________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang lateral collateral ligament injury ay isang pinsala sa isa sa mga litid sa iyong tuhod. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Ang lateral collateral ligament ay nasa panlabas na bahagi ng iyong tuhod at pinagkakabit ang iyong thighbone sa panlabas na buto sa bandang ibaba ng iyong binti. Ang mga litid sa iyong tuhod ay pinapanatiling nasa puwesto ang iyong tuhod at mga leg bone kapag naglalakad o tumatakbo ka. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit. Ang ganap na pagkapunit ay ginagawang napakaluwag at hindi panatag ang dugtong ng tuhod.
Ang pinsala sa litid ay tinatawag din na pilay.
Ang mga lateral collateral ligament injury ay maaaring mangyari kung matamaan ka sa bandang loob na bahagi ng iyong tuhod. Ang pagpilipit ng binti at tuhod ay maaari rin maging sanhi ng pinsalang ito.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari sumailalim ka sa mga X-ray o iba pang scan o procedure, tulad ng :
Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.
Maaaring balutan ng iyong provider ng nababanat na benda ang iyong tuhod para mapigilan sa paglala ang pamamaga. Maaaring kailanganin mong panatilihin ang iyong tuhod sa isang immobilizer ng tuhod at gumamit ng mga saklay para maprotektahan ang iyong tuhod habang naghihilom ka.
Kung ganap na napunit ang iyong litid, maaaring kailanganin mo ng operasyon para kumpunihin ang punit.
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom.
Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Bilang halimbawa, mag-ehersisyo na nakapagpapalakas ng mga kalamnan ng hita at hamstring at unatin ang mga kalamnan ng iyong binti.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, kung mag-i-ski ka, siguruhing nai-set nang tama ang iyong mga ski binding ng isang sanay na dalubhasa para mapapakawalan nila ito kung babagsak ka.