________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay isang pattern ng paggamit ng nicotine na humahantong sa mga malalang problema sa sarili, pamilya at kalusugan. Ang nicotine ay isang kemikal sa mga sigarilyo, pipa, tabako, cigar, at tabakong walang usok (nginunguya). Ito’y parehong stimulant, na pinapataas ang enerhiya, at isang sedative, na nagpapakalma sa iyo.
- Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay nagagamot. Dapat mong itigil ang lahat ng paggamit ng tabako, kabilang ang paghitit ng mga sigarilyo, cigar, o mga pipa, at pagnguya ng tabako. Ang iyong healthcare provider ay maaaring magreseta ng gamot para tulungang mabawasan ang iyong mga pananabik para sa nicotine o para bawasan ang mga positibong pakiramdam na dulot ng nicotine. Ang pagsali sa isang organisadong programa na tumigil-sa-paninigarilyo habang ginagamit mo ang mga gamot ay makakatulong sa iyo na tumigil.
- Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang iyong sarili ay magpatingin sa iyong healthcare provider at gumawa ng mga plano para tumigil sa paninigarilyo.
________________________________________________________________________
Ano ang sakit sa paggamit ng nicotine?
Ang nicotine ay isang kemikal sa mga sigarilyo, pipa, tabako, cigar, at tabakong walang usok (nginunguya). Ito’y parehong stimulant, na pinapataas ang enerhiya, at isang sedative, na nagpapakalma sa iyo.
Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay isang pattern ng paggamit ng nicotine na humahantong sa mga malalang problema sa sarili, pamilya at kalusugan. Mas lumalapat ang mga pahayag na ito sa iyo, mas malala ang iyong sakit sa paggamit ng nicotine.
- Mas marami kang ginagamit na nicotine nang mas matagal kaysa sa pinaplano mo.
- Gusto mong bawasan o tumigil, ngunit hindi magawa.
- Gumugugol ka nang maraming oras at enerhiya sa pagkuha ng nicotine, paggamit ng nicotine at pagpapalipas sa mga epekto.
- Sobra kang nananabik sa nicotine kaya nahihirapan kang isipin ang tungkol sa ano pa mang bagay.
- May mga problema ka sa trabaho o paaralan, o itinitigil ang pangangalaga sa mga tao na umaasa sa iyo.
- May mga problema ka sa relasyon dahil hindi mo tinutupad ang iyong mga pangako, o nakikipagtalo ka o nagiging marahas sa ibang tao.
- Itinitigil mo ang paggawa ng mga bagay na mahalaga sa iyo, tulad ng sports, mga libangan, o magpalipas ng oras kasama ng mga kaibigan o pamilya, dahil sa iyong paggamit sa nicotine.
- Gumagmit ka ng nicotine kahit na kapag mapanganib ito, gaya nang habang nagmamaneho o nagpapatakbo ng makinarya.
- Patuloy mong ginagamit ang nicotine kahit na alam mong napipinsala nito ang iyong pisikal o mental na kalusugan.
- Kailangan mong gamitin nang gamitin ang droga, o gamitin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto. Tinatawag itong tolerance.
- May mga sintomas ka ng withdrawal kapag itingil mo ang paggamit.
Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay maaari ring tawaging pag-abuso sa droga, pag-abuso sa sustansya, pagkalulong, o pagkagumon. Ang nicotine ay sobrang nakakagumon at ang paninigarilyo ng ay mapanganib sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo kapag naninigarilyo ka. Sa tuwing maninigarilyo ka, pumupunta sa hangin ang mga nakalalasong kemikal. Taun-taon, maraming hindi naninigarilyo ang namamatay mula sa kanser sa baga dahil nakalalanghap sila ng secondhand smoke.
Ano ang sanhi?
Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Binabago ng nicotine ang balanse ng mga kemikal na ito sa iyong utak. Kapag regular kang gagamit ng nicotine, ang iyong utak ay magsisimulang masanay dito. Bilang isang resulta hindi tama ang iyong pakiramdam hanggang sa gumamit ka ng nicotine. Kapag biglaan mong itinigil ang paggamit ng nicotine, ang balanse ng mga kemikal sa iyong utak ay magbabago, na nagiging sanhi ng mga sintomas ng withdrawal.
Maaaring ma-enjoy mo ang ritwal ng paghawak, pagsisindi, at paghitit ng mga sigarilyo. Kung susubukan mong tumigil, ang hindi pagsunod sa mga ritwal na ito ay maaaring palalain ang mga sintomas ng withdrawal at pananabik.
Mayroon kang mas mataas na peligro ng pagiging lulong sa nicotine kung ikaw ay:
- May history sa pamilya ng pag-abuso sa tabako, droga, o alkohol
- Umabuso sa tabako, alkohol, o mga drago noong nakalipas
- Madaling mabigo, nahihirapan sa pangangasiwa ng stress, o pakiramdam na parang hindi ka pa magaling
- Regular na nasa paligid ng mga tao na gumagamit ng tabako, alkohol, o mga droga
- May problema sa kalusugan ng pag-iisip
Ano ang mga sintomas?
Ang mga sintomas ng sakit sa paggamit ng nicotine ay dedepende sa kung gaanong karami at kadalas kang gumamit ng nicotine. Ang mga sintomas ay maaaring maging banayad hanggang sa malala, tulad ng:
- Mabilis na tibok ng puso
- Nag-aamoy usok at nagkakaroon ng mabahong hininga
- Nahihirapang huminga kapag gumagawa ng mga aktibidad tulad ng pag-akyat sa hagdanan
- Pagsisikip ng sinus at paulit-ulit na pag-ubo
- Problema sa pagtulog
- Madalas makakuha ng sipon o iba pang impeksyon
Maaari ka rin magkaroon ng mga sintomas ng bago o malalang mga problema sa kalusugan na sanhi ng matagalang paninigarilyo, tulad ng:
- COPD o kanser sa baga
- Kanser sa bibig, lalamunan, bato, at bituka
- Sakit sa puso
- Hindi paggana ng bato
- Stroke
Ang mga butis na kababaihan na naninigarilyo ay nasa mas mataas na panganib ng pagkalaglag, premature na panganganak, at pagkakaroon ng sanggol sa may mababa ang timbang sa pagsilang. Ang mga sintomas ng withdrawal sa nicotine ay maaaring banayad hanggang sa malala. Maaaring magkaroon ka ng ilan sa mga sintomas na ito kapag tumigil ka sa paggamit ng nicotine:
- Pagka-hindi mapalagay at pagkairitable
- Depresyon o anxiety
- Problema sa pag-ukol ng pansin
- Problema sa pagtulog
- Tumataas ang gana
- Mga pananakit ng ulo
- Pananabik sa tabako
Ang mga sintomas ng withdrawal ay maaaring napakatindi, lalo na sa panahon ng unang 72 oras pagkatapos mong tumigil sa paggamit ng tabako. Pagkatapos nang unang 2 o 3 araw bumubuti ang mga sintomas.
Paano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider kung gaano kadami at kung gaano kadalas kang naninigarilyo. Maging tapat tungkol sa iyong paninigarilyo. Kinakailangan ng iyong provider ang impormasyong ito para maibigay sa iyo ang tamang paggagamot. Tatanungin din niya ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at susuriin ka. Maaaring sumailalim ka sa mga pagsusuri sa dugo o ihi.
Paano itong ginagamot?
Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay nagagamot. Dapat mong itigil ang lahat ng paggamit ng tabako, kabilang ang paghitit ng mga sigarilyo, cigar, o mga pipa, at pagnguya ng tabako.
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang pangpalit na nicotine na maaaring halos madoble ang iyong pagkakataon ng pagtigil nang tunay. Maaari kang bumili ng nicotine gum, mga patse, o lozenges nang walang reseta. Maaaring magreseta ang iyong provider ng mga inhaler ng nicotine o mga nasal spray. Hahayaan ka ng pampalit na nicotine na dahan-dahang bawasan ang dami ng nicotine sa iyong sistema sa katagalan. Ang paggamit ng mga pamalit na nicotine habang itinitigil mo ang tabako ay maaaring makababa sa mga pananabik at maalwanan ang mga pisikal na sintomas. Ang dosis ng nicotine ay dahan-dahang nababawasan sa loob ng ilang linggo o mga buwan.
Mga electronic cigarettes, na tinatawag ding e-cigs, ay pinatatakbo-ng-baterya na mukhang sigarilyo o cigar. Gumagawa ang mga ito nang walang usok na singaw na nilalanghap ng gumagamit. Ang singaw ay naglalaman ng maraming kemikal, at kadalasang naglalaman ng nicotine. Ang mga e-cigs ay hindi magandang paraan para itigil ang paninigarilyo dahil:
- Hindi pa napapatunayn na ligtas ang mga ito. Ang ilan sa kemikal ay nakapipinsala. Ang mga e-cigs ay nakaaapekto sa mga baga at paghinga sa ilang parehong paraan na ginagawa ng mga sigarilyong tabako.
- Walang patunay na ang mga e-cig ay nakakatulong sa pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga e-cig ay naghahatid ng nicotine sa isang paraan na maipagpatuloy ang pagkagumon sa nicotine at paninigarilyo.
Maaaring iresta ng iyong healthcare provider ang gamot na hindi naglalaman ng nicotine para makatulong mabawasan ang iyong mga pananabik para sa nicotine o para mabawasan ang mga positibong pakiramdam na sanhi ng nicotine.
Mas malamang na magtagumpay ka kung magtatrabaho ka para baguhin ang iyong pag-uugali pati na rin ang pag-inom ng gamot. Maaaring gusto mong sumali sa mga grupong tinutulungan ang sarili tulad ng Nicotine Anonymous o organisadong mga programa ng pagtigil sa paninigarilyo, o subukan ang indibidwal na therapy. Tutulungan ka ng cognitive-behavioral therapy (CBT) na tingnan ang iyong mga iniisip, paniniwala, at mga kilos, at uunawain kung alin ang nagiging dahilan ng mga problema para sa iyo. Pagkatapos ay matututunan mong baguhin ang mga hindi malusog na paraan ng pag-iisip at pagkilos.
Ang hipnosis at acupuncture ay maaaring makatulong sa iyo na tumigil sa paninigarilyo. Gayunman, kailangan mo pa ring matutunan na mabuhay nang walang nicotine sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?
May mga bagay na magagawa mong matulungan ang iyong sarili na tumigil sa paninigarilyo:
- Mag-plano:
- Magtakda ng petsa kung kailan mo babalaking tumigil at sasabihin sa iyong pamilya at mga kaibigan. Ang ilang tao ay unti-unting gumagamit nang kaunting tabako sa mga araw na patungo hanggang sa petsa ng kanilang pagtigil. Ang iba ay gumagamit ng parehong dami ng tabako hanggang sa petsa ng kanilang pagtigil.
- Maaari rin makatulong na ngumuya ng mga walang asukal na gum o kumain ng matigas na kendi, beef jerky, o mga buto ng sunflower kapag pakiramdam mo'y gustong manigarilyo o ngumuya ng tabako.
- Itapon ang lahat ng iyong produkto ng tabako at anumang bagay na ginagamit mo sa iyong tabako, tulad ng mga lighter at ashtray.
- Isipin ang tungkol sa lahat ng dahilan na hindi mo gustong gumamit ng tabako. Bilang halimbawa, maaaring kamuhian mo ang amoy at ang halaga. Maaari mong isulat ang mga dahilang ito at repasuhin ang mga ito sa tuwing nakakaramdam ka ng panunukso na gumamit ng tabako.
- Gumawa ng listahan ng mga sitwasyon, lugar, o emosyon na gagawin kang mas malamang na gagamit ng tabako. Ang mga bagay na ito ay tinatawag na mga nakapagpapasimula. Ang pagiging may kamalayan sa mga nakapagpapasimulang ito ay matutulungan kang iwasan ang mga ito o maging handa para sa mga ito. Bilang halimbawa, kung palagi kang gumagamit ng tabako pagkatapos ng argumento sa iyong kapareha, magplano na maglakad sa susunod na magkakaargumento kayo.
- Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Sumali sa isang grupo o klase ng suporta sa pagtigil-sa-paninigarilyo.
- Pag-aralang pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Humanap ng mga paraan para magpahinga. Bilang halimbawa, kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng mga pelikula, o maglakad-lakad. Subukan ang yoga, meditasyon, o mga ehersisyong malalim na paghinga kapag nakararamdam ka ng stress.
- Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Huwag gumamit ng alkohol o mga droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
- Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo.
- Kontakin ang iyong healthcare provider para sa isang reseta ng gamot na makatutulong sa iyo na tumigil. Tanungin ang tungkol sa paggamit ng nicotine gum o mga patse.
- Piliting subukan. Maraming tao ang sumubok nang higit sa isang beses para tumigil sa paninigarilyo bago sila nagtagumpay sa wakas. Huwag sumuko. Maaari kang tumigil at tumigil nang permanente. Humingi ng tulong at subukan muli.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.