________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang bata na may autistic spectrum disorder ay may mga problema sa pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba.
- Maaaring kasama sa paggamot ang mga gamot, social skills training, therapy, at mga paraan ng pag-aaral upang pamahalaan ang stress.
________________________________________________________________________
Ano ang sakit na autistic spectrum?
Ang taong may autistic spectrum disorder (ASD) ay may mga problema sa pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba. Ang ASD ay dating tinatawag sa iba't ibang pangalan:
- Ang autism, isang sakit na kung saan mayroon kang mga problema sa pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba. Maaari kang magkaroon ng di-pangkaraniwang o paulit-ulit na kilos at makitid na nakatuon sa mga interes.
- Ang asperger syndrome, ay isang banayad na anyo ng autism. Maaaring may magandang mga kasanayan ka sa wika, ngunit nagkakaproblema kapag may kasamang iba, at may mga hindi karaniwang interes at mga pag-uugali.
Hindi nagiging sanhi ng ASD ang bakuna sa pagkabata.
Ano ang sanhi?
Ang eksaktong sanhi ng ASD ay hindi nalalaman.
- Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang taong may ganitong sakit ay maaaring may kakulangan o sobra ng ilan sa mga kemikal na ito.
- Kung nahawahan ng virus ang isang babae, may diabetes, o hindi kumakain ng malusog na diyeta habang siya ay buntis, pinatataas nito ang peligro na magkakaroon ng sakit na autistic spectrum ang bata. Ang pagkakalantad sa ilang kemikal at mga gamot sa panahon ng pagbubuntis ay maaari rin mapataas ang peligro. Ang mababang antas ng hangin mula sa mahabang pag-labor o premature na panganganak ay maaari rin pataasin ang peligro.
- Paminsan-minsan ang mga ASD ay dumadaloy sa mga pamilya. Maaaring may ilang genes na nauugnay sa autism. Kung ang ama ay mas matanda kaysa sa edad 40 nang mabuntis ang ina, maaaring pataasin nito ang peligro ng bata.
- Ang taong may ASD ay maaaring may pisikal na pagbabago sa kanilang utak. Maaaring mangahulugan ang mga pagbabagong ito na ang ilang bahagi ng utak ay mas aktibo o hindi gaanong aktibo kaysa sa ibang mga tao.
- Ang taong may iba pang problema sa utak at genetic syndromes tulad ng fragile X syndrome, ay autistic din minsan.
Ano ang mga sintomas?
Ang mga sintomas ng ASD ay nag-iiba-iba. Walang dalawang bata na may ASD ang eksatong magkatulad.
Mga abilidad na Makisalamuha
Karamihan sa mga bata na may ASD ay nahihirapan na matutunan ang give-and-take na pakikisalamuha sa mga tao. Maaari kang mahirapan makipag-usap ng kaunti o makitungo sa mga grupo ng tao. Maaari gawing literal ang mga bagay at hindi maintindihan ang mga biro o mga double na kahulugan.
Mga problema sa Pakikipag-usap
May malawak na hanay ng mga problemang pangkomunikasyon. Hindi mo palaging naiintindihan ang tono ng boses o hindi verbal na komunikasyon, tulad ng ngiti, kindat, o pagsimangot. Maaaring kang mahirapan magsimula ng pag-uusap at iiwasan ang pakikitungo sa mga tao.
Mga pag-uugaling Inuulit-ulit
Ang mga tao na may ASD ay minsang inuulit ang mga galaw. Maaari kang makabuo ng mga paggawi at mga palagiang ginagawa at mabalisa ng husto sa pinakabahagyang pagbabago sa palagiang ginagawa.
Iba pang problema
Maaaring kang mapokus na mabuti sa ilang mga interes at mga bagay. Maaari ka ring maging napaka-sensitibo sa ilang mga tunog, mga hitsura, mga panlasa, at amoy. Maaari ka ring maging ganap na manhid sa sakit o temperatura.
Papaanong sinusuri ang isang ASD?
Tatanungin ng iyong healthcare provider tungkol sa iyong mga sintomas, kasaysayan ng medikal at pamilya, at mga gamot na iyong iniinom. Magsusuri ang iyong provider para sa isang medikal na sakit o problema sa droga o alkohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas. Maaaring kang magkaroon ng mga pagsusulit o scan upang suriin ang iba pang mga posibleng dahilan ng mga sintomas.
Kung sa tingin ng iyong healthcare provider na maaaring mayroon kang autistic spectrum disorder, maaaring isangguni ka niya sa espesyalista tulad ng isang psychologist, psychiatrist, therapist sa pagsasalita, o neurologist. Maaaring magsagawa sila ng marami pang pagsusuri at papayuhan ka tungkol sa paggagamot.
Ano ang paggagamot?
Walang sinuman ang pinakamagaling na paggagamot para sa lahat na may ASD. Bago ka magpasya sa paggagamot, alamin kung anu-ano ang iyong pagpipilian. Pag-aralan mo ng mabuti at mamili ka para sa paggagamot batay sa mga pangangailangan mo. Maaaring kabilang sa paggamot ng ASD ang:
Therapy
- Social skills na pagsasanay upang taasan ang kamalayan ng kaisipan, pagpapahalaga sa sarili, at tiwala sa sarili, at makatulong sa iyo magkaroon ng mas maraming kaibigan.
- Cognitive behavioral therapy (CBT) ay isang paraan upang makatulong sa iyo na makilala at baguhin ang pananaw sa iyong sarili, sa mundo, at sa hinaharap. Ipapaalam sa iyo ng CBT ang masama sa katawan na paraan ng pag-iisip. Makakatulong din ito sa iyo na matuto ng mga bagong paraan upang mag-isip at kumilos.
- Maaaring makatulong sa iyo ang group therapy na harapin ang trabaho at mga relasyon. Ginagawa ito sa isang grupo ng 6 hanggang 10 tao, sa ilalim ng patnubay ng isang therapist.
- Ang therapy na pamilya ay kadalasang talagang nakakatulong. Ang therapy na pangpamilya ay ginagamot ang lahat ng miyembro ng pamilya imbes na tingnan ang iisang tao. Tinutulungan nito ang buong pamilya na gumawa ng mga pagbabago.
Mga gamot
- Maaaring makatulong ang ilang uri ng mga gamot. Makikipagtulungan ang iyong healthcare provider para piliin ang pinakamainam na gamot. Maaaring kailanganin mong uminom nang higit sa isang klase ng gamot.
Natural na Remedyo at Alternatibong mga Paggamot
- Ang pag-e-ehersisyo at pag-alam sa mga paraan para magpahinga ay maaaring makatulong. Yoga at meditasyon ay maaari rin makatulong. Maaaring gusto mong makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa paggamit sa mga pamamaraang ito kasama ang mga gamot at therapy.
- Mayroon nang nagsabi na ang ilang mga herbal at pandiyetang produkto ay nakatulong sa pagkontrol ng sintomas ng ASD. Walang herb o suplementong pandiyeta ang napatunayan na ito ay patuloy o ganap na inaalis ang mga sintomas ng ASD. Ang mga suplemento ay hindi nasusuri o naaalinsunod sa pamantayan at maaaring mag-iba-iba sa mga pagkakabisa at epekto. Maaaring magkaroon ang mga ito ng mga side effect at hindi palaging ligtas. Bago ka uminom ng anumang suplemento, makipag-usap sa iyong healthcare provider.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
- Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Sumali sa isang grupo ng suporta sa iyong lugar.
- Alamin ang mga paraan para pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Humanap ng mga paraan para mag-relaks. Halimbawa, gumawa ng libangan, makinig sa musika, manood ng pelikula, o maglakad-lakad. Subukan ang malalalim na ehersisyo sa paghinga kapag nai-stress ka.
- Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Iwasan ang mga alcohol at droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
- Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo. Inumin ang lahat ng iyong gamot tulad ng itinuturo ng iyong provider o therapist. Makipag-usap sa iyong provider kung may mga problema ka sa pag-inom ng iyong gamot o kung mukhang hindi tumatalab ang mga gamot.
- Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang mga katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.
Kumuha ng pang-emergency na pangangalaga kung ikaw o isang mahal sa buhay ay may malalang iniisip na pagpapakamatay o pananakit sa sarili, kaharasan, o pananakit sa iba.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.