________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang peripheral artery disease ay ang pagkikipot o pagbara sa mga blood vessels sa iyong balakang, kamay, o mga binti.
- Ang pagkain ng malusog na diyeta, pag-e-ehersisyo , at pagpapanatili sa malulusog na antas ng iyong presyon sa dugo, asukal sa dugo, at cholesterol ay maaaring makatulong.
- Ang paggagamot ay maaaring kasama ang mga gamot, o isang procedure para buksan ang mga blood vessel at pabutihin ang daloy ng dugo.
________________________________________________________________________
Ano ang peripheral artery disease?
Ang peripheral artery disease (PAD) ay isang sakit ng mga blood vessel, lalo na ang mga naghahatid ng dugo sa balakang, mga kamay, o binti. Ang pagharang sa mga artery na ito ay maaaring mapigilan ang daloy ng dugo sa mga bahaging ito.
Ano ang sanhi?
Ang matatabang deposito na tinatawag na plaque ay maaaring mamuo sa mga blood vessel at gawing mas makipot ang mga iyon. Pinapakaunti ng pagkikipot ang dami ng dugong dumadaloy sa katawan. Ang maliliit na piraso ng plaque ay maaring masira mula sa dingding ng blood vessel at ganap na mabarahan ng mas maliit na blood vessel. Nangyayari ang PAD kapag ang nabarahan o naharangang mga artery ay hindi makapagbigay nang sapat na dugo at oxygen para sa katawan.
Ang mangilan-ngilang dahilan ay maaaring magpataas ng iyong peligro sa PAD:
- Paninigarilyo
- Sakit sa puso
- Diabetes
- Matataas na antas ng LDL (masama) na cholesterol o triglycerides
- Mataas na presyon ng dugo
- History ng pamilya ng sakit sa puso
- Pagiging sobra sa timbang
- Kawalan ng ehersisyo
Ano ang mga sintomas?
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
- Pananakit, pamumulikat, o panghihina sa iyong mga binti, kamay, o braso (ang mga sintomas na ito ay maaaring mangyari kapag mag-eehersisyo ka at mawawala kapag nagpapahinga ka)
- Kawalan ng pakiramdam sa mga kamay, binti, paa, o mga daliri sa paa
- Mga sugat sa mga binti o paa na mabagal gumaling o hindi gumagaling
- Malamig na mga paa o mga kamay
- Erectile dysfunction
Papaano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at eeksaminin ka.
Mga pagsusuri para hanapin ang mga naharangang artery ay maaaring kabilang ang:
- Angiogram, na isang serye ng mga X-ray na kinukuha pagkatapos mag-iniksyon ang iyong healthcare provider ng espesyal na dye papasok sa iyong mga blood vessel para makita ang mga dingding ng mga bara
- Ultrasound, na gumagamit ng mga sound wave para ipakita ang mga larawan ng mga artery
- Ankle-brachial index, na gumagamit ng cuffs ng presyon ng dugo sa mga kamay at binti para suriin ang daloy ng dugo
Papaano itong ginagamot?
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga pagbabago sa uri ng iyong pamumuhay. Depende sa iyong mga sintomas, maaari rin magreseta ng gamot ang iyong provider para:
- Gawing mas mahirap sa iyong dugo na mamuo
- Pagpahingahin ang mga blood vessel
- Pababain ang cholesterol
- Tulungang panatilihing nasa normal na nasasaklawan ang presyon ng iyong dugo
- Konrolin ang iyong asukal sa dugo kung diabetic ka
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang pag-inom ng maliit na dosis ng aspirin araw-araw. Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAID), tulad ng aspirin, ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag uminom ng aspirin nang higit sa 10 araw para sa anumang dahilan.
Kung hindi makokontrol ang iyong mga sintomas o pinipigilan ka ng mga ito na gawin ang iyong mga normal na aktibidad, maaaring kailanganin mo ng angioplasty o bypass na operasyon.
- Ang balloon angioplasty binubuksan ang mga blood vessel at pinabubuti ang daloy ng dugo. Ang metal mesh na aparato na tinatawag na stent ay kadalasang iniiwan sa artery para tulungang panatilihing nakabukas ang blood vessel.
- Ang bypass na operasyon ay gumagamit ng mga blood vessel mula sa iba pang bahagi ng katawan, o materyales na gawa ng tao, para makagawa ng bagong landas paikot sa bahaging nabarahan.
Kung napakalala ng iyong sakit at hindi inirerekumenda sa iyo ang bypass na operasyon at angioplasty, ang iyong isang paa o binti ay maaaring tanggalin (puputulin). Ang pagpuputol ay kadalasang kailangan kung mayroon kang napakakaunting daloy ng dugo na namamatay ang balat at iba pang tissue at ikaw nasa peligro ng impeksyon na banta-sa-buhay. Ang pagputol ay isang huling paraan, ngunit kung hindi makokontrol ang peripheral vascular disease, ito ay isang posibleng resulta.
Ang PAD ay madalas na napapabagal o napipigilan kung nasuri ito nang maaga at nakokontrol ang mga dahilan ng peligro Kung hindi, isa itong sakit na lalala maliban lang kung magpapagamot ka at gagawa ng mga bagay para maiwasan ang pamumuo ng plaque.
Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?
Kung mayroon kang peripheral artery disease, may mga bagay na magagawa mo ngayon para pangalagaan ang iyong sarili at maiwasan ang mga problema sa hinaharap.
- Sundin ang mga direksyon ng iyong healthcare provider sa pag-inom ng iyong gamot. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin.
- Itigil ang paninigarilyo kung ikaw ay isang naninigarilyo. Ang isa sa mga epekto ng nicotine ay pagpapakipot sa mga artery. Ang bawat sigarilyo na hihititin mo ay binabawasan ang daloy ng dugo dahil ang nalanghap na nicotine ay kumakalat sa iyong dugo. Maaari itong maging sanhi ng pamumuo ng dugo, na maaaring maghatid ng atake sa puso o stroke.
- Magsagawa ng mga pagbabago sa iyong diyeta para tulungang kontrolin ang cholesterol. Bilang halimbawa, babaan ang dami ng mga saturated at trans fat at cholesterol sa iyong diyeta. Kumain ng mga whole grain, prutas, at mga gulay.
- Panatilihin ang magandang pagkontrol ng asukal sa iyong dugo kung mayroon kang diabetes.
- Mag-ehersisyo pa ayon sa mga inirerekumenda ng iyong healthcare provider. Maaaring tulungan ka ng ehersisyo na pabutihin at panatilihing dumaloy ang magandang dugo. Maaaring magrekumenda ang iyong provider ng programa ng ehersisyo para sa iyo. Kapag nag-eehersisyo ka, tumigil at magpahinga kung sobra ang pananakit sa iyong mga binti. Simulang maglakad muli kapag nawala na ang hindi kaginhawahan.
- Piliting magpanatili ng malusog na timbang. Kung sobra ka sa timbang, magbawas ng timbang.
- Pag-ingatan na hindi masaktan ang mga apektadong binti o mga kamay. Ang mga pinsala ay sobrang mas mabagal na gagaling. Para maiwasan ang impeksyon sa mga paa, araw-araw na inspeksyunin at pangalagaan ang mga ito. Kung mayroon kang mga kalyo o callus, magpatulong sa iyong healthcare provider o isang podiatrist (espesyalista sa paa) para mangalaga sa mga ito nang ligtas.
- Tanungin ang iyong healthcare provider:
- Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
- Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
- Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
- Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
- Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito
- Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Ano ang magagawa ko para makatulong maiwasan ang peripheral artery diseas?
Makakatulong kang iwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng malusog-sa-pusong uri ng pamumuhay:
- Ipasuri nang regular ang mga antas ng iyong presyon ng dugo, asukal sa dugo, at cholesterol. Siguraduhi na alam mo ang gagawin mo para mapanaili sila sa isang malusog na nasasaklawan.
- Pangalagaan ang iyong kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain nang malusog na diyeta at piliting magpanatili ng malusog na timbang. Kung maninigarilyo ka, subukang tumigil. Kung gusto mong uminom ng alkohol, tanungin ang iyong healthcare provider kung gaanong karami ang ligtas para makainom ka. Alamin ang mga paraan para pangasiwaan ang stress. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa iyong personal at pamilyang medikal na history at ang iyong mga nakagawiang uri ng pamumuhay. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang magagawa mo para mapababa ang iyong peligro sa peripheral artery disease.
Developed by RelayHealth.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.