________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang isang pinsala sa litid na posterior cruciate ay isang pinsala sa isa sa mga litid sa iyong tuhod. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Pinagkakabit ng iyong litid na posterior cruciate ang iyong buto sa hita sa iyong lulod sa likod ng iyong tuhod. Ang mga litid sa iyong tuhod ay pinapanatiling nasa puwesto ang iyong tuhod at mga leg bone kapag naglalakad o tumatakbo ka. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit. Ang ganap na pagkapunit ay ginagawang napakaluwag at hindi panatag ang iyong tuhod.
Ang pinsala sa litid ay tinatawag din na pilay.
Ang pinsala sa litid na posterior cruciate ay maaaring mangyari kung matamaan ang harap ng iyong tuhod habang nakabaluktot ito at nakatindig ang iyong paa sa sahig o kung tumatama ang iyong tuhod sa dashoard sa isang aksidente sa sasakyan. Maaaring ito rin ay maging sanhi ng isang biglaang aktibida na nakababalukto o nakapupunit sa litid, tulad ng pagbagsak na nagbabaluktot sa iyong tuhod na mawala sa puwesto.
Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
Kung napunit mo ang iyong litid na posterior cruciate noong nakalipas na mga buwan o taon at hindi mo pa ito naipakumpuni sa pamamagitan ng operasyon, maaaring magkaroon ka ng pakiramdam na mahina ang iyong tuhod at bumibigay kapag bumalukto o pumihit ka.
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari kang sumailalim sa mga X-ray o iba pang scan o procedure, tulad ng MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para ipakita ang mga detalyadong larawan ng dugtungan ng iyong tuhod.
Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.
Kung mayroon kang pamamaga sa iyong kasu-kasuan, maaaring kailanganing alisin ng iyong healthcare provider ang likido mula sa iyong tuhod gamit ang isang karayom at hiringgilya. Maaaring balutan ng iyong provider ng nababanat na benda sa paligid ng iyong tuhod para mapigilan sa paglala ang pamamaga.
Ang ganap na pagkapunit ng PCL ay maaaring kailanganin ng operasyon, lalo na kung napinsala rin ang ibang litid. Maaaring kailanganin mong panatilihin ang iyong tuhod sa isang immobilizer ng tuhod at gumamit ng mga saklay para maprotektahan ang iyong tuhod habang naghihilom ka.
Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom. Kakailanganin mong patuloy na gawin ang mga ehersisyon pangrehabilitasyon para panatilihing malakas ang mga kalamnan ng iyong paa kung maluwag ang iyong litid pagkatapos ng pinsala.
Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:
Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.
Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Bilang halimbawa, mag-ehersisyo na nakapagpapalakas ng mga kalamnan ng hita at hamstring at unatin ang mga kalamnan ng iyong binti.
Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport. Bilang halimbawa, kung mag-i-ski ka, siguruhing nai-set nang tama ang iyong mga ski binding ng isang sanay na dalubhasa para mapapakawalan nila ito kung babagsak ka.