Page header image

Schizophrenia

(Schizophrenia)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang schizophrenia ay isang malalang kundisyon na nagiging sanhi ng mga pagbabago sa iyong mga iniisip, emosyon, at pag-uugali. Ang mga problema sa paraan mo ng pag-iisip ay magiging mahirap sa pagharap sa pang-araw araw na buhay.
  • Ang mga gamot ang pinakamahalagang bahagi ng paggagamot. Maaaring kasama sa iba pang paraan ng paggagamot ang, therapy, at pag-aaral ng mga paraan para makontrol ang stress. Sa malalalang mga kaso, kailangan kang gamutin sa ospital.

________________________________________________________________________

Ano ang schizophrenia?

Ang schizophrenia ay isang malalang kundisyon na nagiging sanhi ng mga pagbabago sa iyong mga iniisip, emosyon, at pag-uugali. Kung mayroon ka ng kundisyon na ito maaari kang:

  • Nakakarinig ng mga boses na hindi naririnig ng iba
  • May pag-uugali na hindi karaniwan
  • Nagsasalita ng mga bagay na hindi naiintindihan ng iba
  • Hindi magawang mabatid kung ano ang tunay sa inaakala
  • Hindi ipakita ang iyong mga emosyon

Ang schizophrenia ay kadalasang nagiging sanhi ng malalalang problema sa pang-araw-araw na mga aktibidad.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng sakit na ito ay hindi alam.

  • Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung walang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaano kang mag-isip, makaramdam, o kumilos. Ang mga taong may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
  • Kung ang isang babae ay may mga problema sa virus o nutrisyon habang siya ay buntis, pinatataas nito ang peligro na magkakaroon ng schizophrenia ang bata sa bandang huli ng buhay. Ang mababang antas ng hangin mula sa mahabang pag-labor o premature na panganganak ay maaari rin pataasin ang peligro.
  • Ang schizophrenia ay malamang na namamana sa mga pamilya. Kung ang isang bata ay may isang magulang na may schizophrenia, kung gayon ang mga tsansa na magkakaroon nito ang bata ay 10 beses tulad ng ibang mga bata. Ito ay totoo kahit na lumaki ang bata na malayo sa magulang na may schizophrenia.
  • Gumaganap din ng bahagi ang stress. Ang schizophrenia ay hindi magandang pagpapalaki, pag-abuso sa bata, o kapabayaan. Gayunman, ang maraming stress at pang-aabuso ay maaaring mas maagang dumating ang mga sintomas at maging mas malala.
  • Ang mga taong may ganitong sakit ay maaaring magkaroon ng mga pisikal na pagbabago sa kanilang utak. Maaaring mangahulugan ang mga pagbabagong ito na ang ilang bahagi ng utak ay mas aktibo o hindi gaanong aktibo kaysa sa ibang mga tao.
  • Ang ilang droga ay maaaring maging sanhi ng mga sintomas ng schizophrenia. Kabilang sa mga ito ang LSD, cocaine, at mga amphetamine.

Ang schizophrenia kadalasang nagsisimula sa bandang huli ng mga teen o sa twenties. Ang mga sintomas ay kadalasang tumataas sa 3 hanggang 5 taon. Paminsan-minsan biglaang nagsisimula ang schizophrenia nang ilang linggo. Ang ilang tao ay nasuri na noong kabataan at ang ilan ay pagkatapos ng edad na 40. Mangilan-ngilang milyong tao sa Estados Unidos ay apektado. Hindi gaanong mas madalas na nangyayari ito sa kalalakihan kaysa sa kababaihan.

Ano ang mga sintomas?

Walang isang sintomas ang tutukoy sa sakit na ito. Ang ilan sa sintomas ay mga pag-uugali na hindi makikita sa mga taong walang sakit sa pag-iisip. Ang mga klase ng sintomas na ito ay tinatawa na mga positibong sintomas. Maaaring dumating o malawala ang mga ito, at ang mga ito ay maaaring banayad hanggang sa malala. Kabilang sa mga positibong sintomas ang:

  • Nakakarinig, nakakakita, nakakaamoy, o nakararamdam ng mga bagay na hindi nararanasan ng iba
  • Pinaniniwalaan ang mga bagay na hindi totoo, tulad ng paniniwala na sinusubukan ng iba na saktan ka
  • Nahihirapang panatilihing diretso ang pag-iisip
  • Pagtigl sa pagsasalita sa gitnang isang pangungusap
  • Paggawa ng mga salita na walang kabuluhan
  • Pag-ulit ng ilang mga kilos o hindi talaga gumagalaw

Ang ilan sa mga normal na emosyon at pag-uugali na mayroon ang mga tao ay nawawala sa mga taong may schizophrenia. Tinatawag ang mga ito na mga negatibong sintomas. Ang mga negatibong sintomas ay kadalasang mas mahirap na makilala at maaaring pagkamalian para sa depresyon o iba pang sakit sa pag-iisip. Kabilang sa mga negatibong sintomas ang:

  • Kawalan ng ekspresyon sa mukha, tulad ng pagngiti o pagsimangot
  • Pananamit nang kakatwa, tulad ng pagsusuot ng mga guwantes na panlamig sa tag-init
  • Hindi pagligo o pagsuklay ng iyong buhok
  • Pagsasalita sa pantay na boses o napakakaunti o hindi talaga nagsasalita
  • Nagkakaproblemang i-enjoy ang anumang bagay

Iba pang problema sa paraang mag-isip ka ay maaaring gawing ito napakahirap para pangunahan ang isang normal na buhay, tulad ng:

  • Nagkakaproblema sa paggamit ng impormasyon para magdesisyon
  • Nagkakaproblema sa pag-ukol ng pansin
  • Nagkakaproblema sa paggamit ng impormasyon na natutunan mo pa lang

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider o therapist ang tungkol sa iyong mga sintomas, history ng medikal at pamilya, at anumang mga gamot na iniinom mo. Sisiguruhin niya na wala kang medikal na karamdaman o problema sa droga o alcohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas. Maaari kang sumailalim sa mga pagsusuri o scan para makatulong makagawa ng diyagnosis.

Ang isang dalubhasa sa kalusugan sa pag-iisip ang dapat magsagawa ng panghuling diyagnosis. Ginagawa ang diyagnosis batay sa isang masusing psychiatric na interview sa iyo at mga miyembro ng pamilya.

Papaano itong ginagamot?

Mga gamot

Ang mga gamot ang pinakamahalagang bahagi ng paggagamot. Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay makakatulong. Ang iyong healthcare provider ay makikipagtulungan sa iyo para piliin ang pinakamagaling para sa iyo. Maaaring kailanganin mong uminom nang higit sa isang klase ng gamot. Ang mga gamot na ito ay maaaring magdulot ng mga side effect, ngunit ikaw at ang iyong healthcare provider ay magbabantay sa mga ito. Maaaring baguhin ng iyong healthcare provider kung gaanong karami o kadalas mong iinumin ang iyong gamot o palitan ang gamot na iniinom mo.

Ito’y mahalaga na manatili sa iyong gamot para panatilihin nakokontrol ang iyong mga sintomas. Kung iniisip mo ang tungkol sa pagtigil sa iyong gamot, makipag-usap muna sa iyong provider. Huwag ititigil ang pag-inom ng gamot nang walang pagsang-ayon ng iyong healthcare provider.

Pang-suportang therapy

Binabago ng sakit na ito kung papaano ka makipag-ugnayan sa iba at sa kung papaano mong isipin ang tungkol sa pag-araw-araw na mga aktibidad. Ang ibang tao ay maaaring hindi kumportable sa iyong hindi karaniwan o hindi inaasahang pag-uugali at maaaring iwasan ka nila. Ang mga taong may schizophrenia ay mas malamang na magpatiwakal kaysa sa ibang tao, maging isang biktima ng krimen, maaresto, o mawalan ng bahay. Ang pang-suportang therapy ay matutulungan kang malaman ang tungkol sa schizophrenia at makakuha ng payo tungkol sa kung papaanong pangasiwaan ang mga pang-ara-araw na hamon.

Ang cognitive behavioral therapy (CBT) ay nagpo-focus sa pag-iisip at pag-uugali. Tutulungan ka ng therapist na matutunan kung papaanong:

  • Suriin ang realidad ng iyong mga iniisip
  • Hindi pansinin ang mga boses sa iyong ulo
  • Makaagapay sa stress
  • Palitan ang mga negatibong pag-iisip ng mga positibong pag-iisip
  • Kilalanin ang maagang senyales ng babala na lumalala ang mga sintomas
  • Mag-set ng mga layunin at ingganyuhin ang iyong sarili

Ang grupong therapy ay makakatulong sa iyo na mangasiwa sa trabaho, mga relasyon, at therapy ng droga at mga side effect. Ginagawa ito sa isang grupo ng 6 hanggang 10 tao, sa ilalim ng patnubay ng isang therapist.

Ang therapy na pamilya ay kadalasang talagang nakakatulong. Ang therapy na pangpamilya ay ginagamot ang lahat ng miyembro ng pamilya imbes na tingnan ang iisang tao. Tinutulungan nito ang buong pamilya na gumawa ng mga pagbabago.

Maaaring gawing mahirap ng sakit na isaayos ang iyong mga iniisip, lumutas ng mga problema, at gumawa ng mga desisyon. Maaaring mahirapan kang pangalagaan ang iyong sarili o sabihin sa iba kung ano ang kailangan mo. Malamang na kakailanganin mo ng therapist o tagapangasiwa ng kaso para tulungan kang pangasiwaan ang iyong pang-araw-araw na mga pangangailangan. Maaari kang tumira sa isang tagpuan ng grupo kasama ang iba pa na mayroon ding ganitong sakit.

Maaaring kailanganin mong magpalipas ng ilang panahon sa isang ospital kung iniisip mo ang tungkol sa pananakit sa iyong sarili o iba pa, o kung hindi mo magawang pangalagaan ang iyong sarili.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

  • Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Sumali sa isang grupo ng suporta sa iyong lugar.
  • Alamin kung papaanong pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Maghanap ng mga paraan para magpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng sine, o maglakadlakad. Subukan ang malalalim na ehersisyo sa paghinga kapag nai-stress ka.
  • Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Iwasan ang alkohol at mga droga dahil maaaring palalain ng mga ito ang iyong mga sintomas. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.
  • Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo. Inumin ang lahat ng iyong gamot tulad ng itinuturo ng iyong provider o therapist. Napakahalaga na inumin ang iyong gamot kahit na kapag maganda at nakakapag-isip ka nang mabuti. Kung wala ang gamot, maaaring hindi bumuti o maaaring lumala ang iyong mga sintomas. Makipag-usap sa iyong provider kung may mga problema ka sa pag-inom ng iyong gamot o kung mukhang hindi tumatalab ang mga gamot.
  • Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang mga katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas. Minsan gagawin kang natatakot ng sakit na ito kahit na sa iyong provider o therapist. Bantayan ito at maging tapat sa iyong provider o therapist ang tungkol dito.

Kumuha ng pang-emergency na pangangalaga kung ikaw o isang mahal sa buhay ay may malalang iniisip na pagpapakamatay o pananakit sa sarili, kaharasan, o pananakit sa iba.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Developed by RelayHealth.
Adult Advisor 2016.4 nilathala ng RelayHealth.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2016-09-06
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
Copyright © 2016 RelayHealth, a division of McKesson Technologies Inc. All rights reserved.
Page footer image