Page header image

Pananakit sa Ibabang Likod

(Low Back Pain)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pananakit at paninigas sa bandang ibaba ng likod ay isang karaniwang kundisyon.
  • Ang pananakit sa ibabang likod ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng ehersisyo, yelo, mamasa-masang init, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.
  • Ang pagpapanailing malakas ang iyong mga kalamnan, gamit ang magandang pustura, at pag-alam sa tamang paraan para buhatin ang mabibigat na bagay ay maaaring makatulong maiwasan ang mga problema.

________________________________________________________________________

Ano ang pananakit sa ibabang likod?

Ang pananakit at paninigas sa bandang ibaba ng likod ay isang karaniwang kundisyon. Isa ito sa mga pinakakaraniwang dahilan na hindi nakakapasok ang mga tao.

Sa gitna ng iyong bandang ibabang likod ay 5 buto na nasa gulugod na tinatawag na lumbar vertebrae. Ang mga kalamnan at litid ay tinutulungang panatilihin ang vertebrae sa kanilang tamang puwesto. Sa pagitan ng vertebrae ay parang-gel na mga shock absorber na tinatawag na mga disk. Mga nerve na humahantong sa mas mababang katawan ay dumadaan sa mga buto ng mas mababang likod.

Ano ang sanhi?

Maaari kang magkaroon ng pananakit kung ang alinmang bahagi ng iyong likod ay napinsala, napuwersa, o naapektuhan ng sakit.

Ang mga pinakakaraniwang sanhi ng pananakit ng likod ay kabilang ang:

  • Madalas na pag-angat o pagbubuhat ng mabibigat na bagay
  • Pag-upo nang matagal o pagtayo sa isang posisyon o pagyuko
  • Pagiging sobra sa timbang

Ang mga hindi gaanong karaniwang sanhi ng pananakit ng likod ay kabilang ang:

  • Isang umuusling disk o natulak palabas sa puwesto sa pamamagitan ng pinsala o isang malalang puwersa. Ang isang umuusling (herniated) disk ay maaaring kurutin ang mga nerve na dumaraan sa mga buto, na humahantong sa pananakit sa mga binti.
  • Ang mga pinsalang sanhi ng pagkabagsak, hindi karaniwang pag-eehersisyo na walang tigil, o kahit na ang matinding pagbahing o pag-ubo.
  • Pamamaga at iritasyon mula sa isang impeksyon o isang problema sa immune system.
  • Isang congenital na kundisyon (isang problema na kasama nang ipinanganak ka).
  • Isang lumulubhang kundisyon (isang problema na nagasasanhi sa mga buto, kasu-kasuan, mga disk, o kalamnan na masira, tulad ng arthritis).

Ano ang mga sintomas?

Kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit sa likod o mga binti
  • Kahinaan sa mga binti
  • Pangingilabot o pamamanhid sa mga binti o paa
  • Paninigas, mga pasma, o limitadong pagkilos

Ang pananakit ay maaaring hindi nagbabago o maaaring mangyari lamang sa ilang posisyon. Maaari itong lumala kapag umubo, bumahing, yumuko, pumihit, o mapuwersa sa panahon ng pagbabawas. Ang pananakit ay maaaring sa isang lugar lang o maaari itong kumalat sa iba pang lugar, pinakakaraniwan sa ibaba ng pigi at papunta sa likod ng hita.

Papaano itong sinusuri?

Rerepasuhin ng iyong healthcare provider ang iyong medikal na history at susuriin ka. Maaari kang magkaroon ng mga-X-ray ng iyong likod.

Papaano itong ginagamot?

Ang paggagamot sa pananakit sa ibabang likod ay dumidepende sa sanhi. Maaari irekumenda ng iyong healthcare provider ang:

  • Pahinga. Pinakamainam na piliting manatiling aktibo, kaya piliting huwag magpahinga sa kama nang mas mahaba sa 1 hanggang 2 araw o sa oras na inirerekumenda ng iyong provider.
  • Ehersisyo. Maaaring irekumenda ng iyong provider ang pisikal na therapy o mga ehersisyo na magagawa mo sa bahay.
  • Gamot. Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay maaaring makatulong mabawasan ang pananakit ng likod. Inumin ang lahat ng gamot gaya ng inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
  • Operasyon. Depende sa sanhi ng iyong pananakit sa likod at kung patuloy kang nagkakaroon ng mga sintomas, maaaring kailanganin mong magpa-opera. Gayunman, ang pinakakaraniwang sanhi ng pananakit ng likod ay hindi kailangan ng operasyon.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para tulungang mapawi ang pananakit:

  • Maglagay ng bulsa de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay, na binalot sa isang basahan sa bahaging masakit tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Uminom ng gamot na anti-inflammatory, tulad ng ibuprofen, o iba pang gamot gaya nang inuutos ng iyong healthcare provider. Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban kung irerekumenda ng iyong healthcare provider, huwag iinunim nang higit sa 10 araw.
  • Maglagay ng botelya ng mainit na tubig o electric heating pad sa iyong likod. Balutan ng tuwalya ang boteng may mainit na tubig o i-set sa mababa ang heating pad para hindi mapaso ang iyong balat.

    Piliting ilagay ang mamasa-masang init sa napinsalang bahagi nang 10 hanggang 15 minuto nang minsan bago ka magsagawa ng pagpapainit at pag-eehersisyo ng pag-uunat. Ang mamasa-masang init ay maaaring makatulong papahingahin ang iyong mga kalamnan at gawin nitong mas madaling igalaw ang iyong katawan. Kabilang sa mamasa-masang init ang mga heat patch o mamasa-masang heating pad na mabibili mo sa karamihan ng botika, isang basang pamunas o tuwalya na pinainitan sa dryer, o hot shower.

    Huwag gagamit ng init kung mayroon kang pamamaga.

  • Magpamasahe sa likod sa isang tao na sinanay sa mga pagmamasahe.
  • Makipag-usap sa isang tagapayo kung ang iyong likod ay kaugnay sa tensyon sanhi ng mga emosyonal na problema.

Ang pananakit ang pinakamainam na paraan para pagpasyahan ang bilis na dapat mong i-set sa pagpapataas ng iyong aktibidad at ehersisyo. Ang hindi gaanong kaginhawahan, paninigas, kahapdian, at banayad na mga kirot ay hindi kailangang limitahan ang iyong aktibidad.

Tanungin ang iyong healthcare provider:

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaano itong tatagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan sa kundisyong ito
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.

Papaano akong makakatulong iwasan ang pananakit sa ibabang likod?

Narito ang ilang bagay na magagawa mo para may kaunting puwersa sa iyong likod:

  • Panatilihing malakas ang mga pangtiyan at likod na kalamnan. Mag-ehersisyo nang kaunti araw-araw at isama ang mga ehersisyo na pag-uunat at pagpapainit na iminumungkahi ng iyong provider o physical therapist. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay hindi lang makatutulong sa iyong likod. Makatutulong rin itong pantilihin kang malusong sa pangkalahatan.
  • Sanayin ang magandang tindig.
    • Tumayo na nakataas ang ulo, tuwid ang mga balikat, pasulong ang dibdib, pantay na balansehing ang timbang sa parehong paa, at nakapasok paloob ang balakang.
    • Sa tuwing uupo ka, umupo sa upuang nakadiretso-ang-likod at panatilihing nakasandal ang iyong likod sa upuan.
    • Gumamit ng patungan ng paa sa isang paa kapag tatayo o uupo sa isang lugar nang matagal. Pinapanatili nitong diretso ang iyong likod.
  • Protektahan ang likod.
    • Kapag kailangan mong maglipat ng mabigat na bagay, huwag humarap sa bagay at itulak gamit ang iyong mga kamay. Umikot at gamitin ang iyong likod para itulak patalikod para ang puwersa ay nakukuha ng iyong mga binti.
    • Kapag nagbuhat ka ng mabigat na bagay, baluktutin ang iyong mga tuhod at balakang at panatilihing diretso ang iyong likod. Kung marami kang gagawing pagbubuhat ng mabigat, magsuot ng sinturon na idinisenyo para suportahan ang iyong likod. Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay na mas mataas sa iyong baiwang.
    • Buhatin ang mga bagahe nang malapit sa iyong katawan, na nakabaluktot ang iyong mga kamay.
    • Humiga nang nakatagilid na nakabaluktot ang iyong mga tuhod kapag matutulog ka o magpapahinga. Maaaring makatulong na maglagay ng unan sa pagitan ng iyong mga tuhod. Maglagay ng unan sa ilalim ng iyong mga tuhod kapag matutulog ka nang nakatihaya. Maaaring kailanganin mong iwasan ang pagtulog nang nakadapa.
  • Magbawas ng timbang kung sobra ka sa timbang.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-05-18
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image