Page header image

Sakit na Pagkataranta

(Panic Disorder)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang sakit sa pagkasindak ay pagkakaroon ng mga biglaang pagdaluyong ng matinding takot na nangyayari nang paulit-ulit at nang walang babala.
  • Ang sakit na pagkataranta ay maaaring matagumpay na magamot sa pamamagitan ng therapy at gamot.
  • Humingi nang madaliang tulong kung mayroon kang malalang pananakit ng dibdib o nahihirapang huminga.

________________________________________________________________________

Ano ang sakit na pagkataranta?

Ang pagkasindak ay isang biglang daluyong ng matinding takot at mga pisikal na sintomas na pakiramdam ay malala. Kapag paulit-ulit na nangyayari ang mga atake ng pagkataranta, nang walang babala, tinatawag itong sakit na pagkataranta. Ang mga atakeng ito ay maaaring mangyari nang maraming beses linggu-linggo.

Ang sakit na pagkataranta ay maaaring tumagal nang sandali o maaaring magpatuloy sa maraming taon. Sa paggagamot, karamihan sa tao ay bumubuti nang kulang sa isang taon.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng sakit na ito ay hindi alam.

  • Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung paano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
  • Ang ilang bahagi ng utak at nervous system ang nagiging sanhi ng emosyonal at pisikal na silakbo ng takot. Ang isang ma-stress na kaganapan ay maaaring makapagsimula sa pagkataranta. Ngunit kadalasan ang pagkataranta ay nag-uumpisa nang walang alam na ma-stress na kaganapan.
  • Ang sakit na pagkataranta ay malamang na namamana sa mga pamilya. Kung ang isang magulang ay may sakit na pagkataranta, mas malamang din na magkakaroon ng sakit na pagkataranta ang mga bata. Gayunman, higit sa kalahati sa mga may sakit na pagkataranta ay walang kamag-anak na may history ng ganitong sakit.
  • Mas manganganib ka kung ikaw ay dating pisikal o seksuwal na naabuso noong nakaraan.

Karamihan sa mga tao na may sakit sa pagkataranta ay mayroon ding agoraphobia, ang ibig sabihin ay iniiwasan mo ang pagpunta sa mga lugar o paggawa ng mga bagay dahil natatakot ka na matataranta ka at walang katulong. Karaniwan itong magkakaroon ng depresyon kasama ng sakit na pagkataranta.

Ang sakit na pagkataranta ay kadalasang nagsisimula kapag isa kang teen o isang nakababatang husto sa gulang. Maaari itong magsimula pagkatapos ng edad 30, ngunit halos hindi na sa kagitnaang edad o mas huli. Ang sakit sa pagkasindak ay mas karaniwan sa kababaihan kaysa sa kalalakihan.

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ng isang atake ng pagkataranta ay kabilang ang:

  • Pakiramdam nang sobrang takot na may teribleng bagay na mangyayari
  • Pag-aalala tungkol sa pagkawala ng kontrol
  • Pag-aalala tungkol sa kamatayan, pagkahibang, o pagkakaroon ng atake sa puso.
  • Pagkakaroon ng mga pisikal na sintomas tulad ng pagkabog ng puso, pagkasira ng tiyan, pagtatae, panginginig, pagpapawis, o pagiging mainit o malamig
  • Pakiramdam na parang nahihirinan ka o hindi makahinga
  • Pagkahilo, pagkahimatay, o nalulula
  • Nakararamdam ng pagkamanhid o pangingilabot sa mga kamay, binti, o iba pang bahagi ng katawan
  • Pakiramdam ay nakahiwalay o parang pinapanood mo ang iyong sarili sa labas ng katawan

Ang mga pakiramdam na ito ay biglaang nagsisimula at lumalakas, kadalasan sa loob ng 10 minuto. Ang mga sintomas ay kadalasang tumatagal nang 20 hanggang 30 minuto. Nangyayari ang mga atake nang walang babala.

Kung mayroon kang sakit na pagkataranta, ang mga sintomas na ito ay paulit-ulit na dumarating. Ang iyong takot na mangyayari ang isa pang atake at binabago ang iyong kilos para maiwasan ang isa pang atake ng pagkataranta.

Dahil ang mga pinakakaraniwang sintomas ng isang atake ng pagkataranta ay kabilang ang pananakit ng dibdib at kakapusan ng hininga, maaaring pagkamalan mo ang isang atake sa pagkataranta sa isang atake sa puso. Kung magkakaroon ka ng malalang pananakit sa dibdib o nahihirapan sa paghinga, agad na kumuha ng medikal na paggagamot para malaman ang sanhi.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ka ng iyong healthcare provider o therapist tungkol sa iyong mga sintomas. Sisiguruhin niya na wala kang medikal na karamdaman o problema sa droga o alcohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Mahalaga na makasiguro na ang mga medikal na problema ay hindi nagiging sanhi sa mga atake ng pagkataranta. Ang ilang gamot ay maaaring maging sanhi o magpataas ng mga atake ng pagkataranta. Maaaring kailangan mong palitan ang iyong mga gamot para makasiguro na hindi sila bahagi ng problema.

Walang mga eksaminasyon sa laboratoryo ang makapagsusuri sa sakit na pagkataranta.

Paano itong ginagamot?

Ang sakit na pagkataranta ay maaaring matagumpay na magamot sa pamamagitan ng therapy at gamot.

Gamot

Makatutulong ang mangilan-ngilang gamot para gamutin ang sakit na pagkasindak. Makikipagtulungan ang iyong healthcare provider para piliin ang pinakamainam na gamot. Maaaring kailanganin mong uminom nang higit sa isang klase ng gamot.

Therapy

May mangilan-ngilang klase ng therapy na makakatulong sa isang tao na may sakit na pagkataranta. Ang mga grupo ng suporta ay sobrang nakakatulong din.

Ang cognitive behavioral therapy (CBT) ay isang uri ng therapy na napakabisa sa sakit na pagkataranta. Ang CBT ay isang paraan para tulungan kang kilalanin at baguhin ang iyong mga iniisip na humahantong sa mga atake ng pagkataranta. Ang pagpapalit ng mga negatibong iniisip nang mas mga positibo ay makakatulong sa iyo na kontrolin ang mga atake ng pagkataranta at ang takot na mangyayari ang isang atake ng pagkataranta.

Iba pang paggagamot

May mga pag-aangkin na ang ilang herbal at mga produktong gawa sa gatas ay nakatutulong kontrolin ang mga sintomas ng sakit na pagkataranta. Walang herb o suplementong pang-diyeta ang napatunayan nang palagi o ganap na nakakapawi ng mga sintomas ng sakit na pagkataranta. Ang mga suplemento ay hindi nasusuri o naaalinsunod sa pamantayan at maaaring mag-iba-iba sa mga bisa at epekto. Maaaring magkaroon ang mga ito ng mga side effect at hindi palaging ligtas.

Pag-alam sa mga paraan para magpahinga ay maaaring makatulong. Yoga at meditasyon ay maaari rin makatulong. Maaaring gusto mong makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa paggamit sa mga pamamaraang ito kasama ang mga gamot at therapy.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Ang pagpapanatili ng malusog na uri ng pamumuhay ay mahalaga. Para makatulong kontrolin ang sakit na pagkataranta:

  • Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar.
  • Pag-aralang pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Humanap ng mga paraan para magpahinga. Bilang halimbawa, kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng mga pelikula, o maglakad-lakad. Subukan ang yoga, meditasyon, o mga ehersisyong malalim na paghinga kapag nakararamdam ka ng stress.
  • Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta at huwag lalaktaw sa mga pagkain. Ang mababang glucose sa dugo ay maaari kang makaramdam nang mas ninenerbiyos. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Iwasan ang mga alcohol at droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider. Ang regular na ehersisyo ay maaaring makatulong na pakalmahin ka at gawin itong mas madali para sa iyo na humarap sa stress.
  • Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo. Napakahalaga na inumin ang iyong gamot kahit na kapag maganda at nakakapag-isip ka nang mabuti. Kung wala ang gamot, maaaring hindi bumuti o maaaring lumala ang iyong mga sintomas. Makipag-usap sa iyong provider kung may mga problema ka sa pag-inom ng iyong gamot o kung mukhang hindi tumatalab ang mga gamot.
  • Alamin ang tungkol sa iyong kundisyon. Ang pag-alam kung paanong nakaaapekto ang sakit sa pagkasindak ay matutulungan kang mas mainam na maintindihan kung paano makatutulong ang mga paggagamot, mga gamot, at mga pagbabago sa uri ng pamumuhay. Alamin kung anong mga sintomas ang dapat mong itawag sa iyong healthcare provider.
  • Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.

Humingi ng emergency na pangangalaga kung ikaw o isang mahal sa buhay ay seryosong nag-iisip ng mga pagpapakamatay o sariling pinsala sa sarili. Maghanap din ng dagliang tulong kung mayroon kang malalang pananakit sa dibdib o nahihirapang huminga.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-06-14
Huling narepaso: 2016-03-29
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image