. Kapag manipis ang plema, hindi gaanong malamang na magsasanhi ito ng sinus o impeksyon sa dibdib.
  • Isaalang-alang ang pag-inom ng acetaminophen o ibuprofen para pawiin ang mga pananakit ng ulo at pananakit ng kalamnan at para pababain ang lagnat. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.
  • Kung magbabara ang iyong ilong o mga sinus, maaaring matulungan ka ng gamot na decongestant na bumuti ang pakiramdam. Ang pag-inom ng decongestant ay maaaring makatulong maiwasan ang mga impeksyon sa tainga o sinus.
  • Ang gamot sa ubo o mga pampatak sa ubo ay maaaring pansamantalang makatulong kumontrol ng ubo.

Ang antiviral na gamot ay ang gamot na maaaring ireseta ng iyong healthcare provider na maaaring gawing hindi gaano malala ang mga sintomas ng trangkaso. Maaaring makatulong rin ito na bumuti ang iyong pakiramdam nang medyo madali. Ang mga halimbawa ng gamot na ito ay zanamivir (Relenza) at oseltamivir (Tamiflu). Ang gamot ay maaaring inumin bilang isang tableta o pang-spray sa ilong. Makakatulong lang ito kung sisimulan mo itong inumin sa loob ng unang 2 araw ng sakit. Kadalasan iniinom lang ito nang ilang araw. Kahit na umiinom ka ng antiviral na gamot, maaari mong maipasa ang virus ng trangkaso sa iba pang tao. Mahalaga pa rin na hugasan ang iyong mga kamay nang madalas at takpan ang iyong bibig at ilong kapag umubo o bumahing ka.

Maaaring magreseta ang iyong healthcare provider ng antiviral na gamot kung wala ka pang sakit ngunit nalantad na sa trangkaso at hindi nakapagpabakuna sa trangkaso.

Makipag-usap sa iyong healthcare provider kung mayroon kang mga sintomas ng trangkaso at:

  • May sakit ka sa puso, hika, chronic bronchitis, sakit sa bato, diabetes, o ibang problemang medikal na hindi gumagaling.
  • Hindi gumagana nang normal ang iyong immune system (bilang halimbawa, dahil umiinom ka ng gamot na steroid para sa isang problemang medikal).
  • Mas lumalala ang iyong mga sintomas, mayroon kang makirot na ubo, umuubo ka ng plema, o nahihirapan ka sa paghinga. Ang mga sintomas na ito ay maaaring mga senyales ng pulmunya.

Tanungin ang iyong healthcare provider:

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan mula sa sakit na ito
  • Anong mga aktibidad ang dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.

Papaano akong makakatulong iwasan ang trangkaso?

Ang bakuna sa trangkaso ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang trangkaso. Kung matatrangkaso ka, maaaring makatulong sa iyo ang bakuna para hindi lumalala ang sakit. Ang bakuna sa trangkaso ay inirerkumenda para sa matatanda at mga batang 6 na buwan at mas matanda. Ito'y napakahalaga para sa mga may malalalang sakit.

Ang bakuna sa trangkaso ay maaaring ibigay bilang isang iniksyon o bilang isang spray sa ilong.

  • Ang iniksyon ay naglalaman ng napatay na virus at ligtas para sa sinuman na ang edad ay 6 na buwan at mas matanda.
  • Ang spray sa ilong ay naglalaman ng pinahinang buhay na virus at maaaring ibigay lamang sa mga malusog na bata na lampas sa edad na 2 at malulusog na nakatatanda na hindi buntis at mas bata sa edad na 50. Ang buntis na kababaihan, mga bata na mababa sa 2 taon, mga taong 50 o mas matanda, o mga tao na may pinahinang immune systems, hika, o ilang iba pang mga kundisyong medikal ay hindi maaaring gamitin ang spray sa ilong. Kung iniisip mo ang tungkol sa pagkuha ng spray sa ilong, tanungin ang iyong provider kung ito’y inirerekumenda sa iyo.

Dapat kang magpainiksyon nang bago sa trangkaso taun-taon dahil nawawala ang bakuna sa katagalan at dahil pinapalitan ito bawat taon para maprotektahan laban sa pinakamalamang na mga bakas ng trangkaso ng kasalukuyang taon. Pinakamainam na makapagpabakuna nang bago sa sandaling magkaroon nito bawat taon, bago magsimula ang panahon ng trangkaso. Gayunman, kung may nakalaan pang bakuna, maaaring makatulong na makakuha nito sa anumang oras sa panahon ng trangkaso. Ang panahon ng trangkaso ay kadalasang nagsisimula sa Oktubre at maaaring tumagal hanggang Mayo.

Ang mga panahon ng trangkaso ay maaaring mag-iba-iba sa bawat rehiyon. Kung ikaw ay nasa mataas na peligro sa impeksyon at pinaplanong maglakbay sa isang lugar na maaaring malantad ka sa trangkaso, siguruhin na mayroong kang up-to-date na iniksyon sa trangkaso bago ka magpatuloy sa iyong biyahe.

Ang iba pang bagay na magagawa mo para makatulong iwasang magkatrangkaso ay:

  • Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay ng sabon at tubig. Maghugas hanggang 20 segundo (mahaba na para kantahin ang buong kanta ng “Happy Birthday”) o gumamit ng panlinis ng kamay na alcohol-based.
  • Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong, o bibig kapag na nasa labas kasama ang ibang tao.
  • Lumayo nang kahit 6 na piye sa mga tao na may sakit, kung magagawa mo.
  • Piliting pangalagaang mabuti ang iyong sarili: Matulog nang husto, maging pisikal na aktibo, kontrolin ang iyong stress, uminom ng maraming likido, at kumain ng malusog na pagkain. Itigil ang paninigarilyo.
  • Panatilihing malinis ang mga pang-ibabaw—lalo ang mga mesa sa tabi ng kama, mga pang-ibabaw sa banyo, at mga laruan para sa mga bata. Ang ilang virus at mikrobyo ay maaaring mabuhay nang 2 oras o higit pa sa mga pang-ibabaw tulad ng mga lamesa ng cafeteria, doorknob, at mga desk. Punasan ang mga ito ng pangbahay na pamatay ng mikrobyo nang ayon sa mga direksyon na nasa label.

Kung may sakit ka, makakatulong kang protektahan ang iba kung ikaw ay:

  • Hindi papasok sa trabaho o paaralan. Iiwas na makipagkita sa ibang tao maliban para kumuha ng medikal na pangangalaga.
  • Tatakpan mo ng tissue ang iyong ilong o bibig kapag umubo o bumahing ka. Itatapon mo ang tissue sa basurahan pagkatapos mo itong gamitin, at pagkatapos ay hugasan ang iyong mga kamay. Kung wala kang tissue, umubo o bumahing sa iyong pang-itaas na manggas imbes na sa iyong mga kamay.
  • Linisin nang madalas ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig o isang panlinis ng kamay na alcohol-based, lalo na pagkatapos gumamit ng tissue o umubo o bumahing sa iyong mga kamay.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-08-30
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image