Page header image

Pinsala sa Rotator Cuff

(Rotator Cuff Injury)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pinsala sa rotator cuff ay kasiraan sa mga kalamnan at matitibay na tali ng tissue na sumusuporta sa iyong balikat kapag ginagalaw mo ito.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang pinsala.
  • Ang pinsala sa rotator cuff ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng ehersisyo, yelo, mamasa-masang init, at paminsan-minsan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.

________________________________________________________________________

Ano ang pinsala sa rotator cuff?

Ang pinsala sa rotator cuff ay iritasyon o pinsala sa grupo ng mga litid at kalamnan na magkasamang kumakapit sa hugpungan ng iyong balikat. Ang rotator cuff ay isang grupo ng mga litid at kalamnan sa iyong balikat na nagkakabit sa iyong itaas na bisig sa iyong paypay (shoulder blade). Ang mga litid ay malalakas na tali ng tisiyu na nagkakabit ng kalamnan sa buto. Pinapanatiling nakapirmi ng mga litid ng rotator cuff ang balikat. Pahihintulutan ka ng mga kalamnan na igalaw ang iyong balikat at bisig.

Ano ang sanhi?

Ang pinsala sa rotator cuff ay maaaring sanahi ng:

  • Sobrang gamit ng iyong balikat sa isang sport o aktibidad sa trabaho na kabilang ang inuulit na paggalaw sa itaas ng iyong balikat, tulad ng swimming, baseball (pangunahin sa pitching), football, tennis, pagpipinta, plastering, o gawain sa bahay.
  • Isang biglaang aktibidad na nagbabaluktot sa iyong balikat o nakapupunit sa iyong litid, tulad sa paggamit ng iyong kamay para mapigilan ang pagbagsak, pagbagsak na una ang kamay, o pagbuhat ng mabigat na bagay.

Maaring ikaw ay nasa mas mataas na peligro para sa isang pinsala sa rotator cuff kung ikaw ay may hindi magandang postura ng ulo at balikat, lalo na kung ikaw ay mas may edad.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit at kahinaan sa iyong kamay at balikat
  • Kawalan sa paggalaw ng balikat, lalo na kapag sinubukan mong itaas ang iyong kamay lampas sa ulo

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari sumailalim ka sa mga X-ray o iba pang scan o procedure, tulad ng :

  • Isang ultrasound, na gumagamit ng mga sound wave para ipakita ang mga larawan ng hugpungan ng iyong balikat
  • Isang MRI, na gumagamit ng malakas na magnetic field at mga radio wave para ipakita ang mga detalyadong larawan ng hugpungan ng iyong balikat
  • Isang arthrogram, na isang X-ray o MRI na kinukuha pagkatapos na mainiksyunan ng dye papasok sa iyong hugpungan para mailarawan ang hugis nito
  • Arthroscopy, na isang klase ng operasyon na isinasagawa gamit ang maliit na scope na ipinapasok sa iyong hugpungan para direktang matingnan ng iyong provider ang iyong hugpungan

Papaano itong ginagamot?

Kakailanganin mong baguhin o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang iyong pinsala. Bilang halimbawa, iwasan ang walang tigil na aktibidad o anumang mosyon na lampas sa ulo na nagsasanhi ng pananakit. At saka, piliting makasiguro na sinasanay mo ang magandang postura at hindi pasulong na humuhukos.

Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom.

Kung patuloy kang magkakaroon ng pananakit, maaaring bigyan ka ng iniksyon ng isang gamot na steroid.

Kung ikaw ay may hindi magandang pagkapunit, maaaring kailanganin mong ipakumpuni ito sa pamamagitan ng operasyon. Pagkatapos ng operasyon, ang plano ng iyong paggagamot ay kabilang ang pisikal na therapy para palakasin ang iyong balikat habang naghihilom ito.

Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para panatilihing maimpis ang pamamaga at tulungang pahupain ang pananakit:

  • Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.
  • Maglagay ng mamasa-masang init sa kumikirot na bahagi nang 10 hanggang 15 minuto bago ka magpainit at mag-ehersisyo ng pag-uunat. Maaaring makatulong ang mamasa-masang init na mapahinga ang iyong mga kalamnan. Kabilang sa mamasa-masang init ang mga heat patch o mamasa-masang heating pad na mabibili mo at karamihan ng botika, isang mainit na basang basahan, o isang mainit na shower. Para maiwasan ang mga paso sa iyong balat, sundin ang mga direksyon na nasa pakete at huwag magsinungaling sa anumang klase ng hot pad. Huwag gagamit ng init kung mayroon kang pamamaga.

Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, kabilang kung gaanong kabigat ang mabubuhat mo, at kung kailan ka makababalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong iwasan ang isang pinsala sa rotator cuff?

Ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala. Bilang halimbawa, magsagawa ng mga ehersisyo na nagpapalakas sa mga kalamnan ng iyong balikat. Kung sumasakit ang iyong kamay o balikat pagkatapos ng ehersisyo, ang paglagay ng yelo dito ay maaaring makatulong mapigilan ito na mapinsala.

Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport.

Iwasan ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit. Bilang halimbwa, iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa iyong ulo.

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-04-30
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image