Mga gamot: Paggamit Nang Ligtas sa mga Ito
________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang paggamit ng mga gamot sa maling paraan ay maaaring maging mapanganib. Ang ilang mga gamot ay maaaring makahadlang sa ibang mga gamot o magkaroon ng mga side effect. Ang mga gamot ay makakatulong sa isang problema sa medikal, ngunit nagpapalala sa kondisyon ng iba.
- Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin. Huwag ibahagi ang iyong gamot sa ibang tao.
- Siguraduhing alam mo kung paanong itago ang iyong gamot, at itapon ang kapag paso na ang petsa o kapag hindi mo na kailangan.
- Kung mayroon kang anumang katanungan, tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko para sa higit na impormasyon.
________________________________________________________________________
Bakit mahalaga na gamitin nang ligtas ang gamot?
Kapag wastong ginagamit, ang mga gamot ay maaaring makatulong o makapagligtas-ng-buhay din. Ang paggamit sa mga ito sa maling paraan, sa anumang paraan, ay maaaring maging mapanganib. Siguruhin na susundin mo ang mga direksyon at ligtas na inumin ang iyong mga gamot.
Ang ilang gamot ay:
- Maaaring makahadlang sa paraan ng paggana ng ibang gamot
- Maaaring maging sanhi ng mapipinsalang side effect kapag pinagsama sa iba pang gamot
- Maaaring nakatutulong sa isang problemang medikal ngunit pinalalala ang iba pang kundisyon
Papaano kong gagamitin nang ligtas ang aking gamot?
Kung marami kang iniinom na iba’t ibang gamot, maaaring ito’y mahirap masubaybayan kung kailan iinumin ang bawat isa at kung gaanong karami ang iinumin. Para inumin nang ligtas ang iyong mga gamot, sundin ang mga alituntuning ito:
- Sundin ang mga direksyon na kasama sa iyong gamot, kabilang ang impormasyon tungkol sa pag-inom nito sa kasabay ng pagkain o alak. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Huwag iinom ng sobra o kulang sa dapat mong inumin. Kung makaligtaan mo ang isang dosis ng iyong gamot, inumin ito sa sandaling maalala mo. Kung malapit na sa oras para sa susunod na dosis, huwang parehong iinumin maliban kung pasusuri mo muna sa iyong provider. Huwag ititigil an pag-inom sa iyong gamot nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong provider.
- Subukang mapunan sa parehong lugar ang lahat ng inireseta sa iyo. Makatutulong ang iyong parmasyotiko na masiguro na ang lahat ng iyong gamot ay ligtas na inumin nang magkasama.
- Dalhin mo ang isang listahan ng iyong mga gamot. Ilista ang lahat ng iniresetang gamot, hindi iniresetang gamot, mga suplemento, likas na remedyo, at mga bitamina na iniinom mo. Sabihin lahat ng healthcare provider na gumagamot sa iyo tungkol sa lahat ng produkto na iniinom mo.
- Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.
- Gumamit ng pillbox (na tinatawag ding kahon na pang-alala ng dosis) kung may problema kang matandaang inumin ang iyong mga gamot gaya ng inireseta. Ang mga kahong ito ay makakatulong sa iyo na makita nang isang sulyap kung nainom mo na ang iyong gamot para sa araw. Siguruhin na iinumin mo ang tamang dami ng gamot sa tamang oras. Huwag iinom ng mga gamot mula sa mga sisidlang walang etiketa.
- Mag-imbak ng mga gamot ayon sa mga direksyon na nasa etiketa. Itago ang mga ito sa kanilang mga orihinal na sisidlan maliban kung gagamit ka ng kahon na “pang-alala ng dosis”. Huwag iinom ng mga gamot mula sa mga sisidlang walang etiketa.
- Itago ang mga gamot para sa mga emergency sa isang ligtas na lugar kung saan mo madaling mahahanap ang mga ito.
- Huwag magtatago ng mga gamot sa lamesang tabi ng kama (maliban sa mga gamot na pang-emergency tulad ng nitroglycerin). Maaaring mainom mo ang maling gamot o maling dosis kapag hindi ka ganap na gising o alerto. Huwag iinom ng gamot sa dilim.
- Panatilihing nakahiwalay ang mga gamot na iniinom sa iba pang gamot. Ang ilang gamot na ginagamit sa balat, bilang halimbawa, ay maaaring nakalalason kung malulunok ang mga ito.
- Ilayo ang lahat ng gamot sa maaabot ng mga bata.
- Maliban kung ang mga ito ay dapat na inumin lamang kapag kailangan mo ang mga ito, huwag magtatago ng mga gamot na inireseta na gagamitin sa ibang panahon. Karamihan sa mga gamot, tulad ng mga antibiotic, ay dapat mainom hanggang sa mawala ang lahat na ito, na maaaring maging mabuti pagkatapos bumuti ang iyong pakiramdam.
- Huwag gagamitin ang mga gamot na lampas na sa expiration date na nasa etiketa. Kung walang expiration date ang isang gamot, isulat ang petsa nang binili mo ito. Ipasuri sa isang parmasyotiko bago gamitin ito kung ito ay higit sa 1 taon. Tanungin ang iyong parmasyotiko tungkol sa pinakamagandan paraan para itapon ang mga pasong gamot at mga gamot na hindi mo na kailangan.
- Huwag kailanman iinom ng gamot na inireseta para sa isa pang tao at huwang ibabahagi ang iyong mga iniresetang gamot sa iba, kahit na sila ay mukhang may parehong mga sintomas. Kung ano ang maaaring maganda sa iyo ay maaaring mapinsala sa iba.
- Sabihan lahat ng iyong provider tungkol sa anumang allergy sa gamot o pagkain na mayroon ka.
- Kapag nagpa-refill ka ng nireseta, alamin sa iyong parmasyotiko kung mukhang naiiba ang hitsura ng gamot sa kulay, laki, o hugis sa dati mong reseta. Dahil ang isang gamot ay maaaring ginawa ng iba’t ibang tagagawa, maaaring magkakaiba ang hitsura ng mga pildoras sa isang refill sa susunod. Ngunit huwag mag-akala iyan ang dahilan kung bakit magkakaiba ang hitsura ng iyong gamot kung ito ay isang bagong refill. Palaging magtanong.
Kung mayroon kang anumang katanungan, tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko para sa higit na impormasyon. Siguruhing mapupuntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng
RelayHealth.Huling binago: 2015-12-28
Huling narepaso: 2015-06-30
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.