________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang isang pinsala sa litid na medial collateral ay isang pinsala sa isa sa mga litid sa iyong tuhod. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Pinagkakabit ng litid na medial collateral ang iyong buto sa hita sa lulod sa loob ng iyong tuhod. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit. Ang ganap na pagkapunit ay ginagawang napakaluwag at hindi panatag ang dugtong ng tuhod.
Ang pinsala sa litid ay tinatawag din na pilay.
Ang mga pinsala sa litid na medial collateral ay maaaring mangyari kung matamaan ka sa labas na bahagi ng iyong tuhod o kung biglaang mga pagbaluktot sa aktibidad o mga pagkapunit ng litid. Maaaring mangyari ito, bilang halimbawa, kung bumagsak at lumapag sa gilid ng iyong tuhod. Maaari rin itong mangyari sa panahon ng pag-i-ski kung bumagsak ka at masapo ang panloob na gilid ng iyong ski.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari sumailalim ka sa mga X-ray o iba pang scan, tulad ng:
Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.
Maaaring balutan ng iyong healthcare provider ng nababanat na benda sa paligid ng iyong tuhod para mapigilan sa paglala ang pamamaga. Maaaring kailanganin mo ng immobilizer ng tuhod at mga saklay para maprotektahan ang iyong tuhod habang naghihilom ka.
Ang mga ganap na pagkapunit ng litid na medial collateral ay bihirang kailangan ng operasyon, ngunit maaari kang ilagay sa isang immobilizer ng tuhod nang mangilan-ngilang linggo.
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom. Kakailanganin mong patuloy na gawin ang mga ehersisyon pangrehabilitasyon para panatilihing malakas ang mga kalamnan ng iyong tuhod kung maluwag ang iyong litid pagkatapos ng pinsala.
Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Bilang halimbawa, mag-ehersisyo na nakapagpapalakas ng mga kalamnan ng hita at hamstring at unatin ang mga kalamnan ng iyong binti.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, kung mag-i-ski ka, siguruhing nai-set nang tama ang iyong mga ski binding ng isang sanay na dalubhasa para mapapakawalan nila ito kung babagsak ka.