________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang pancreatic cancer ay isang pagtubo ng mga hindi normal na cell na bumubuo ng mga tumor sa lapay.
- Maaring kasama sa paggagamot ang operasyon upang tanggalin ang bahagi ng lapay, gallblader, at bahagi ng iyong maliit na bituka, chemotherapy, o radiation. Kadalasan, higit sa 1 paggagamot ang ginagamit.
- Pagkatapos ng paggagamot, kakailanganin mo ng regular na mga follow-up na pagpapatingin sa iyong healthcare provider.
________________________________________________________________________
Ano ang pancreatic cancer?
Ang pancreatic cancer ay isang pagtubo ng mga hindi normal na cell na bumubuo ng mga tumor sa lapay. Ang lapay ay nasa likod ng bituka. Gumagawa ito ng kemikal na tinatawag na enzymes na tumutulong durugin ang pagkain para magamit ng iyong katawan ang sustansya. Ang lapay ay gumagawa rin ng mga hormone, tulad ng insulin. Tinutulungan ng mga hormone ang iyong katawan na gamitin at iimbak ang enerhiyang nakukuha nito mula sa pagkain. Kadalasang nag-uumpisa ang kanser sa mga tubo na nagdadala ng mga pancreatic juice.
Ang pancreatic cancer ay maaaring maging banta sa buhay. Mas maagang matuklasan at magamot ang kanser, mas mainam ang iyong pagkakataon na gumaling. Gayunman, kahit na ang advanced na kanser ay kadalasa’y nagagamot. Ang paggagamot ay maaaring pabagalin o pahintuin ang pagdami ng kanser at paginhawahin ang mga sintomas nang sandali. Tanungin ang iyong healthcare provider kung ano ang maaasahan mo sa klase ng kanser na mayroon ka.
Ano ang sanhi?
Ang eksaktong sanhi ng pancreatic cancer ay hindi nalalaman. Ang karamihan ng kaso ng pancreatic cancer ay nangyayari sa mas matatanda. Ilang mga bagay na maaaring magpataas sa peligro ng sakit na ito ay:
- Paninigarilyo
- Diabetes
- Malalang iritasyon ng lapay, kadalasang sanhi ng pag-abuso sa alkohol
- Labis na katabaan
- High-fat na diyeta na kinabibilangan ng maraming karne
Bihirang mangyari, ang ilang pamilya ay nakamana ng mga kundisyon na nagpapataas sa peligro ng pancreatic cancer.
Ano ang mga sintomas?
Ang pancreatic cancer ay tinatawag na isang tahimik na sakit dahil kadalasang hindi ito nagdudulot ng mga sintomas nang maaga. Kapag lumabas na ang mga sintomas, maaaring napakamalabo ng mga ito na maaaring hindi sila pansinin o mistulang ilang iba pang sakit.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
- Paninilaw ng balat at mga mata, na tinatawag na jaundice
- Pananakit sa bandang itaas o gitna ng tiyan at kagitnang-likod
- Pagbaba ng timbang nang walang alam na dahilan
- Kawalan ng gana
- Kapaguran
Papaano itong sinusuri?
Ang cancer na ito ay kadalasang hindi made-detect nang maaga, dahil ang lapay ay malayong nakasuksok, palalim sa tiyan. Maaaring mahirap itong eksaminin. Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at susuriin ka. Ang iyong provider ay maaaring makakapa ng matigas na bukol sa bandang itaas ng iyong tiyan. Ang iyong atay o apdo ay maaaring maging mas malaki kaysa sa normal.
Maaaring magkaroon ka ng mga pagsusuri tulad ng:
- Mga pagsusuri ng dugo
- CT scan, na gumagamit ng mga X-ray at isang computer para makita ang mga detalyadong larawan ng tiyan
- Endoscopic ultrasound, na gumagamit ng mga sound wave na ipinapadala palagos sa isang manipis, nababaluktot na tubo na inilalagay sa bibig papunta sa bituka para makita ang mga larawan ng tiyan
- Biopsy ng lapay, na maaaring isagawa sa panahon ng isang laparoscopy o sa pamamagitan ng karayom na idinadaan sa balat para kumuha ng maliit na sampol ng tissue para sa pagsusuri
- Ang laparoscopy, na gumagamit ng nababalukto, may-ilaw na tubo na inilalagay sa isang maliit na hiwa papasok sa tiyan para tingnan ang mga parte ng katawan at mga tissue sa loob ng tiyan
- ERCP, na gumagamit ng mga X-ray at isang nababaluktot, may-ilaw na tubo para makita ang loob ng bituka at ang unang bahagi ng maliit na bituka
- MRCP, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para makita ang mga detalyadong larawan ng lapay at ang mga bile duct
Papaano itong ginagamot?
Ikaw at ang iyong healthcare provider ay pag-uusapan ang mga posibleng paggagamot. Maaari ka rin makipag-usap sa isang nag-oopera o isang espesyalista sa kanser. Ilang bagay-bagay na pag-iisipan kapag nagdedesisyon sa paggagamot ay:
- Iyong edad
- Ang iyong panlahatang kalusugan
- Yugto ng kanser (kung gaanong ka-advance ang kanser)
- Kung kumalat ang kanser sa iba pang bahagi ng iyong katawan
Ang mga posibleng paggamot ay:
- Radiation therapy, na gumagamit ng malakas-na-enerhiyang mga X-ray para patayin ang mga cancer cell
- Chemotherapy (mga gamot na anticancer), na gumagamit ng gamot para patayin ang mga cancer cell
- Operasyon para tanggalin ang bahagi ng lapay. Maaaring kailanganin mo rin ng operasyon para tanggalin ang apdo o bahagi ng maliit na bituka.
Isasama rin sa iyong paggagamot ang:
- Pagpigil sa mga impeksyon
- Pagkontrol ng kirot o iba pang sintomas na maaaring nararanasan mo
- Pagkontrol sa mga side effect mula sa mga paggagamot
- Pagtulong sa iyo na pangasiwaan ang iyong buhay kasama ang kanser
Kadalasan, higit sa 1 paggagamot ang ginagamit. Kakailanganin mo ng regular na mga follow-up na pagpapatingin sa iyong healthcare provider.
Tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa mga clinical trial na maaaring nakalaan sa iyo. Ang mga clinical trial ay mga pananaliksik na pag-aaral para humanap ng mga bagong paggagamot sa kanser. Ito’y palaging kagustuhan mo kung makikilahok ka sa isa o hindi.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Kung ikaw ay nasuri nang may pancreatic cancer.
- Pag-usapan ang tungkol sa iyong kanser at mga opsyon sa paggagamot kasama ng iyong healthcare provider. Siguruhing nauunawaan mo ang iyong mga pagpipilian.
- Sundin ang buong takdang panahon ng paggagamot na inirereseta ng iyong healthcare provider.
- Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
- Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Kasama ang iba pang bagay na maaaring makatulong:
- Sundin ang payo ng iyong healthcare provider tungkol sa diyeta.
- Kumain nang kaunti, madalas na pagkain imbes na maraming pagkain.
- Uminom ng mga pildoras na pancreatic enzyme kung irereseta ng iyong provider ang mga ito. Pinapalitan ng mga pildoras na ito ang mga enzyme na kadalasang ginagawa ng iyong lapay para tumulong tunawin ang iyong pagkain.
- Regular na mag-ehersisyo tulad ng inirerekumenda ng iyong healthcare provider.
- Magpahinga nang husto.
- Subukang bawasan ang stress at maglaan ng panahon para sa mga aktibidad na nasisiyahan ka. Maaaring makatulong na makipag-usap sa isang tagapayo tungkol sa iyong sakit.
- Makipag-usap sa iyong pamilya at sa iyong mga healthcare provider tungkol sa iyong mga alalahanin. Magtanong sa iyong healthcare provider ng kahit ano may kinalaman sa sakit, paggamot, mga side effect ng paggamot, sekswal na aktibidad, mga grupong sumusuporta, at anumang bagay na aalalahanin mo.
- Kung maninigarilyo ka, subukang tumigil.
- Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol. Maaaring makagambala ito sa mga gamot na iyong iniinom. Ang alkohol ay mas nakapagpapahirap din para sa mga white blood cell na labanan ang mga impeksyon.
- Sabihin sa iyong provider kung ang iyong paggagamot ay nagdudulot ng hindi kaginhawahan. Kadalasan may mga paraan para tulungan kang maging mas komportable.
Papaano akong makakatulong pigilan ang kanser sa pagkalat o magbalik?
- Kumpletuhin ang buong takdang panahon ng operasyon, radiation, o mga paggagamot na chemotherapy na inuutos ng iyong healthcare provider.
- Agad na magpatingin sa iyong healthcare provider kung mapansin mo ang pabalik ng anumang dating sintomas, o nagkaroon ka ng mga bagong sintomas.
Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.