Page header image

Obsessive-Compulsive Disorder (OCD)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang obsessive-compulsive disorder (OCD) ay isang kundisyon kung saan palagi mong iniisip ang tungkol sa isang bagay (mga obsesyon) na nagiging sahi ng pagkaligalig. Maaari kang gumawa ng ilang aksyon nang paulit-ulit (mga pamimilit) para tulungang kontrolin ang pagkaligalig.
  • Maaaring kasama sa paggagamot ang exposure at response prevention therapy, mga gamot, at pag-aaral ng mga paraan para makapagpahinga.

________________________________________________________________________

Ano ang obsessive-compulsive disorder (OCD)?

Ang obsessive-compulsive disorder (OCD) ay isang kundisyon na naaapektuhan ang iyong mga pag-iisip at aksyon. Kung mayroon kang OCD, palagi kang mayroong mga iniisip tungkol sa isang bagay na nagiging sanhi ng pagkaligalig. Maaari kang gumawa ng ilang aksyon nang paulit-ulit para tulungang kontrolin ang pagkaligalig. Bilang halimbawa, kung palagi kang nag-aalala tungkol sa mga mikrobyo o pagkakasakit, maaari mong hugasan ang iyong mga kamay bawat oras. Ang mga iniisip palagi ay tinatawag na mga obsesyon. Ang mga aksyon ay tinatawag na mga pamumuwersa. Maaari kang gumugol ng mga oras bawat araw na ginagawa ang ilang aksyon nang paulit-ulit. Ang mga ito ay tinatawag na mga ritwal. Maaari ka lamang magkaroon ng mga obsesyon, mga pamimilit lamang, o pareho.

Ang mga aksyon ay tinatawag na mga pamumuwersa. Maaari kang gumugol ng mga oras bawat araw na ginagawa ang ilang aksyon nang paulit-ulit. Ang mga ito ay tinatawag na mga ritwal.

Maaaring palagi kang may kundisyon na ganito, ngunit ang paggagamot ay makatutulong sa iyo na makilala at mapangasiwaan ang mga sintomas. Sa ilang tao, nangyayari ang OCD nang naka-episode, sa mga taon na libre sa mga sintomas bago ng binat. Ang mga pagsulong sa therapy at mga bagong gamot ay natutulungan ang maraming taong may OCD.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng sakit na ito ay hindi alam. Ang nalalaman ay:

  • Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung paano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
  • Malamang na namamana sa mga pamilya ang OCD.
  • Ang mga taong may ganitong sakit ay maaaring magkaroon ng mga pagkakaiba sa ilang bahagi ng kanilang mga utak. Maaaring mangahulugan ang mga pagkakaiba na ito na ang ilang bahagi ng utak ay mas aktibo o hindi gaanong aktibo kaysa sa ibang tao.
  • Ang OCD ay maaaring mabuo o lumala pagkatapos ng impeksyon ng strep.
  • Ang OCD ay kadalasang nangyayari kasama ng mga sakit sa mood tulad ng iba pang sakit sa pagkaligalig, depresyon, at sakit na bipolar.
  • Ang mga batang na nasuri nang may Tourette syndrome ay mas malamang na magkakaroon ng OCD. Ang mga batang may Tourette syndrome ay maaaring magkaroon ng paulit-ulit, mga sandaling paggalaw ng mukha, mga kamay, o mga binti na hindi nila makontrol. Maaari rin silang magbigkas ng mga salita o gumawa ng ibang tunog na hindi nila makontrol.

Ang mga lalakeng may OCD ay kadalasang nag-uumpisang magkakaroon ng mga sintomas mula 6 hanggang 15 taong gulang. Ang mga babae ay kadalasang unang nagkakaroon ng mga sintomas sa umpisa ng kanilang ika-20.

Ano ang mga sintomas?

Kung ikaw ay may OCD, kadalasaang nalalaman mo na ang iyong mga obsesyon o pamumuwersa ay nakakasagabal sa iyong pang-araw-araw na buhay. Malalaman mo na ang iyong mga iniisip at aksyon ay hindi normal, ngunit ito’y napakahirap para sa iyo na tumigil.

Mga halimbawa ng mga obsesyon ay kadalasang nakikita sa OCD ay kasama ang:

  • Maaari kang maging matatakunin sa mga mamahaling bato o sakit.
  • Maaaring matakot kang aksidenteng maibagsak ang iyong sanggol o makapagismula ng sunog sa pag-iwan na nakabukas ang kalan.
  • Maaari magkaroon ka ng mga hindi gustong iniisip para itulak ang miyembro ng pamilya pababa ng hagdanan o gumawa ng isang bgay na nakasasakit bagamang hindi mo gusto at naaalarma sa pag-iisip ng naturang aksyon.
  • Maaari kang sobrang manabik kung ang mga bagay ay wala sa lugar o wala sa ayos na tama ang pakiramdam sa iyo.

Mga halimbawa ng mga pamimilit ng OCD ang:

  • Paglilinis: Natatakot sa mga mikrobyo, maaari kang mag-shower nang ilang beses sa isang araw o maghugas ng mga kamay hanggang sa magbitak at sumakit ang iyong balat.
  • Pag-uulit-ulit: Maaari kang mag-ulit ng pangalan o kasabihan nang maraming beses. Maaari kang paulit-ulit na humingi ng muling katiyakan na mangyayari o hindi mangyayari ang isang bagay.
  • Pagkumpleto: Maaari mong gawin ang mga bagay sa eksaktong ayos at ulitin ang bawat hakbang hanggang sa magawa nang perpekto ang mga bagay.
  • Pagsiyasat: Kung nangangamba kang masaktan ang iyong sarili o ang iba pa sa pamamagitan ng pagkalimot na i-lock ang pintuan o bunutin ang toaster, muli mong sisiyasatin nang paulit-ulit para makita na nagagawa ito.

Kasama ng OCD, maaari kang magkaroon ng iba pang problema tulad ng:

  • Malimit na karaniwang pagkaligalig
  • Depresyon
  • Mga sakit sa pagkain
  • Sakit na post-traumatic stress
  • Pag-abuso sa marijuana, alkohol, o mga sedative para subukang kontrolin ang iyong mga sintomas

Ang mga sintomas ng OCD ay kadalasang lumilikha ng mga problema sa mga relasyon at pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang halimbawa, ang mga taong may OCD ay maaaring ipilit na labhan ang kanilang labada nang maraming beses, siyasatin nang paulit-ulit ang kanilang trabaho, o magalit kung wala sa ayos ang mga bagay sa kabahayan. Maaaring gawing mahirap ng OCD ang pumasok sa paaralan o trabaho, at sa sandaling naroon na, maaari nitong gawing mahirap na mag-isip nang mabuti at magsagawa nang mabuti.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ka ng iyong healthcare provider o therapist tungkol sa iyong mga sintomas. Sisiguruhin niya na wala kang medikal na karamdaman o problema sa droga o alcohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Paano itong ginagamot?

Mga gamot

Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay makatutulong gamutin ang OCD. Makikipagtulungan ang iyong healthcare provider para piliin ang pinakamainam na gamot. Maaaring kailanganin mong uminom nang higit sa isang klase ng gamot.

Therapy

Ang therapy sa pag-uugali ay nakakatulong sa paggamot sa OCD. Ang klase ng therapy ng pag-uugali ay kadalasang ginagamit para gamutin ang OCD ay tinatawag na pag-iwas sa pagkakalantad at pagsagot. Kinabibilangan nito ang pagkumpronta mo sa iyong mga pangamba sa pamamagitan ng dahan-dahang pagdagdag ng iyong pagkakalantad sa mga ito. Kung, bilang halimbawa, huhugasan mo palagi ang iyong mga kamay dahil nangangamba kang madudumihan, maaaring tumayo ang iyong healthcare provider sa may lababo na katabi ka at pipigilan kang hugasan ang iyong mga kamay hanggang sa mawala ang pagkaligalig. Ibinibilang din sa prosesong ito na matutunan ang mga paraan para mag-relax, tulad ng mga ehersisyo sa paghinga. Sa tulong mula sa iyong therapist, matututunan mong daigin ang iyong pagkaligalig.

Iba pang paggagamot

Ang n-acetylcysteine ay maaaring nakatutulong bilang isang pandagdag na paggagamot para sa OCD. May mga pag-aangkin na ginawa na ang ilang herbal at mga produktong pang-diyeta ay nakakatulong kontrolin ang mga sintomas ng OCD. Ang mga suplemento ay hindi nasusuri o naaalinsunod sa pamantayan at maaaring mag-iba-iba sa mga bisa at epekto. Maaaring magkaroon ang mga ito ng mga side effect at hindi palaging ligtas. Makipag-usap sa iyong provider bago mo subukan ang mga herb o mga suplementong pang-diyeta para gamutin ang iyong kundisyon.

Pag-alam sa mga paraan para magpahinga ay maaaring makatulong. Yoga at meditasyon ay maaari rin makatulong. Maaaring gusto mong makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa paggamit sa mga pamamaraang ito kasama ang mga gamot at psychotherapy.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

  • Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar. Maunawaan na hindi ka nag-iisa at ang OCD mo ay maaaring mapangasiwaan. Maaaring magawa mong harapin ang mga sitwasyon na nagpapabahala sa iyo kung kasama mo ang isang tao na pinagkakatiwalaan mo. May milyun-milyong tao ang apektado ng OCD, at mayroong mga pambansang grupo na nakatalagang tulungan ang mga tao na may ganitong kundisyon. Tandaan na higit sa 90% ng mga taong may OCD ay napapangasiwaan ang sakit na ito sa wastong paggagamot.
  • Pag-aralang pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang dami ng gagawin. Humanap ng mga paraan para magpahinga. Bilang halimbawa, kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng mga pelikula, o maglakad-lakad. Subukan ang yoga, meditasyon, o mga ehersisyong malalim ang paghinga kapag nai-stress ka.
  • Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta at huwag lalaktaw sa mga pagkain. Ang mababang glucose sa dugo ay maaari kang makaramdam nang mas ninenebiyos. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Iwasan ang mga alcohol at droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider. Ang regular na ehersisyo ay maaaring makatulong na pakalmahin ka at gawin itong mas madali para sa iyo na humarap sa stress.
  • Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo.
  • Alamin ang tungkol sa iyong kundisyon. Ang pag-alam kung gaano nakaaapekto ang OCD ay nakatutulong sa iyo na mas mainam na maunawaan kung paanong makatutulong ang mga paggagamot, mga gamot at mga pagbabago ng uri ng pamumuhay. Alamin kung anong mga sintomas ang dapat mong itawag sa iyong health care provider o therapist.
  • Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-10-18
Huling narepaso: 2016-02-15
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image