Page header image

Disorder sa Paggamit ng Inireresetang Gamot

(Prescription Drug Use Disorder)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ligtas ang paggamit sa tamang paraan ng iniresetang mga gamot. Ang pag-inom ng sobra o pag-inom sa mga ito kapag hindi kinakailangan ang mga ito ay pag-abuso sa gamot.
  • Ang disorder sa paggamit ng substance ay mga pattern ng paggamit ng droga na humahantong sa malalalang problemang pangpersonal, pangpamilya, at pangkalusugan.
  • Kung ikaw ay umaabuso o nalululong sa mga gamot na inireseta at gustong tumigil, kumuha ng tulong mula sa iyong healthcare provider.
  • Ang mga grupo na tinutulungan-ang-sarili tulad ng Narcotics Anonymous, mga grupo ng suporta, at therapy ay maaaring makatulong.

________________________________________________________________________

Ano ang disorder sa paggamit ng inireresetang gamot

Kapag iniinom ang mga inirestang gamot sa tamang paraan, ang mga ito ay ligtas. Ang pag-inom ng sobra o pag-inom sa mga ito kapag hindi kinakailangan ang mga ito ay pag-abuso sa gamot. Kabilang sa mga gamot na inireseta na maaaring maabuso ay:

  • Mga gamot sa pananakit
  • Mga sleeping pill
  • Mga gamot para gamutin ang ligalig
  • Mga gamot sa ubo
  • Mga stimulant na mga gamot na nagpapataas ng enerhiya at pagkaalerto

Ang disorder sa paggamit ng substance ay mga pattern ng paggamit ng droga na humahantong sa malalalang problemang pangpersonal, pangpamilya, at pangkalusugan. Ang pag-abuso ay kapag patuloy kang umiinom ng gamot kahit na nagdudulot ito ng problema tulad ng:

  • Pagdating nang huli o pagliban sa trabaho o paaralan at hindi iniintindi ang tungkol sa mga bagay na dating mahalaga sa iyo
  • Nilalabag ang mga patakaran o nilalabag ang batas
  • Hindi tinutupad ang mga pangako, nakikipagtalo, o nagiging marahas sa ibang tao
  • Paggawa ng mga bagay na mapanganib, tulad ng pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensiya

Maaari ka ring umaabuso sa gamot na inireseta kung ikaw ay

  • Umiinom ng mga ito sa mga dahilang bukod sa bakit sila inireseta
  • Umiinom nang higit sa dosis na inireseta
  • Patuloy na ginagamit ang mga ito kapag hindi mo na kailangan ng gamot

Kung patuloy kang aabuso sa mga droga, maaari kang malulong. Kapag ikaw ay lulong sa mga iniresetang gamot, ikaw ay:

  • Maaaring kailanganing gumamit pa ng maraming droga, o gamitin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto
  • Mawawalan ng kontrol, na ang ibig sabihin ay patuloy kang gumagamit ng mga gamot kahit na alam mo na nakakapinsala ito sa iyo o sa iba, o hindi mo mapigilan ang paggamit ng mga gamot kapag sinubukan mo
  • Sobrang pananabik sa mga droga na komukunsumo ka ng maraming oras at enerhiya na makakuha ng mga droga, at mapaglipas sa mga epekto
  • Maaaring magkaroon ng mga sintomas ng withdrawal kapag tumigil ka sa paggami ng mga gamot

Ang pagkalulong ay tinatawag ding pagkagumon. Ang ilang gamot na inireseta ay mas nakakagumon kaysa sa iba pa. Kung nag-aalala ka na maaari kang maging gumon sa isang gamot na inireseta, makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa tamang mga gamot para sa iyo.

Ano ang sanhi?

Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Binabago ng mga narkotiko ang balanse ng mga kemikal na ito sa iyong utak. Kapag gumamit ka ng gamot kaysa sa inireseta, magsisimulang masanay dito ang iyong utak. Bilang isang resulat, maaaring sobra kang manabik sa droga at hindi makaramdam nang tama hanggang gamitin mo ang droga. Kapag biglaan mong itinigil ang paggamit ng mga gamot, ang balanse ng mga kemikal sa iyong utak ay magbabago, na nagiging sanhi ng mga sintomas ng withdrawal.

Mayroon kang mas mataas na peligro ng pagiging lulong sa mga droga kung ikaw ay:

  • May history sa pamilya ng pag-abuso sa droga o alkohol
  • Umabuso na sa alkohol o mga drago noong nakalipas
  • Madaling mabigo, nahihirapan sa pangangasiwa ng stress, o pakiramdam na parang hindi ka pa magaling
  • Ay regular na nasa paligid ng mga tao na gumagamit ng alkohol, o mga droga
  • May problema sa kalusugan ng pag-iisip
  • May palagiang pananakit

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ng pag-abuso sa iniresetang gamot o pagkalulong ay dumidepende sa klase ng gamot, kung gaanong karami at kung gaanong kadalas mong ginagamit ang gamot. Ang mga sintomas ay maaaring maging banayad hanggang sa malala, tulad ng:

  • Problema sa pag-ukol ng pansin
  • Kalituhan at mga problema sa memorya
  • Biglaang mga pagbabago ng sumpong, tulad ng nagagalit o naiirita
  • Problema sa pagtulog
  • Nawawala ang interes sa mga bagay na dati mong kinasisiyahan

Ang mga sintomas ng withdrawal ay maaaring banayad hanggang sa malala. Maaaring magkaroon ka ng ilan sa mga sintomas na ito kapag tumigil ka sa paggamit ng mga gamot:

  • Pagka-hindi mapalagay at pagkairitable
  • Mga pagbabago sa iyong gana o pagtulog
  • Mga pananabik sa gamot

Kasama sa iba pang senyales na maaaring umaabuso o nagugumon ka sa mga gamot na inireseta ay:

  • Pagpapatingin sa ilang magkakaibang healthcare provider para makakuha ka ng maraming reseta
  • Nagkukunwang may sumasakit para lang makakuha ng gamot sa pananakit
  • Pagpapalsipika ng mga reseta
  • Pag-inom ng gamot na inireseta para sa iba

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider kung gaano kadami at kung gaano kadalas mong iniinom ang gamot. Maging tapat tungkol sa iyong paggamit ng droga. Kinakailangan ng iyong provider ang impormasyong ito para maibigay sa iyo ang tamang paggagamot. Tatanungin din niya ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at susuriin ka. Maaari kang sumailalim sa mga pagsusuri o scan para makatulong makagawa ng diyagnosis.

Papaano itong ginagamot?

Maaring magamot ang disorder sa paggamit ng mga iniresetang gamot. Para sa anumang paggagmot na maging matagumpay, dapat mong gustuhing itigil ang paggamit ng mga gamot. Huwag subukang gumamit ng alkohol at iba pang droga para mabawasan ang mga sintomas ng withdrawal. Maaaring magreseta ang iyong healthcare provider ng gamot para tulungan kang makalampas sa withdrawal. Maaaring magmungkahi ang iyong provider ng iba pang paraan para pangasiwaan ang mga sintomas o problema na itinakda para makatulong.

Kung ikaw ay umaabuso o nalululong sa mga gamot na inireseta at gustong tumigil, kumuha ng tulong.

Ang mga grupo na tinutulungan-ang-sarili tulad ng Narcotics Anonymous, mga grupo ng suporta, at therapy ay maaaring makatulong. Maaari kang gamutin sa isang programa sa paggagamot sa pag-abuso ng sustansya. Ang iyong mga healthcare provider at mga tagapayo ay makikipagtulungan sa iyo para bumuo ng programa sa paggagamot.

Ang pagpapanumbalik sa dating kalusugan mula sa pagkagumon ay pangmatagalang proseso. Ang follow-up ng pagpapagamot ay napakahalaga para hindi ka bumalik sa pag-abuso ng mga droga.

Kung ikaw ay na-overdose,o nagkakaroon ng matitinding sintomas ng withdrawal kakailanganin mong magamot sa isang ospital. Gagamutin ka rin sa anumang problema sa kalusugan tulad ng atake sa puso, stroke, o iba pang problemang banta sa buhay.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang iyong sarili ay magpatingin sa iyong healthcare provider at gumawa ng mga plano para itigil ang pag-inom ng mga gamot. Kung nagpapatingin ka na sa isang healthcare provider, mahalaga na kunin ang buong kurso ng paggagamot na inirereseta sa kanya.

  • Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar.
  • Alamin kung papaanong pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Maghanap ng mga paraan para magpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng sine, o maglakadlakad. Subukan ang malalalim na ehersisyo sa paghinga kapag nai-stress ka.
  • Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung maninigarilyo ka, subukang tumigil. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
  • Iwasan ang mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay malamang na gumamit ng alkohol o mga droga.
  • Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo. Inumin ang lahat ng iyong gamot tulad ng itinuturo ng iyong provider o therapist. Napakahalaga na inumin ang iyong gamot kahit na kapag maganda at nakakapag-isip ka nang mabuti. Kung wala ang gamot, maaaring hindi bumuti o maaaring lumala ang iyong mga sintomas. Makipag-usap sa iyong provider kung may mga problema ka sa pag-inom ng iyong gamot o kung mukhang hindi tumatalab ang mga gamot.
  • Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang mga katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.
  • Piliting subukan. Marami sa mga tao ang sumusubok nang higit sa isang beses para tumigil sa paggamit ng mga gamot bago sila tuluyang magtagumpay. Kaya, huwag sasabihing, "hindi ko kaya." MATUTUTUNAN mong mabuhay nang walang mga droga sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Kumuha ng pang-emergency na pangangalaga kung ikaw o isang mahal sa buhay ay may malalang iniisip na pagpapakamatay o pananakit sa sarili, kaharasan, o pananakit sa iba.

Ang mga tao at mapagkukunan sa iyong komunidad na makatutulong sa iyo na isama ang iyong mga healthcare provider, therapist, mga grupo ng suporta, mga center sa kalusugan sa pag-iisip, at alkohol o mga programa sa paggagamot sa pag-abuso sa sustansya. Maaaring gusto mong kontakin ang:

  • Ang Pambansang Lupon sa Alkoholismo at Pagkagumon sa Droga (The National Council on Alcoholism and Drug Dependence)
    800-622-2255
    https://www.ncadd.org/
  • Ang Pambansang Surian sa Hotline sa Sanggunian sa Pag-abuso sa Droga (The National Institute on Drug Abuse Referral Hotline)
    800-662-4357
Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2016-10-18
Huling narepaso: 2015-04-16
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image