________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ay nalulungkot ka, walang pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Maraming medikal na mga problema ang maaaring lumikha ng mga pagbabago sa iyong katawan na nagiging sanhi ng depresyon. Ang ilang mga halimbawa ay sakit sa puso, isang stroke, Parkinson's disease, problema sa hormone, at kanser. Habang bumubuti ang iyong pisikal na kundisyon, ang iyong depresyon ay kadalasang bubuti. Gayunman, kung hindi bumuti ang iyong kalusugan, maaaring magpatuloy ang depresyon.
Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may depresyon ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito. Karamihan sa medikal na problema ay nakakabalisa sa balanse ng mga kemikal sa iyong katawan, tulad ng:
Ang ilang gamot ay maaari rin maging sanhi o magpalala sa depresyon.
Bilang karagdagan sa mga medikal na kundisyon na pisikal na nagsasanhi ng depresyon, maaari ka rin ma-depress tungkol sa pagkakasakit. Maaaring mabawasan ng sakit ang iyong enerhiya, makaramdam na ikaw ay nag-iisa, at baguhin kung papaano mo tingnan ang iyong sarili.
Bukod sa pakiramdam na parang malungkot at hindi interesado sa mga bagay, maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Tatanungin ka ng iyong healthcare provider o therapist tungkol sa iyong mga sintomas. Sisiguruhin niya na wala kang problema sa droga o alcohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas. Maaaring hilingan ka na sumailalim sa ilang mga pagsusuri sa laboratoryo para matukoy ang iba pang medikal na problema.
Ang depresyon ay maaaring magamot nang matagumpay sa pamamagitan ng therapy, mga gamot, o pareho. Minsan ang paggamot sa medikal na problema ay nakakatulong sa depresyon. Bilang halimbawa, ang paggamot sa sakit sa thyroid ay maaaring makatulong sa mga sintomas ng depresyon. Ngunit minsan problema parin ang depresyon pagkatapos gamutin ang medikal na sakit. Paminsan-minsan ang paggamot sa depresyon ay nakakatulong para gamutin ang mga medikal na sintomas. Bilang halimbawa, ang ilang gamot na ginagamit para gamutin ang depresyon ay natutulungan ang mga migraine. Ang paggamot sa depresyon ay maaaring makatulong sa iyo na mabilis na gumaling mula sa stroke o sakit sa puso.
Gamot
Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay makakatulong. Makikipagtulungan ang iyong healthcare provider para piliin ang pinakamainam na gamot. Bago ka uminom ng anumang gamot para sa depresyon, alamin sa iyong healthcare provider para makasiguro na hindi ito mag-i-interact sa mga gamot na iniinom mo para sa iyong medikal na problema.
Therapy
Ang pagpapatingin sa isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip ay nakakatulong. Ang cognitive behavioral therapy (CBT) ay isang anyo ng therapy na tumutulong sa iyo na makilala at baguhin ang proseso ng pag-iisip at malaman ang mga paraan upang mas mahusay na makayanan ang stress. Ang pag-aaral ng mga paraan upang palitan negatibong kaisipan ng mas maraming positibo ay maaaring makatulong sa iyong depresyon.
Iba pang paggagamot
Pag-alam sa mga paraan para magpahinga ay maaaring makatulong. Yoga at meditasyon ay maaari rin makatulong. Maaaring gusto mong makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa paggamit sa mga pamamaraang ito kasama ang mga gamot at therapy.
May ginawang mga pag-aangkin na ang ilang herbal at mga produktong gawa sa gatas ay nakatutulong kontrolin ang mga sintomas ng depresyon. Ang mga suplemento ay hindi nasusuri o naaalinsunod sa pamantayan at maaaring mag-iba-iba sa mga pagkakabisa at epekto. Maaaring magkaroon ang mga ito ng mga side effect at hindi palaging ligtas. Bago ka uminom ng anumang suplement, siguruhin na hindi nito mapapalala ang iyong medikal na problema, at hindi ito mag-i-interact sa iba pang gamot na iniinom mo. Makipag-usap sa iyong healthcare provider bago mo gamitin ang alinman sa mga produktong ito.
Kumuha ng emergency na pangangalaga kung ikaw o isang minamahal ay may seryosong iniisip na pagpapakamatay o pananakit ng iba.
Para sa higit na impormasyon, kontakin ang: