Page header image

Pagduduwal at Pagsusuka

(Nausea and Vomiting)

Ano ang pagduduwal at pagsusuka?

Ang pagduduwal ay isang pakiramdam ng pagkasira ng tiyan at kadalasan ay ang iyong pakiramdam bago ka palang sumuka. Ang pagsusuka ay paglalabas ng pagkain at likido mula sa bituka na dumadaan sa bibig. Paminsan-minsan ay maaari kang makaramdam ng pagduduwal nang walang pagsusuka. Ang pagsusuka ay mapoprotektahan ang katawan sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga mapinsalang sustansya.

Ano ang nagiging sanhi ng pagduduwal at pagsusuka?

Ang pagduduwal at pagsusuka ay mga sintomas na maaaring sanhi ng maraming bagay, tulad ng :

  • Stomach flu, na isang impeksyon na sanhi ng isang virus
  • Motion sickness (parang nalulula o carsick)
  • Pagkalason sa pagkain o iba pang impeksyon
  • Pag-inom ng alkohol
  • Mga hindi kasiyasiyang amoy o tanawin
  • Pagbubuntis
  • Pinsala sa ulo
  • Stress at ligalig
  • Mga problema sa panloob na tainga
  • Paggagamot sa kanser
  • Atake sa puso

Maaari rin mangyari ito bilang isang side effect ng ilang gamot.

Papaano itong ginagamot?

Kung magsuka ka nang malala, maaaring mawalan ng sobrang likido ang iyong katawan at maaari kang ma-dehydrate. Para maiwasan ang problemang ito, kailangan mong palitan ang mga nawalang likido.

  • Pagpahingahin ang iyong tiyan, ngunit siguruhin na nakakakuha ka ng mga likido. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng hindi pagkain ng anumang bagay at sa pamamagitan ng pag-inom ng malilinaw na likido lamang. Kung madalas kang magsuka, pinakamainam na sumipsip ng kaunti, at madalas. Ang pag-inom nang sobra nang minsanan ay maaaring magsanhi pa ng pagsusuka. Kabilang sa malilinaw na likido ang:
    • Tubig
    • Matabang na tsaa
    • Kalahating pinaghalong katas ng prutas at kalahati ng tubig
    • Malilinaw-na-kulay ng soft drink nang walang caffeine (tulad ng 7-UP) pagkatapos haluin hanggang sa mawala ang bula (maaaring palalain ng mga bula ang pagsusuka)
    • Mga sport drink o iba pang inumin na nakakapag-rehydrate
  • Iwasan ang mga likidong acidic, tulad ng orange juice, caffeinated, tulad ng kape. Kung nagtatae ka, huwag iinom ng gatas.
  • Maaaring mas madaling pababain ang likidong malalamig. Sumipsip ng yelo o Popsicles kung masyadong masama ang pakiramdam mo para sumipsip ng mga likido. Maghanda sa pag-inom ng mas maraming malinaw na likido. Kung susuka ka, maghintay ng isang oras at pagkatapos ay pagkatapos ay magsimula sa paunti-unting sipsip.
  • Maaari kang magsimulang kumain ng malambot, ordinaryong pagkain kapag hindi ka na sumusuka nang mangilan-ngilang oras at nakakainom ng malilinaw na likido nang hindi na nababahala. Ang magagandang pagpipilian ay:
    • Jell-O
    • Soda crackers
    • Toast
    • Mga simpleng noodle
    • Kanin
    • Nilutong cereal
    • Baked o mashed potatoes
    • Mga malasadong itlog
    • Applesauce
    • Mga saging
  • Kumain nang dahan-dahan at iwasan ang mga pagkain na mahirap tunawin o maaaring makairita sa iyong tiyan tulad ng mga pagkain na may asido (tulad ng kamatis o mga kahel), maaanghang o matatabang pagkain, mga karne, at mga hilaw na gulay. Maaari ka nang bumalik sa iyong normal na diyeta sa loob ng 3 araw o higit.
  • Kung magkaroon ka ng mga pamamanhid o pananakit ng tiyan, makatutulong na maglagay ng boteng may mainit na tubig o heating pad sa iyong tiyan. Balutan ng tuwalya ang boteng may mainit na tubig o i-set sa mababa ang heating pad para hindi mapaso ang iyong balat.
  • Magpahinga hangga’t maaari. Umupo o mahiga nang may suporta ang ulo. Huwag mahihiga nang patag nang hindi bababa sa 2 oras pagkatapos kumain.
  • Huwag iinom ng aspirin, ibuprofen, o iba pang nonsteroidal anti-inflamatory drug (NSAIDS) nang hindi muna pinapaalam sa iyong healthcare provider. Ang mga NSAID, tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magdulot ng pagdudugo sa bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Basahin ang tatak at inumin habang inuutos. Maliban kung irerekumenda ng iyong healthcare provider, huwag uminom nang higit sa 10 araw para sa anumang dahilan.
  • Tawagin ang iyong healthcare provider kung:
    • Lumalala ang iyong mga sintomas.
    • Parati kang nagkakaroon ng mga sintomas nang higit sa 1 o 2 araw, o hindi ka bumubuti pagkatapos ng ilang araw.
    • Magsisimula kang magkaroon ng mga sintomas tulad ng dugo sa iyong suka, pagtataeng may dugo,o malalang pananakit ng tiyan.

Kung magsuka ka nang malala, maaaring mawalan ng sobrang likido ang iyong katawan at maaari kang ma-dehydrate. Ang dehydration ay maaaring napakamapanganib, lalo na sa mga bata at iba pang nakatatanda. Maaaring nawawalan ka rin ng mga mineral na kinakailangan ng iyong katawan para panatilihing normal na gumagana. Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang isang oral rehydration solution, na isang inumin na pinapalitan ang mga likido at mineral. Kung sobra kang dehydrated, maaaring kailanganin mong mabigyan ng mga likidong naka-IV sa ospital.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2014-12-05
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image